Chapter 12
Nakangiting binabasa ni Nagini ang sulat na ibinigay sakaniya ng kaniyang nobyong si Ruel.
Isang taon na din silang mag kasintahan at hindi parin nababawasan ang kalambingan nito. Sa katunayan nga ay mas lalo pa ito naging malambing sakaniya.
Kahit na lagi silang mag kasama ay binibigyan parin siya ng mga tula ng binata. Kinikilig parin siya sa mga aksyon na ginagawa ng binata kahit na halos araw-araw na nito ginagawa iyon.
Habang binabasa niya ang mga sulat ay nakarinig siya ng ingay mula sa kaniyang bintana na tila may bumato dito. Agad siyang napatayo at napasilip sa kaniyang bintana.
Nakita niya ang kaniyang nobyo na nasa labas at may malawak na ngiti itong nakatingin sakaniya.
"Kamusta ang aking pinaka mamahal na nobya?" tanong sakaniya ng binata.
"Maayos naman ang araw ko. Ikaw? Kamusta ang pangangaso niyo ng iyong kapatid?" tanong niya dito.
"Marami kaming nahuli ngayong araw kaya malaki laki din ang kinita namin sa pag benta ng mga nahuli namin." sabi ni Ruel.
"Maganda kung ganoon."
Kinuwentuhan lamang ni Ruel si Nagini samantalang walang sawang nakinig lamang si Nagani sa kaniyang nobyo. Lagi kasi siya nito kinukwentuhan hanggang sa makatulog siya.
Kina umagahan ay maaga silang pumunta sa pamilihan para mag benta, gaya ng nakagawian nila. Marami parin ang bumibili sakanila.Kahit na alam na ng lahat na may nobyo si Nagini ay marami parin sakanila bumibiling binata para mag papansin o dikaya naman ay para lang masilayan ang kagandahan ni Nagini.
Habang binebentahan ni Nagini ang isang matanda ay hindi niya namalayan na may isang malaking katawan na lalaki na nakatingin sakaniya ng malagkit.
"Ano po ang sainyo?" tanong ni Nagini sa lalaki ng matapos niyang mabentahan ang isang matanda.
"Ikaw..."nagulat naman si Nagini sa sinabi nito. Kahit naiilang ay nginitian niya lamang ito ng peke. Hindi na sakaniya bago ang mga ganoon dahil sa mga ilang mamimiling binata.
"Kayo po talaga."pekeng tumawa lamang si Nagini para pag takpan ang pagkailang.
Simula nung araw na yun ay lagi na itong bumibili sa kanilang tindahan. Hindi na iyon pinag tuonan ng pansin ni Nagini dahil wala naman itong ginagawang masama- yun pala ay akala niya lang iyon.
"Iniimbitahan sana kita sa aming pamamahay dahil mag kakaroon ng selebrasyon sa kaarawan ng anak ko." nakangiting sabi ng lalaki.
"Pasensya na po pero-" hindi na natuloy ang sasabihin ni Nagini ng sumingit ang kaniyang ina sa usapan.
"Makaka-asa kang pupunta ang anak ko mamaya. Wala naman siyang gagawin masyado mamaya." ani ng kaniyang ina.
Gusto niya pa sana sumabat ngunit pasimple siyang kinurot sa tagiliran ng kaniyang ina.
"Mabuti naman kung ganoon. Mamayang alasyete ng gabi gaganapin ang selebrasyon." binigyan lamang ng pekeng ngiti ni Nagini ang lalaki.
Nag paalam muna ito sakanila bago umalis. Humarap naman si Nagini sakaniyang ina.
"Inay, bakit naman kayo pumayag? Alam mo naman na mag kikita kami ni Ruel mamayang gabi." inaaya kasi siya ng binata na makipag kita dahil may sasabihin ito sakaniya.
"Ano kaba. Lagi naman kayo nagkikita ng nobyo mo. Mas maganda ng ibang tao naman ang makasalamuha mo bukod saamin ng nobyo mo." ani ng kaniyang ina.
"Pero inay-" hindi na natuloy ang sasabihin ng dalaga dahil muli siyang pinahinto ng kaniyang ina.
"Dali na anak. Pag bigyan mo na dahil hindi naman ito palagi."
BINABASA MO ANG
The Greatest Villain
FantasyClaire is a workaholic person. She can't even spoil herself by shopping like other people. Instead of spoiling herself, she is donating to other people who need help. You can't blame her after all. She's a doctor, and doctors can't resist seeing peo...