Chapter 3

18 8 0
                                    


Nakangiti niyang sinalubong ang matatalim na tingin ni Nicholas sa kanya. Masaya siya't nandito na ito sa harap niya at pagsisilbihan siya. Kahit busy ito ay pinagbigyan parin siya nito sa request niya at ngayon ay hinihintay siya nito. Hinihintay ang kanyang order.

"Amm, Dalawang chorizo and dalawang paa ng manok at limang hotdog saakin Nicko. Saka Nicho isang tiga luto." Natauhan siya sa pagkakatulala niya sa katawan ni Nicho ng marinig niya ang boses ng walang hiya niyang kaibigan.  Natatakam nitong tiningnan ang mga nagluluto ng barbeque sa gilid.

"Sorry girl, nakakagutum ang kabaliwan mo." Napairap siya sa dahilan nito. Kilalang kilala niya ang kaibigan niya, gustong gusto nito ang mga lalaking may pandesal sa katawan. Masarap daw kasi itong dilaan. Nakakadirdir talaga siya.

" Sayo ma'am?" Pormal na tanong ni Nicho sa kanya na para bang hindi sila nito magkakilala.

Ngumiti siya at ginaya narin ang style ng kaibigan.

"You. Magkano ka ba Nicko? "

Mula sa pagiging pormal ay nag dilim ang mukha nito at bumuga ng hangin sa bibig. Tinitigan siya nito at sing lamig ng yelo ang tingin ipinukol nito sa kanya.

"Hindi ako nabibili at hindi lahat ng bagay ay natutumbasan ng pera."

Nabigla siya sa sinabi nito. Ngayon niya lang napagtanto na masyado itong seryoso sa buhay na kahit ang simpleng biro niya ay hindi  nito masakyan.

"Umuwi kana."

Magsosorry sana siya dito ng tumalikod na ito. Naiiyak niyang tiningnan ang likuran nito na papalayo sa kanila. Nagsisisi siyang ginaya ang style ng sira ulo niyang kaibigan. 

Ang kaninang saya na nararamdaman niya ay napalitan ng lungkot at sakit na ngayon niya lang naranasan sa buong buhay niya.

Ang kagustuhan niyang maging malapit dito ay mukhang malabo ng mangyari.







------------------------------------------------

Naging busy ang lahat dahil sa papalapit  na examination. Pagrereview at pag gawa ng mga ibat ibang projects ang kailangan gawin. At dahil Education ang kursong kinuha ni Mira kailangan niyang hisain ang sarili sa paggawa ng mga Lesson Plan, demo at report. Para kung mag OJT na sila ay hindi na siya gaanong mahirapan dito.

Dahil sa kabusy'han niya ay hindi maiwasan na malipasan siya ng gutom. Hindi maka tulog ng maayos dahil inaabotan na siya ng hanggang hatinggabi sa pagrereview. Kailangan niyang makakuha ng grado na naaayon sa gusto ng kanyang papito. Ayaw niyang madissapoint ito sa kanya. Mahal na mahal niya ito na parang tunay narin niyang ama.

Walong gulang pa lang siya ay namatay na ang kanyang papa sa sakit  at makalipas ang dalawang taon ay sumunod naman ang kanyang mama dahil sa aksidente.

Nang sumakabilang buhay ang mga ito ay sinubukan niyang tumira sa kanyang tiyahin, hindi naging maganda ang relasyon niya sa mga anak nito kaya mas minabuti niyang umalis at sinubukan na mag trabaho
na lamang.

Naging mahirap sa kanya ang lahat lalo na't nasanay siya na buhay prinsesa. Hanggang sa dumating ang mga Del Fellel sa buhay niya, sinabi nito sa kanya na sila ang mga itinuring na mga magulang ng kanyang ama.

Natatandaan niyang sinabi ng kanyang ina ng buhay pa ito na inampon lamang ang kanyang ama ng isang mayamang pamilya at ng magkapamilya ito ay naisipan nitong lumayo layo sa kinalakihan nitong marangyang buhay at nag sariling sikap para sariling pamilya.

Hindi nga nabigo ang kanyang ama dahil kahit hindi ito naka pagtapos at isang collector lamang na naniningil ng utang ay naging maganda rin ang buhay nila. Mayroon parin silang isang katulong at sa private school rin siya nag-aaral nuon paman. Nasanay siyang palaging iniispoil ng mga ito dahil nag iisa siyang anak.

" Shit! Nakakastress." Napatingin siya sa mukha ni Flor. Nakakastress nga.

Nandito sila sa kanilang room at mag katabi ang kanilang mga upuan.
May hawak itong salamin na may Hello'kitty design sa likod. Kanina pa nito tinitingnan ang sariling mukha na parang sinusuri kung may mali ba sa pag make up niya. Sa sobrang kapal nito ay natatabunan na ang kanyang tunay na mukha. Hindi niya maintindihan ang kaibigan kung para saan ang pagmamake up nito. Ano nga bang trip nito sa buhay?

Kung tutuusin hindi na nito kailangan magmake up araw-araw. Maganda na ito yun nga lang feel niya mas maganda siya nito. Wala ang mga  singkit na  mata nito sa kanyang kulay asul na mata. Aba namana niya ito sa kanyang mama. Sabi nga ng kanyang mamita yun ang best asset niya.

"Nagkausap naba kayo ni Nicholas?"
Malungkot niyang tiningnan ito.

Dalawang linggo niya na palang di nakikita ulit si Nicho. Huli niyang nakita ito nung puntahan niya ang  pinagtatrabahuhan nito. Nakikita niya naman ito paminsan minsan sa campus, sa tuwing pumupunta siya sa canteen o tuwing uwian. At sa oras na titingnan siya nito ay panay ang iwasan niya na magkasalubong ang mga mata nila. Nahihiya  kasi siya sa mga pinaggagawa niya dito. At naisip nya rin na baka galit pa din ito sa kanya kaya papalipasin niya na muna ang galit nito. Na siyang pinasasalamatan niya dahil naki sabay rin ang pagiging busy niya sa parating na examination.

"Hindi pa, tinalikuran na niya ako." Napangiwi siya sa kanyang sinabi. Para kasing iba ang dating nito. Pero talagang tinalikuran nga naman siya talaga nito.

Naalala niya ang nangyari ng huli nilang pagkikita. Hindi na ito bumalik at iba narin ang nagbigay ng Order nila.

"Well, nakita ko siya kanina. Kasama yung pinaka matalino sa Section A."

Pinaka matalino? Yung nerd na laging binubully? Si Yaya? Ang cheap talaga ng name kaya nabubully eh.

So ganoon pala ang tipo nitong babae, mala manang ang dating. Pfff.

" Talo ka dun Girl. Pariha silang matalino then kung ganda lang ang pag-uusapan kunting make over lang ng Yaya na yun gaganda yun. Ang mamahirap pa naman din hindi nagbabase sa ganda kundi ugali. Alam naman nat---------"
Napipikong tinignan niya ito. Tumigil na ito sa pagsasalita at binigyan siya ng nakakalokong ngiti.

Kung hindi lang dumating ang kanilang teacher sa English ay sinabunutan na niya si Flor.

Ngiti-ngiti ang guro na para bang nanalo sa lotto ito. May dala atang Good news.

" Attention everyone! Masaya ako ngayon dahil may alas na ako. Anyway, may bago kayong kaklasi galing siya sa Section A."
Section A.? Lilipat sa Section C.? Nakakapagtaka nasa mataas na bumaba pa.

Nanlaki ang mga matang tiningnan ni Mira ang tinutukoy nitong taga Section A.
Walang iba kundi si.....................













" Hello everyone, My name is Yaliya Yanah Reyes."

" Yaya!" wala sa sariling isinigaw niya ang pangalan nito.

Foolish HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon