Chapter 33
" I told you, Lauren! Ophelia will be the main event tonight! "
" Ang ganda mo Ophelia. Paniguradong maraming kalalakihan na mababaliw kapag makita ka."
Nahihiyang ngumiti si Ophelia sa kaniyang mga kaibigan at muling tiningnan sa kaniyang salamin ang sarili.
Hindi maiwasan ni Ophelia puriin ang kaniyang sarili dahil sa nakikita niya sa harapan.
Parang ayaw na lang niya lumabas ng dorm nila at pag masdan na lang ng matagal ang mukha niya.
" Ang swerte talaga ng magiging kapartner mo ngayon," sabi ni Ayla. "Siya nga pala..Sino pala ang magiging date mo? Nalilito na kasi ako kung sino ba talaga."
" Si Arnold..."
Nagkatingin naman sina Lauren at Ayla. Tila nag uusap ang mga mata nila.
Nag turuan pa ito kung sino ang kakausap kay Ophelia na busy kakatingin sa salamin. Sa huli ay si Ayla na ang nag salita.
" Ahm.. Ophelia?" Napalingon naman si Ophelia sa kaniyang kaibigan.
Napansin kaagad ni Ophelia ang pag dadalawang isip ng kaniyang kaibigan rason para ikakunot ng noo niya.
" May problema ba?" tanong ni Ophelia sa kaniyang mga kaibigan.
" May kumakalat kasi na balita," napa kunot ang noo ni Ophelia sa sinabi ng kaibigan.
'Balita?'
" Si Prince Hanson kasi," muling nagkatinginan si Lauren at Ayla na tila nag tuturuan pa kung sino ang mag kukwento.
" Anong meron kay Prince Hanson?" tanong ni Ophelia sa kaniyang mga kaibigan.
" May sinabi lang siya about sa'yo--sainyo," nainis na si Ophelia dahil paputol putol ang kwento ng dalawa.
" Pwede bang ikuwento niyo ng tuloy-tuloy? Pabitin naman kayo. "
" Okay, ganito kasi 'yan. Kahapon lang 'to nag simula pero alam mo na kapag dating sa chismis madaling kumalat," muling himunto si Ayla at napa lunok.
"May sinabi kasi si Prince Hanson about sa relation niyo, 'yun nga na nag kabalikan na daw kayo pero this time daw ay nag mamahalan na kayong dalawa."
Nanlaki ang mga mata ni Ophelia dahil sa kuwento ng kaniyang kaibigan at bahagya pang napa buka ang bibig.
" T-Tapos na sabi din na kaya kayo nag hiwalay dahil 'yun sa kakambal niya na sumisira sa relasyon niyo dahil sa inggit at selos." kuwento ni Lauren.
Mas lalo pang nanlaki ang mata ni Ophelia sa sinabi ni Lauren.
Parang familiar kay Ophelia ang nangyayari. Ganito din ang nangyari sa nobelang binasa niya.
Nag hiwalay kasi si Lauren at Hanson dahil nalilito si Lauren sa nararamdaman niya. Parang nag kakaroon din kasi ng gusto ang bidang babae kay Ludwig kaya hiniwalayan niya ang prinsepe rason para mabaliw ang prinsepe.
Pinagkalat ni Prince Hanson na nag kabalikan sila ni Lauren at sinabing sa susunod na buwan ay ikakasal na sila. Pinagkalat din nito na si Prince Hansen ang dahilan kung bakit sila nag kahiwalay ni Lauren.
Hindi kasi alam ni Prince Hanson kung sino ang lalaking nag papagulo sa sistema ng dalaga.
" M-May sinabi ba siya about kasal?" tanong ni Ophelia.
" Oo, ang sabi ay sasusunod na buwan na ang kasal niyo." sabi ni Laudren.
TIla ay huminto ang mundo ni Ophelia ng malaman niya kung ano ang magiging pag babago ng storya.
BINABASA MO ANG
The Greatest Villain
FantasyClaire is a workaholic person. She can't even spoil herself by shopping like other people. Instead of spoiling herself, she is donating to other people who need help. You can't blame her after all. She's a doctor, and doctors can't resist seeing peo...