Chapter 14

5 1 0
                                    

WORST DAY

Nakaramdam ako ng kaba ng may hinugot si Papito sa likod niya. Tulad ko ay napasinghap din ang Mamita. Bago pa ako magtangkang pigilan ito ay may humila na sa braso ko.

Hinila ako ni Nicho at pinunta sa malapad na likod nito. Habang ang Papito ay may hawak na baril na nakatutok kay Nicho.

Nanginginig man ang katawan ay niyakap ko si Nicho sa likod. Nag-unahan maglabasan ang luha ko sa mga mata.

Ngayon ko lang nakita ang ganitong side ni Papito ni minsan ay hindi ito naglabas ng baril sa harap ko. Siguro nga ganito ito magalit. Pero anong rason ng galit nito?

May kasalanan ba ang ama ni Nicho sa kanila? Kung ganoon man ay labas na si Nicho doon dahil tulad ko rin ay nasisiguro kong wala itong alam.

"TUMABI KA DIYAN LUCY!" Natigil ako sa pag iyak na marinig ang sigaw ni Papito.

Napabitiw ako sa pagkakayap ng likod ni Nicho at sinilip ang nasa unahan. Sa naka harang na katawan ni Nicho ay humarang din ang Mamita dito.

Nanlilisik naman ang mga mata ni Papito sa galit. Nagtiim ang bagang nito habang mariin na naka hawak sa baril.

"Isipin mo. Nandito si Mira!" Kumunot ang noo ni Papito. Tumingin sa gawi ko. Nang makita ang luhaan kong mga mata ay ibinaba nito ang baril. Hindi parin nawawala ang galit sa mukha nito.

Napabuntong hininga naman ang Mamita at saka hinarap si Nicho. Tinitigan ko ang mga mata nito na may namumuong luha. Tila nagpipigil ito sa sarili na maiyak.

"Layuan mo na ang-------"  Hindi natuloy ni Mamita ang kanyang sasabihin ng magsalita si Papito.

"Mira. Pumasok ka sa kwarto mo."

Nakita kong pumikit ang Mamita at sinalubong ang mga mata ko. Nakikiusap ang mga iyon na siyang sinabayan nito ng pagluha.

"Mamita." Mahinang tawag ko dito. Dali-dali naman nitong pinahid ang luha at humarap ulit kay Papito.

"Mira!!!!" Umiling ako ng tawagin ako ulit ni Papito. Mas kumunot naman ang noo nito. Bumuga ng hangin sa bibig. Tila nauubosan na ng pasensya.

"Pumasok kana Mira." Napatingin naman ako kay Nicho. Kalmado lang ang ekspresyon nito. Wala man lang takot na makita sa mukha bagkus ay may pag-alala ang mga mata nito ng makita ang mukha kong puno ng luha.

Hinawakan nito ang pisngi ko. Pinahid ang luha gamit ang hinlalaking daliri. Napapikit ako ng lumapit ang labi nito at ginawaran ako ng masuyong halik sa noo.

Napamulat ako biglang may humila  sa braso ko. Walang iba kundi si Mamita. Iniwaksi ko naman ang kamay nito para bumalik kay Nicho pero huli na ng dumating ang dalawang tauhan ni Papito at humarang sa harap ko.

"Bitawan mo ako!" Walang nagawa ang lakas ko ng kinadkad ako ng mga ito papasok sa aking kwarto.

Naabutan ko naman si Flor na nakaupo sa kama hawak ang kaniyang cellphone. Kumunot ang noo nito ng makita ang hitsura ko.

Hindi ko ito pinansin at tinungo ang pinto ng kwarto. Humagulhol ako sa iyak ng hindi ito mabuksan. Takot at pangamba ang nararamdaman ko para kay Nicho paano kung may gawin si Papito dito? Alam kong mabait ang matanda pero basi sa nakita ko kanina ay hindi malabong may masamang gawin ito kay Nicho. Malalim ang galit nito na kahit si Mamita ay walang magawa.

Hindi na ako nagpalit ng damit. Hinayaan ko lamang ang sarili na umiyak magdamag. Hindi naman ako inusisa ni Flor. Tahimik lamang ito na nakikinig sa hikbi ko. Hanggang sa nakatulugan ko ang luha sa aking mga mata.


Foolish HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon