Chapter 1

50 10 0
                                    


"Who's that pretty guy? Ngayon ko lang siya napansin." tanong ni Mira nang makita ang lalaking nakaupo sa kilid ng canteen which is malapit na sa basurahan. Hindi ba ito nangdidiri? Haler! Ang baho kaya don.

"Which one? Yung nagbabasa ng libro o yung nerd? They both transferee." Simpleng tugon ng kaniyang matalik na kaibigan na busy sa paglalagay ng kung anong kolorete sa mukha.

"Flor! Stop that, para kang sasali sa Miss. Universe."  itinirik lang ng kanyang kaibigan ang mga mata nito at isa isang ibinalik sa bag ang ibat ibang klasi ng kolorete sa mukha pati ibat ibang Color ng contract lense at eyelashes mayroon ang kanyang kaibigan.

Naisipan nilang tumambay sa canteen sa unang araw nila sa pagpasok bilang isang 2nd YEAR college. Para sana eh celebrate ang pagiging magkaklasi nila pero heto ang kaibigan niya busy sa pagmamake up sa sarili.

Naalala niya noong high school pa sila, ni hindi ito marunong maglagay man lang ng lipstick tanging pulbos lang ang alam nito. Hanggang sa nainlove at nasaktan ito. Mag aanim na taon na silang kaibigan nito at nung nasa high school pa sila lagi silang magkaklasi dahil narin siguro sa pariho silang may impluwensiya sa skwelahan.

At ng mag College sila ay nakiusap siya sa kanyang Mamita na sa Manila mag aral sa kursong BACHELOR OF Education. Pansamantala siyang tumutuloy sa bahay ng kanyang kaibigan dahil narin sa pariha sila ng kursong kinuha.

"OMY!!! Stop that Azamira Feya, I know that look!" Hindi niya pinansin ang kaibigan at pinagtitigan niya ng sobra ang lalaking nagbabasa ng libro na prenteng naka upo sa malapit sa may basurahan.

"So, what is that cutie name?" Napansin niyang marami rin nagnanakaw tingin dito na tulad niya pero wala itong pakialam kahit ang iba ay nagpapakilala o dikaya ay kunwari nadapa sa harapan niya na masyado namang halata na nagpapapansin lang, ngunit hindi nawala ang paningin nito sa libro na para bang ito na ang huling araw niya para magbasa.

"Malay ko. Look! Mukhang masungit te." sabi ni Afloria "Ni hindi nga siya nagpakilala, that means he's not interested in you."

Lahat ng mga transferee ay magpapapansin at magpapakilala agad sa kanila dahil hindi lamang sa taglay nilang ganda kundi narin sa apilyedo na dala nila. Isang magaling na attorney ang parents ni Afloria at ang sa kanya Papito at Mamita naman ay may sariling kompanya na siyang isa rin sa mga sikat sa industriya.

Inirapan na lamang ni Mira ang kanyang kaibigan at kinuha ang kanyang paboritong liptint na binili pa ng kanyang Mamita sa France. Inumpisahan na niyang ipahid ito sa kanyang mga labi habang may namumuong ideya sa kanyang isipan.

"Well, let's see. Ang gwapong tulad niya na mahirap hindi dapat binabaliwala ang magandang tulad ko."

"Mahirap?"  Pagtatanong ng kanyang kaibigan.

"Yes, listen Flor. Uupo ba siya diyan kung mayaman siya? Well, siguro walang nakikipag friends sa kanya. At ang mga mahihirap lang ang kayang magtiis diyan and look at his shoes, may butas nasa gilid. Im sure Last year niya pa yang sapatos nayan. Paano't nakapasok ang tulad niya sa University natin? Akala ko ba this school is for people na kilala lamang sa industriya. "

" Wow!!!! Nice speech. " Pinalakpakan siya ng kanyang kaibigan "Ang galing manglait te. Malay mo baka scholar siya kaya nakapasok, alam mo partikular na nangyayari talaga yan sa mga unibersidad." Sabagay mukha rin naman itong matalino. Unang pasok sa skwela nag aaral na agad ito samantalang sila ay busy sa pagpapakilala at kumustahan sa isa't isa.

" Well, I'm going to ask him. " Hindi niya matiis na hindi malaman ang pangalan nito at sigurado siyang pag sa hindi niya malalaman nag pangalan nito ay masisira ang buong araw niya. Kaya bago pato masira kailangan niyang malaman agad ang pangalan nito.

"What?????? Wait!!!!!! NABABA----" Huli na para pigilan siya ng kaibigan dahil umupo na siya sa harap nito. Ngunit hindi siya pinansin nito.

Dahil sa hindi pagpansin sa kanya ay malaya niyang napagmasdan ito. Mas gwapo ito sa malapitan. May pagka long hair ang buhok nito na nagkakaroon na ng bangs na umabot  na sa mata, mayroon din itong maliit na color brown sa dulo. Matangos ang ilong nito at may pagka singkit ang mga mata. Napaka amo ng mukha na kung may pakpak ito iisipin niyang isa itong anghel. Kapansin pansin rin ang haba ng mga legs nito kahit naka upo lang ito ay matangkad parin tingnan. Hanggang ang mga mata niya ay napadako sa damit na isinuot nito. Napaisip siya bigla, Paano't naging interesado siya sa lalaking hindi mamahalin ang suot at may butas ang sapatos? Dahil siguro sa kahit ganon ang suot nito ay hindi nababawasan ang kagwapuhan at porma nito.

"Ahem!!!" Epektibo ang ginawang pagpapansin niya dito dahil napabaling ang tingin nito sa kanya at ngali ngali siyang ngumiti "I'm Azamira Feya Gonzaga. Nice meeting you?".

Saglit siya nitong tinitigan bago sumagot " Nicholas Fier Tse." matabang na sagot nito sa kanya. Ibinalik nito ang paningin sa binabasang libro.

Napakagat labi siya sa kasungitan nito. Ngunit hindi siya tumigil sa pagtatanong, kahit pa nararamdaman niyang naiirita na ito sa kanya.

"Are you single?." Hindi ito sumagot kaya't nag isip siya ng ibang tanong para lamang may mapag usapan sila.

"Wala ka bang kaibigan o kakilala dito?"

"Bingi ka ba?"

"Pipi?"

"May cellphone ka ba?"

"Can I get your number?"

"Facebook?" para siyang desperadang babae pilit na kinakausap ang taong hindi siya kailanman matingnan. Paano naiignore ng lalaking ito ang tulad niya? Sira ulo bato?

Napukaw niya ang atensyon nito sa huling tanong niya. Kunot noong tiningnan siya nito.

"Ano?"

Nahihiya siyang ulitin ang kanyang sinabi pero dahil mukhang desidido itong makinig sa kanya. Pinagpatuloy na niya.

"Ammmm. Can you be my boyfriend?"




Foolish HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon