Pasensya na't masyadong trying Hard ako sa chapter na ito. Haha myged! Hindi naging perfect ang kissing scene Inday/Indoy. Pero ganyan talaga pag walang experiece (pwee) lol.
- Marn–––------------------------------------------------
Dumating na nga ang araw na pinakahihintay nila. Ang examination day, kung saan matutuldukan na ang kanilang pagrereview araw-araw.
Kasalukuyan silang nagbabasa ni Flor ng mga notes nila nang biglang dumating si Mrs. pilipi bitbit ang mga papel na sasagutan nila.
Mayamaya lang ay nagsimula na ang exam nila. Nahirapan siya sa mga 500 words for essay na nakakapiga talaga ng ulo dahil hindi lang isang sagutan ito kundi sampu.
Tiningnan niya ang katabi niyang si Yaya na derideritsong nagsulat sa sagutan papel. Hindi na siya magtatakda nito, ito ang pinaka matalino sa Section A. Marahil napaka dali lang nitong sinasagutan nila ngayon.
Narinig niya kay Flor na hindi magkatulad saamin ang mga papel na pinasasagutan sa Section A. Kahit pa magkatulad lang sila ng Year saamin. Higit na mas mahirap daw duon dahil walang multiple choice at identification. Kundi puro 500 words Essay o di kaya reflection.
Naisip niya bigla, talaga pa lang matalino si Nicho kaya ba na hulaan nito kahapon na may humalik sa kanya? Oh talagang masyado lang itong obvious dahil sa sugat.
Speaking of Nicho, hindi niya na ito ulit nakita sa campus. Magtatatlong araw na, huling usap nila ay tungkol sa sugat sa labi niya.
Saan kaya ito nagpupunta? Pinagtataguan niya ba ako? Napaka hangal naman pala ng lalaking iyon. Aamin pero iiwas naman. Tsssk!
"Yoho! Azamira Feya??" Nagulat siya ng makita ang mukha ni Flor sa harap niya.
"Bakit?" tanong niya dito.
"Girl! Can't you see? People is making uwi na then tayo na lang ang natitira dito." Huh? Nagbell na pala?
Dali-dali niyang niligpit ang notebook na nasa mesa niya at akmang tatayo na siya ng pigilan siya ni Flor.
" Bakit?" Nagtatakang tanong niya dito.Hindi ito nagsalita bagkus kinuha nito ang cologne sa bag at ipinaligo ito sa kanya.
Ano na naman kaya ang trip nitong gagang to.
"Okay. Let's go." Napairap siya nang naglakad na ito palabas sa kanilang Room.
Ngunit nagulat siya ng makita ang pigura ng lalaking may singkit na mga mata.
Tulad ng dati nakatukod ang katawan nito sa pader, napansin niya ring naka open ang dalawang butones ng uniform nito sa taas at may bitbit na naman itong libro.Ang lalaking hangal!
Hindi niya ito pinansin at dirediretso lang ang kanyang lakad.
"Mira." Napahinto siya ng marinig ang boses nito.
Hinintay niya ang paglapit nito. At hindi nga siya nagkamali nang naramdam niyang nasa likod na niya ito.
"Sorry." Yun lang ang sinabi nito.
Hindi niya alam kung anong sasabihin. Naiintindihan niya ang dahilan nang paghingi nito nang tawad pero ang hindi niya maintindihan kung bakit nito ginagawa ito sa kanya.
Inilibot niya ang kanyang mga mata nang hindi na niya makita si Flor.
Iniwan ako nang bruha!
"Mira." Nabaling ang ulo niya sa gawi nito. " I'm sorry." Nakita niya ang sinseridad sa mga mata nito. Bakit ba ito sorry nang sorry?
Dahil ba sa hindi nito pagpapakita nang 3 araw? Eh hindi lang naman ito ang unang beses, noong nakaraan nga inabot nang 5 or sobra 1 week. Nakakapagtaka naman ang paulit ulit nitong paghingi nang tawad.
"Bakit?" Hindi na niya napigilan ang pag tanong dito. " Anong dahilan nang paulit-ulit mong paghingi nang tawad? Okay lang yun hindi mo naman ako Girlfriend." Hindi niya maiwasan na maging bitter ang tono.
"Mir----"
"Okay lang talaga. Hindi mo kailangan mag explain." Ayaw na niyang umasa dito.
"Manliligaw ako." Nabigla siya sa sinabi nito lalo na nang nakita niya ang pamumula ng tenga nito. Marunong palang mahiya ang hangal!
"Hindi na kailangan." Nakita niya ang pag bago nang ekspresyon nito.
Kumunot ang noo nito at napatingin sa labi niya. "Dahil ba dito?"
"Huh?" Hinaplos ulit nito ang labi niya.
"Hindi naman ganoon, kasi.....
Hindi niya matuloy ang kanyang sasabihin dahil bigla na lamang umangat ang seryosong mukha nito at sinalubong ang kanyang tingin.
Napapikit siya nang dahan-dahan nitong ilapit ang mukha nito sa kanya. Hanggang sa maramdaman niya ang malambot na labi nito sa mga labi niya.
Akala niyang dampi lamang ang halik na ibibigay nito ngunit naging malalim ito. Ipulupot niya ang kanyang mga braso sa leeg para mas madiin niya ang kaniyang sarili.
Napaungol siya nang pumasok ang dila nito sa loob ng bibig niya. Nakaramdam siya ng init lalo nang nagsimulang maglalakbay ang mga kamay nito sa katawan niya.
Hanggang sa umabot ang isang kamay nito sa loob ng palda niya. Hinihimas ang legs niya pataas baba at ang isa naman kamay nito ay mariing hinahawakan ang bewang niya.
Sinipsip pa muna nito ang labi niya saka siya nito pinakawalan. Hinihingal na yumakap ito sa kanya.
Hindi siya maka paniwala na nagawa nilang mag halikan sa loob ng campus. Mabuti na lang talaga wala nang mga studyante dahil nagsiuwian na ang mga ito. At kampante naman siyang hindi sila nakita ni Manong Guard. Malayo layo rin ang Room nila sa Gate at natatabunan din nang mga puno ito.
Kumalas si Nicho sa pagkakayakap sa kanya at hinalikan ang noo niya.
"Ito ang tandaan mo Mira, kaya rin kitang kagatin."
Kaya ba siya nito hinalikan dahil akala nito hindi siya magpapaligaw dahil sa may nauna nang humalik sa kanya? At kayang kagatin?
Nakagat niya ang kanyang labi sa pagpipigil ng kilig. Oh God!
BINABASA MO ANG
Foolish Heart
LosoweA few years have passed but Azamira Feya still can't forget her man name Nicho Fier Tse when she was in college. She accepted and loved him completely but her parents turn them away sa hindi niya malaman na dahilan. Sa hindi inaasahang pangyaya...