Chapter 19

4K 216 127
                                    

Chapter 19

Ito na ata ang pinaka ayaw na subject ni Ophelia.

Ito pa ata ang magiging rason na mag karoon siya ng bagsak.

Mas pipiliin pa ni Ophelia na pumasok sa subject niya na history na sobrang daming dapat basahin o dikaya naman ay mag solve ng math problem.

Bakit nga ba sila meron nitong subject? Matutulungan ba sila nito kapag may labanan na naganap?

" I will be the one to choose who will be your partner. Again, i hate students who will not follow my instructions. Understood?" their gay prof asked.

"Yes." his students replied.

" Good. Now i will start to our special students." biglang lumawak ang ngiti nito ng mapating siya sa mga elite students nito.

" Ang harot naman ni bakla." bulong ni Ophelia sa kaniyang sarili.

Marami kasi siyang ka-klase na taga Elite class. At syempre kung taga Elite class ay lahat ng mga iyon ay gwapo.

Required ata na gwapo at mayaman lang ang makakapasok sa Elite class.

Kung mahilig lang si Ophelia sa lalaki ay masasabi niyang bless na bless na yung mga mata niya dahil sa mga kagwapuhan ng classmate niya. Pero walang pakealam si Ophelia doon dahil ang inaalala niya ang subject niya ngayon.

'Bakit ba kasi merong dance class?'

Walang talent si Ophelia sa pag sasayaw. Baka mag kalat lang siya kapag pasayawin siya.

Anong pag aaralan nila sa dance class? Waltz?,.. Foxtrot?,.. Cha-cha?, Hip-hop?.. Zumba?

Ano ba nasa isip niya? Hip-hop tapos Zumba? Hindi naman siya nasa mundo niya para gawin nila iyon.

Iniimagine nalamang ni Ophelia na nag Zuzumba yung mga nag ga-gwapuhang prinsepe ay natatawa siya.

Dahil sa biglang pag tawa ni Ophelia ay napansin naman ito ng maharot niyang teacher.

" Pinag tatawanan mo ba ako?" nakataas ang isang kilay nitong tanong.

Napatayo ng maayos si Ophelia at nahihiyang ngumiti sa kaniyang guro.

"H-hindi po." napagat ng labi si Ophelia ng sabihin iyon. Mas lalong napataas ang kilay ng kanilang guro.

Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa. Inirapan siya nito at nilapitan.

" Hindi porke isa kang prinsesa ay magaganyan mo na ako. Hindi ako natatakot saiyo 'prinsesa'. Tandaan mo, isa ka lang nabibioangy sa Gold kaya hindi kapa ganoon kalakas- kung malakas ka nga ba." sabi ng guro nila. Napatikom ng bibig si Ophelia.

Akala ni Ophelia ay kapag nasa Gold ka ay maiiwasan mo ang pag de-deskriminasyon ngunit nag kamali siya.

Masyado naman atang nasobrahan na yung guro nila. Oo nga may kasalanan si Ophelia dahil bigla nalang siyang tatawa pero wala naman itong karapatan para laitin siya.

" Huh! As if naman makapunta ka sa Elite class. Babae ka lang. Walang saysay yang yaman niyo kung isang mahinang nilalang ka lang." pinigilan ni Ophelia na sagutin niya ang kaniyang guro. Kahit papaano ay may respeto siya sa guro.

Si Luke naman na nakikinig sa pamamahiya ng guro nila ay hindi niya maiwasan na magalit dito.

Sino ito para pahiyain ang prinsesa niya?

" Bakit hindi ka nalang nanatili sa malaki niyong bahay at mag pakasarap sa yaman niyo? Pinapasakit mo lang yung ulo ko. Bakit hindi ka nalang mag drop out? Tsk! Btch."

The Greatest VillainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon