Chapter 25

3.7K 206 35
                                    

Chapter 25

" Grabe ang sakit talaga ng ulo ko dahil sa math na iyan. Buti na nga lang nandiyan si Ophelia para turuan ako eh." pag kwento ni Karl.

" Yuck! Nag papaturo." pang aasar ni Ayla.

" Walang masama mag paturo no! Diba Lauren?" binalingan ni Karl si Lauren.

" Oo naman. Kung hindi mo maintindihan yung lesson ay mag paturo ka doon sa may alam. "sabi ni Lauren.

Ngumiti si Karl na parang siya ang nag wagi.

" Yan bida-bida kasi. Inggit ka lang kasi hindi ka tinuturuan ni Ophelia. " napairap naman si Ayla.

" Nag tatalo nanaman kayo. Alam niyo bang diyan nag katuluyan lolo at lola ko?" sabi ni Hansen habang may mapang asar na ngisi.

"Yuck? As if mag kagusto ako sa kulangot nato."nandidiring sabi ni Ayla.

" Yuck daw pero hindi na ako magulat isang araw kayo na. "pang asar ni Arnold.

" Tumigil nga kayong mga kulugo! " naasar na sabi ni Ayla.

Si Ludwig naman ay napatingin sa mga kasama niya at napansin na mukhang hindi nila kasama ang pinaka matanda sakanila.

" Mukhang wala ngayon si Owen ah. " sabi ni Ludwig.

" Duh? May pasok yun. Atsaka pinagalitan yun ni Ophelia kasi hindi na napasok sa ibang subject. "sabi ni Ayla.

Napalingon si Luke sa kanina pang tahimik na dalaga. Hindi siya sanay na ganito ang dalaga.

Mula kasi ng umaga ay hindi ito umiimik. Napansin niya din na nangingitim ang ilalim ng mata nito.

Nag aalala siya sa dalaga dahil mukhang napuyat ito. Kapansin pansin din ang bandage nito sa kamay.

" What happened to you, Ophelia?" halos mapatalon sa gulat si Ophelia ng hawakan ni Luke ang kamay niya na mayroong bandage.

" A-ah wala to." sabi ni Ophelia at sinubukan bawiin ang kamay niya kay Luke.

Naagaw naman ng pansin ng mga kasama nila dahil sa tanong ni Luke.

" Oo nga Ophelia. Anong nangyari sayo ngayon? Para kang lutang." sabi ni Karl. Sinamaan ng tingin ni Luke si Karl kaya't napa peace sign ito.

" Is there something bothering you, Ophelia?" Lauren asked.

Nag aalalang napatingin si Ayla kay Ophelia. Sa tingin niya ay dahil ito sa kinuwento niya kahapon. Hindi kaya na troma ito sa pinag kukwento niya?

" Is it because about last night?" Ayla worriedly said.

Napalingon kay Ayla ang mga kasama nila sa lamesa at nakatingin sakaniya na parang nag tatanong.

Napaayos naman upo si Ophelia at agad nag isip ng dahilan.

" What happened last night?" Hansen worriedly asked.

" naikwento ko kasi kay Ophelia about sa nangyari sa dati nating guro sa dance class."

" Ano ba yung nangyari? "tanong ni Lauren.

" I've heard that our former teacher was murdered by someone. Mukhang may galit sakaniya dahil napaka brutal ng pag kakapatay sakaniya. "pag kuwento ni Ayla.

" Natukoy naba kung sino ang pumatay? " tanong ni Karl. Umiling naman si Ayla.

" Mahirap mahanap kung sino ang pumatay sakaniya dahil talagang hindi siya nag iwan ng kahit ano mang mag tuturo sakaniya. "

Hindi naman talaga patungkol doon ang rason para mag kaganito si Ophelia. Dahil iyon sa pag uusap nilang dalawa ni Alessia.

" All I can say is. You can fall in love with every man, but not to someone who will ruin all our plans."

The Greatest VillainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon