Chapter 18

3.9K 214 30
                                    

Chapter 18

" Parang stress na stress ka girl ah?"

Mas lalong napabusangot si Ophelia ng marinig ang sinabi ni Ayla.

" Meron bang nangyari sa sumunod mong klase?" nag aalalang tanong ni Luke.

Napahinga ng malalim si Ophelia at kinalma niya ang kaniya sarili.

Sa sumunod niya kasing klase ay wala na siyang ka-klase sa mga kaibigan niya. Ngunit meron naman siyang kilala na classmate niya.

Classmates niya kasi ang dalawang mag kambal at si Lauren.

Hindi siya tinigilan ng kuwento ni Hansen. Hindi naman sila pinagalitan ng guro nila pero naiinis parin siya dahil imbis na nakikinig siya ay sa iba siya nakikinig.

"Ophelia!"

Mas lalong napabusangot si Ophelia ng makilala niya ang tumawag sakaniya.

" Pwede ba makiupo?" tanong ni Hansen. Sa tingin ni Ophelia ay siya ang tinatanong dahil sakaniya lang naman ito nakatingin.

" Hindi-" hindi na natuloy ang sasabihin ni Ophelia ng si Karl na ang sumagot dito.

" Pwede naman po mahal na prinsepe." mas lalong lumawak ang ngiti ni Hansen at tumingin kay Ayla na katabi ni Ophelia sa upuan.

"Pwede bang umusog ka? Sa tabi kasi ako ni Ophelia uupo." nakangiting sabi ni Hansen.

" S-sure." lumipat si Ayla ng upuan. Mabilis na umupo si Hansen sa tabi ni Ophelia at humarap dito.

" Marami akong inorder na pagkain. Napapansin ko kasi na parang pumapayat kana. Hindi kaba inaalagaan ng maayos ng 'butler' mo?" napatingin si Ophelia sakaniya sarili at napakunot ng noo.

"Hindi naman ako pumayat ah." sabi ni Ophelia. Napa iling iling si Hansen at dinagdagan nito ng pagkain ang nasa plato ni Ophelia.

" Hindi mo kasi mapapansin yan. Ang mas nakakapansin kasi niyan yung mga taong hindi ka madalas makita." sabi nito.

"Uy tama na. Ang dami na ng nilagay mo sa plato ko. Hindi ko mauubos yan." pigil ni Ophelia kay Hansen.

" Ubusin mo yan. Kapag hindi mo maubos yan ay mag de-date tayong dalawa sa sabado." tila nabilaukan ang mga kaibigan ni Ophelia sa sinabi ni Hansen. Maging si Ophelia ay napaubo sa sinabi ni Hansen.

" What do you mean date? Remember, princess Ophelia was your twin's ex-fiance. You can't date her. "Luke said. Hansen smirked.

" There is no problem with that. My brother doesn't mind if I date his ex-fiance. After all, he never cares about her anyway. "Hansen said.

" What is wrong with you, Hansen? Anong kalokohan nanaman ang naisip mo at nag aya kang makipag date sakin?" sumeryoso ang mukha ni Hansen at tiningnan si Ophelia sa mata. Kinilabutan naman si Ophelia dahil familiar sakaniya ang ganoong tingin.

" Yes Ophelia.. There is something wrong with me and I wanted to know what is it." seryosong sabi ni Hansen.

Napatikhim naman si Ophelia at napaayos ng upo. Naiilang kasi si Ophelia sa pag titig sakaniya ni Hansen.

" S-sige na nga. Susubukan ko tong ubusin. "sabi ni Ophelia at sumubo na ng kaniyang pagkain.

Kahit na halos maduwal na si Ophelia ay sinusubukan niya parin itong ubusin. Dagdag pa ng kawalan niya ng ganang kumain dahil sa pag titig ni Hansen sakaniya.

Ano ba ang problema ng makulit na batang ito? Parang nasaniban siya ng espirito ng kaniyang kambal na si Hanson dahil bigla itong seseryoso.

Hindi talaga sanay si Ophelia na makikitang seryoso si Hans dahil sa naka lolokong ngisi at may mapang asar na ngiti niya lang natutukoy kung sino si Hansen.

The Greatest VillainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon