MANLILIGAW"Mira! Come on. Malalate na tayo!" kanina pa sigaw nang sigaw si Flor sa labas nang kwarto ko.
Paano ba kasi, hindi ko maalis ang aking sarili sa salamin. Tinititigan ang mga labi dahil hanggang ngayon nafefeel ko parin ang halik ni Nicho.
Hindi parin talaga ako makapaniwala na ang isang tulad niya ay marupok din pala. Haha
Lumabas na ako nang kwarto bago pa kalapagin ni Flor ang pinto. Pagbukas ko nang pinto ay mukha ni Flor ang sumalubong sakin.
"What took you so long?" iritadong tanong nito.
"Nagpaganda." Hinawi ko ang buhok ko at nilampasan siya. Napangiwi naman siya sa aking ginawa.
Pagbaba namin ni Flor ay naroon na ang kanilang bagong driver na si Lukas nakasandal ito sa kotse nila. Napaka gwapo nito sa suot na blue uniform. Hindi talaga ito mapagkakamalan na driver dahil bukod sa bata pa ito ay kasing gwapo din nito si Damon nang Vampire's Diary at kasing-edad lang din namin.
Pumasok na kami sa kotse nang pagbuksan kami nang pinto nito. Magkatabi kami ni Flor sa likod. Hindi nag tagal ay pumasok narin si Lukas at pinaandar na ang sasakyan.
"Saan ka nagpunta kagabi Flor?" Napataas ang kilay ko sa paraang nang pagtanong nito kay Flor. Walang maam? Kakaiba.
"The hell you care!" bulyaw nang kaibigan ko.
"Yeah. The hell I care."
"Baka nakakalimutan mo Lukas? Im your boss and your just my freaking driver!" Tama nga naman itong bruhang to.
Pero hindi ako tanga, alam kong galawan na ganyan. May something sa dalawang ito. Kung ano man yun hihintayin ko na lang magsabi ang kaibigan ko.
" Baba. " Napakunot ang noo ko sa sinabi nang driver namin. Bakit niya kami pinapababa?
" What? Are you out of------"
"Nasa school na tayo Flor. Saan ba ang school mo?" Lumingun ito sa gawi namin at ngumiti. "Ahh! Tama sa condo ko nga pala." Nanlaki ang mata kong nilingun si Flor.
Nanlilisik ang mga mata nitong tumingin sa driver namin at hindi nga ako nagkamali nang ihampas niya ang kanyang bag sa mukha ni Lukas.
"Shit!" Napahawak ang lalaki sa kanyang mukha.
"GO TO HELL CIUS!" sabi pa nang magaling kong kaibigan bago lumabas ng kotse.
Napailing ako at bahagyang natawa sa kanilang dalawa. Bagay talaga sila, isang pikon at mapang-asar.
Pagbaba ko nang kotse ay dumiretso ako sa restroom dahil kanina pa talaga ako nakakaramdam nang tawag ng langit.
Pagpasok ko sa restroom ay naabutan ko si Yaya sa loob. As usual Naka suot ito nang mala Harry Potter na salamin at nakabuhaghag ang mahabang buhok.
Hindi ko feel ang ngiti niya kaya inirapan ko ito at pumunta na sa banyo para gawin ang nais gawin.
Nagulat ako paglabas dahil naroon parin si Yaya. Wala naman itong ginagawa maliban sa nakatayo lang ito sa harap nang salamin.
Hindi ko na lamang pinansin. Hinuhugasan ko ang aking kamay nang magsalita siya bigla.
"May nangyari naba sainyo?" Napangiti ako nang malaman na hindi nito nakalimutan ang araw kung saan nakita kami nito na pumasok sa bahay ni Nicho.
Tiningnan ko lamang ang repleksyon niya sa salamin. Nang matapos na akong maghugas nang kamay ay saka ko ito hinarap at sinagot.
" Include ba sa may nangyari ang Kiss?" Napabuga ito nang hangin at umalis nang walang pasabi.
Napaka obvious na she likes Nicho pero ang tanong alam kaya ito ni Nicho? Kung malalaman niya man ito, anong magiging reaction nito?
Hindi malabong umatras ito sa panliligaw sa akin. Hindi naman kasi ako kasing talino nila. Pag si Yaya ang maging girlfriend niya sasabayan siya nito sa pag-aaral at..........
Hindi niya namalayan na lumabas na pala siya sa restroom.
Bigla na lamang akong napaupo sa lakas nang pagkakabangga sakin. Hindi ko alam kung sino ang may kasalanan ako ba na masyadong lutang o itong nakabangga o bumangga sakin.
Nakayuko kong inangat ang aking sarili nang bigla ako nitong hinawakan sa bewang. Napasinghap ako nang makilala ang amoy nito.
"Nicho."
"Sorry. Okay ka lang ba?" Nang nakatayo na ako ay maingat nitong pinagpagan ang palda ko.
"Oo."
"Kanina pa kita hinahanap." tapos na ito sa pag pagpag nang palda niya. Inupo siya nito sa bench na natatabunan nang isang malaking puno.
"Bakit?"
"Wala lang." Napangiti siya sa sagot nito.
"Namimiss mo ako? Aminin mo Nicho." Ngumiti ito at pinisil ang ilong niya.
Sa ikalawang pagkakataon ay ngumiti ito sa kanya. Mygod! Naiihi ulit ako dahil sa kakiligan.
"Manliligaw ako ngayon."
"Diba sabi ko sayo hindi na kailangan." nagsalubong ang mga kilay nitong tumingin sa kanya.
"Akala ko ba malinaw na ang lahat kahapon? Gusto mo bang makagat Mira?" Hindi man iyong ang ibig kong sabihin tungkol sa kagat pero pwedi rin.
Nakagat ko na lang ang aking labi sa pagpipigil nang tawa.
"Hindi naman kasi iyon ang ibig kong sabihin."Nang salubungin ko ang mga mata nito ay para akong mahihimatay sa kilig. Ang mga singkit nitong mga mata ay sakop nang aking mukha hindi man lang ito nag-abalang tumingin sa iba saakin lang talaga. Sabagay akin na naman talaga.
"Ano?" Simple lang ang pagkakatanong nito pero nagtaas ang lahat nang balahibo ko sa kilig.
"Kasi simula ngayon. Girlfriend Mo na ako."
Nagtaka siya nang iniwas nito ang mga mata sa kanya at napabuntong hininga.
"Bakit Nicho?"
" Gusto kitang ligawan sa pormal na paraan Mira." mahinahong sabi nito
"Pormal? Bakit hindi pa nga ba ito pormal?" Ano bang klasing pormal ang sinasabi nito? Hindi na nga uso ang ligawan ngayon eh.
"Gusto kong makilala ang pamilya mo."
BINABASA MO ANG
Foolish Heart
Ngẫu nhiênA few years have passed but Azamira Feya still can't forget her man name Nicho Fier Tse when she was in college. She accepted and loved him completely but her parents turn them away sa hindi niya malaman na dahilan. Sa hindi inaasahang pangyaya...