Chapter 16

4 1 0
                                        

With Him

Kasalukuyan akong naka upo sa kamang ibinigay sa amin ng Lola ni Nicho. Suot ang mga damit na pinahiram ni Miara dahil ito lang ang kaparihas ko ng body size.

Gusto sana ni Nicho na sa kwarto ako ng mga babae niyang pinsan matulog pero nakumbinsi ni Leo ang Lola na mapatabi kami ni Nicho sa pagtulog.

Nakakainis ang Leo na iyon. Kanina habang kumakain kami ay hindi kami tinantanan ni Nicho sa tanong nito na sino ang nagyaya sa aming dalawa. Sa irita ko ay hindi ko na tinapos ang pagkain at ganon rin si Nicho.

Bigla akong napatayo ng bumukas ang pintuan ng kwarto. Pumasok si Nicho na may bitbit na maliit na towel at pinupunasan ang kanyang leeg.

Galing ito sa labas at tinulungan ang mga pinsan na lalaki na buhatin ang mga sako-sakong gulay na idedeliver sa palengke para bukas.

Napahinto ito sa pagpupunas. Salubong ang mga kilay na nakatingin saakin. Nahiya naman ako sa paraan ng pag titig nito kaya naman iniyuko ko na lamang ang ulo ko.

Kumuha ito ng damit na pantulog sa maliit na cabinet dito. Tinungo ang maliit na banyo at nag bihis na.

Nakaramdam naman ako ng kaba na parang naiihi na iwan. Nanatili pa rin akong nakatayo at tinitigan ang pinto ng banyo.

Ito ang unang gabi na magkatabi kaming matutulog. Oo nga't marupok ako pero paano kung malaki ang sa kanya? Sabi pa naman ni Flor masakit pag una. Sasabihin ko na lang si Nicho na dahan-dahani--------------

"Sa labas ako matutulog." Napahinto ako sa pag-iisip ng mga kahilayan ng marinig ang sinabi ni Nicho.

Napangiwi pa ako ng makita na kumukuha na ito ng unan at kumot. Hindi ko namalayan ang paglabas nito gayun nasa harap lang naman ako ng pinto ng banyo.

Bitbit ang lahat ng kinuha ay tinungo nito ang pintuan palabas ng kwarto. Dali-dali ko namang sinundan ito.

Bubuksan na sana nito ang pinto ng mapahinto ito dahil sa paghila ko ng damit nito sa likod.

Seryoso ang mukha nitong lumingon sakin. Nagtatanong ang mga singkit na mga mata nito.

"Lalaki ako Mira."

"Alam ko." Kumunot ang noo nito sa diretsang sagot ko.

"Kung ganon bitawan mo ang damit ko ng  makapagpahinga na tayo." Umiling ako dito. Napabuntong-hininga naman ito.

Lumapit ito saakin. Napangiti ako ng inilagay nito ang mga kinuha kanina sa kama. Sinapo ng mga palad  nito ang pisngi ko.

"Mira. Hindi magandang tingnan na magkatabi tayo." Pagpapaintindi nito saakin.

Naiintindihan ko ang punto nito pero alam ng lahat na nagtanan kami syempre hindi na iyon maganda sa pandinig ng pamilya ko. Malamang iisipin non na may nangyari na saamin dahil sa pagsama ko dito. Mali ako nga pala ang nagyaya.

Hindi ko alam kung sasang-ayon ako dito o hindi. Nag-aalinlangan ang mga mata kong nakatingin sa kanya. Gusto ko malaman ang feeling na katabi si Nicho sa pagtulog. Sa pagmulat ng mga mata sa umaga ay siya ang unang  sasalubong saakin. Gusto ko namnamin ang oras at araw na kasama siya dahil alam ko balang araw mahahanap narin ako nila Papito. Walang hindi nagagawa si Papito at natatakot ako ngayon paman.

May naisip akong paraan na kahit man mahanap kami ni Papito ay wala itong magagawa kundi tanggapin si Nicho kung sakaling mabuntis man ako nito. Pero paano't ganon parin Mira? Paano kung mas tumindi ang galit nito? Ano nang gagawin ko?

Napabuntong hininga ako sa harap nito. Na siyang pinagtaka naman nito.

"Bakit?" Umiling lang ako sa tanong nito saka ngumiti.

Hinalikan ko ang labi nito. Smack lang iyon pero nakita ko ang pag angat ng sulok ng labi ni Nicho. Pinipigilan nito ang sarili na ngumiti.

Binitawan na nito ang pisngi ko at kinuha ulit ang mga bitbit kanina. Akala ko aalis na talaga ito ng bigla nitong nilapitan ang kamang gawa sa narra na kahoy na may manipis na busaos para lamang sa pandalawahang tao.

Hinubad nito ang suot na puting Tshirt at basta na lamang ito humiga sa kama.

So ganito natutulog ang isang Nicho Fier Tse? Naka expose ang magandang katawan. Napakagat labi ako habang naka titig sa gwapong boyfriend ko.

Tumagal ng ilang minuto ang pagtayo at pag titig ko sa katawan nito. Bago ko naisipang humiga sa tabi ni Nicho.

Kanina pa ako pa baling-baling pero hindi ako maka tulog. Mukhang nambabahay na naman ako.

Humarap ako kay Nicho para silipin ito. Napalunok ako ng makita ang mukha nito na mahimbing na natutulog. Hindi ko napiligilan ang sarili na hawakan ang mga mahahabang pilik mata nito at makakapal na kilay.

Pahinto ako sa paghawak ng lumipat ang paningin ko sa naka awang na mapupulang labi nito. Parang may sariling utak ang kamay ko dahil wala sa sarili tinungo nito ang labi ni Nicho at hinimas ng isang daliri ko.

Dali-dali akong bumalik sa pagkakatalikod ng biglang gumalaw ito. Ang kabang nararamdaman ko ay bigla kong nalunok ng naramdaman ang mga bisig nito na yumakap sa saakin patalikod.

Isiniksik nito ang mukha sa leeg ko kaya sobra-sobra ang naramdaman kong kiliti sa bawat paghinga nito.
Lalayo sana ako dito ng pigilin ako nito. Bago paman ako makapagsalita ay bigla na lang ako nitong hinalikan sa leeg.

Napakagat-labi ako ng paulit-ulit nitong hinahalikan ang leeg ko.
Idiniin nito ang pagyakap sakin sa likod kaya naman dikit na dikit na ang likod ko sa hubad na katawan nito.

Napaliyad ako ng wala sa oras ng may tumusok sa bandang pwetan ko. Nanginginig ang katawan ko ng marealize na ito ang alaga ni Nicho na nasa loob ng kanyang pantulog na panbaba. Ang isang kamay ni Nicho ay hinihimas ang hita ko kaya naman ay mas lalong nabasa ang loob ng panty ko.

Nakaramdam ako ng kaba ng pinasok na nga ng kamay nito ang cotton short na suot ko. Bigla akong napabangun ng wala sa oras. Ano Mira? Nasaan ang tapang mo kanina?

Napalunok ako ng umangat ang busaos. Tulad ko ay bumangon din si Nicho sa kama. Bumuntong-hininga pa ito bago lumapit saakin.

"Mira. I'm sorry." Puno ng sinseridad  ang boses nito.

Hinawakan nito ang baba ko at inangat para magpantay ang paningin namin sa isa't-isa.

Nakagat labi ako ng makita ang mukha nito na sobrang lapit na sa mukha ko. Bakit ba ito nag sosorry? Samantalang ako ang umayaw. Nahihiya ako dito dahil alam ko sa sarili ko na ako ang nagbigay ng motibo dito para gawin niya iyon pero bigla ko naman itong inayawan.
Hindi ko na talaga maintindihan ang sarili. Kasing gulo ng buhok ko ngayon ang utak ko.

Marahil nga dahil ito sa pag-iisip ko ng solusyon para matanggap si Nicho nila Papito na hindi sinangayuhan ng katawan ko dahil sa hindi pa ako handang gawin ang bagay na iyon.

Hays

Ngumiti na lang ako dito. Hinila ko ito para humiga ulit sa kama. Hindi naman ito nagsalita o tumutol.

Ginawa kong unan ang braso nito. Nakaharap ako sa dibdib ni Nicho.  Dinig na dinig ko ang malakas na pagtibok ng puso nito.

Napapikit ako ng maramdaman ang labi nito sa bandang ulo ko. Hinalikan ako nito ng dalawang beses. Humarap ito saakin at gamit ang isa pang braso  ay niyakap ako nito sa bewang. Sumiksik naman ako sa dibdib nito hindi ininda ang hubad nitong katawan at saka ipinikit ang mga mata.

Dahil sa simpleng yakap ni Nicho ay nawala ang lahat ng pangamba at takot ko sa pag-iisip ng mga posibleng mangyari sa amin balang araw.

Nawala narin ang pamamahay ko kanina at nakatulog ng mahimbing sa bisig nito.






-----------------------------------------------------

Yung nagsulat ka pero tamad ka mag promote oh mag plug. Well that's me! Hahaha Hays ka tamad talaga gawin yan kaya hindi na ako nagtataka if konti lang nagbabasa. Pero thank you parin sa mga silent readers dyan ❤️ Sana suportahan niyo ako hanggang sa BS hahaha

--Marn.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 11, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Foolish HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon