Chapter 30
" On Sunday will be my parents wedding anniversary. Gusto ko din sa araw na iyon ay ipapakilala na kita."
Napatigil sa pag babasa ng libro si Claire at napalingon sa kaniyang nobyo na nakahiga ngayon sa kaniyang higaan.
Dahil sa sinabi ng kaniyang nobyo ay kinabahan siya sa maaaring mangyari sa araw na iyon.
'Paano kung hindi ako magustuhan ng magulang niya?'
" Baka hindi ako magustuhan ng magulang mo." nag aalalang sabi ni Claire.
Mula sa pag kakahiga ay bumangon ito at nilapitan si Claire.
" I'm sure they would love you. Ang ganda kaya ng girlfriend ko." namula naman si Claire at bahagyang pinalo sa braso si William.
" Wag mo nga akong bolahin! "
" Kinilig ka naman." natatawang sabi nito. Sinamaan ng tingin ni Claire ang binata.
" Umalis kanga sa harap ko. Imbis na nag re-review ako dito ay ikaw pa ang inaatupag ko." sabi ni Claire.
" Ay sige po aalis na po ako. Ano pala gusto mong kainin? "
"Hindi ako nagugutom." sabi ni Claire.
" Okay. Kahit ano nalang yung bibilhin ko." sabi ni William at umalis na ng kwarto niya.
Napabuntong hininga nalamang si Claire.
Ilang buwan na sila mag karelasyon ni William ngunit hindi pa siya nito pinapakilala sa magulang nito. Ngayon lamang.
Kinakabahan din siya dahil paano kung hindi siya gusto ng magulang nito?
Wala ng pumapasok sa utak ang binabasa niya kaya't napag desisyunan niya na isarado ang libro at lumabas nalang ng kaniyang kwarto.
Sakto naman ang paglabas niya ang pag salubong sa kaniyang ama.
" Pa."
Napalingon ito sakaniya at binigyan siya ng ngiti.
" Nakasalubong ko yung nobyo mo sa labas. May bibilhin lang ata, " sabi nito. "Siya nga pala. Kamusta na ang maganda kong anak? May nang aaway ba saiyo sa school?"
Napanguso naman si Claire dahil sa sinabi ng kaniyang ama.
" Ginawa mo naman akong bata. Syempre walang umaaway sa akin. Takot lang nila sakin." bahagyang natawa naman ang kaniyang ama at ginulo ang buhok niya.
" Ikaw talaga. "sabi nito at tinitigan siya na tila kinakabisado ang kaniyang mukha.
" Ganda ng anak niyo Pa no? "sabi ni Claire ng mapansin na tumagal ang pag titig nito sakaniya.
" Kamukhang-kamukha mo talaga ang mama mo no? "
Natigilan naman si Claire dahil sa sinabi ng kaniyang ama.
Alam niya na namiss nanaman nito ang kaniyang ina. Saksi siya kung paano nag luksa at kung paano puntikan ng patayin ng kaniyang ama ang sarili. Buti nalamang ay naabutan niya ito sa kwarto nila at napigilan ito.
Sobrang mahal na mahal ng ama niya ang kaniyang ina.
Naaksidente kasi ang kaniyang ina noong bata pa lang siya. Kaya bata palamang siya ay kinailangan niyang maging malakas.
Ilang taon din niyang bintayan ang kaniyang ama dahil naging tulala na ito. Buti nalamang ay naging maayos na ito. Kaya lang ay lagi na itong umaalis ng kanilang bahay.
Siguro sa isang buwan ay isang beses lang ito umuuwi. Nag tatrabaho kasi ito. Wala siyang idea kung ano ang trabaho nito dahil kapag tinatanong niya naman ito ay nginingitian lang siya.
BINABASA MO ANG
The Greatest Villain
FantasyClaire is a workaholic person. She can't even spoil herself by shopping like other people. Instead of spoiling herself, she is donating to other people who need help. You can't blame her after all. She's a doctor, and doctors can't resist seeing peo...