Chapter 13

7 2 0
                                    


FAMILY DINNER

Lumuluhang tiningnan ko ang mga maletang nakahilera sa kwarto ni Flor. Bukas na ang alis nito papuntang London.

Napilit ito ni Tita Elise na sumama. Hindi ko rin alam kong paano dahil hindi naman ito nagkuwento.

Tiningnan ko ang mukha nito na mahimbing na natutulog sa kama.  Nagtaka ako ng makita ang suot nitong malaking Tshirt. Hindi ito pamilyar at nasisiguro kong hindi ito sa kanya. Kanino ito?

Napailing ako bago kinuha ang kumot na nasa gilid nito. Tinakip ko iyon sa may puwetan niya na halos makita na  dahil sa tanging  panty lang ang suot.

Hindi ko na napiligilan ang sarili dahil tuluyan na akong napahikbi ng makita ang bracelet na suot nito. Binili namin iyon noong namasyal kami sa Palawan. Ayaw niya pang suotin ito dahil napaka cheap daw pero tingnan mo nga naman hanggang ngayon suot niya parin.

"Hmmm." Gumalaw ito ng dahan-dahan kasabay ang pagbukas ng isang mata.
" Ciu---- What the?" Napabangun bigla ito ng makita ang mukha kong puno ng luha.

"Anong nangyari sayo?" Nagtataka ang mukha nito. Agad naman dumapo ang magkabilang kamay nito sa pisngi ko. Hinawi ko naman ang mga kamay nito. Saka pinunasan ang luha.

"Napuwing ako." Narinig kong napaTSK ito.

"Ang tanga mo talaga." Napasimangot ako sa sinabi nito.

Bumangon ito sa kama saka tinungo ang malaking salamin nito sa kwarto. Hinawi nito ang buhok sa leeg. Tila may hinahanap ito at dahil curious ako ay tiningnan ko rin ang leeg nito. Ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata ko ng makita kong may mapupulang marka dito. Omg! Sino?

"Ughhh! Nakakainis talaga ang lalaking iyon." gigil na sabi ni Flor.

May kinuha siya sa kanyang cabinet na katabi lamang ng salamin. Isa itong cream hindi ko alam kung anong brand. Ipinahid niya ito sa mapupulang marka. Pagkatapos ay kumuha ng scarf at inilagay ito sa leeg.

"Let's go." Naglakad na ito palabas na para bang wala akong kakaibang nasaksihan sa leeg nito.

Nagtataka man ay sinundan ko na lamang ito. Pagbaba namin ay naabutan namin ang isa sa mga kasambahay na nagluluto sa kusina.

Lumapit ako dito at saka tumulong. Gusto ko kasi matutong mag luto ng sa ganoon ay maipagluto ko si Nicho.

"Ma'am. Ilagay niyo na po ang karne." Kagat-labi ko naman itong nilagay sa kaldero. Adobo daw ang lulutuin namin ngayon.

Pawisan ang noo ko ng matapos namin itong lutuin. Natutuwang pinatikim ko naman ito kay Flor na inirapan lang ako.

"Masarap ba?" Kanina ko pa inaabangan ang sasabihin nito pero para itong walang naririnig.

"Flor!" Tumawa ito saka pinunasan ng tissue ang bibig.

"Okay narin." Napangiwi ako sa walang kwentang sagot nito.

Ipapatikim ko na lamang ito kay mamita mamaya o di kaya kay papito. Darating kasi ang matanda mamaya dahil nga sa sinabi kong mag family dinner kami kasama ang pamilya ni Flor dahil aalis narin ang mga ito bukas.

Pansamantala muna rin kami titira sa masyon ng mga Del Santos ang pamilya ni Flor. Pinaparenovate pa kasi ni Papito ang masyon namin sa Batangas. Pumayag naman sila Tita since hindi naman kami naiiba sa kanila.

"OH? Iha." nakasimangot kong sinalubong ang ngiti ni papito ng buksan ang pinto ng kwarto nito.

Kanina pa namin ito hinihintay sa dining table. Handa narin ang lahat puwera na lang kay papito na wala atang balak sumabay saamin.

Foolish HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon