Chapter 6

6 7 0
                                    


..........................................................

Napapanga siya ng mag tama ang kanilang paningin. Hindi siya makapaniwala dito. Totoo ba ito? Si Nicho ba talaga ito.

Pasimple niyang kinurot ang kanyang sarili para malaman kung totoo ba talaga ito.

Tang ina totoo nga!.

"Gusto mo nang mag live in na tayo??? " tanong niya dito.

Hindi ito sumagot. Kalmado lang ang ekspresyon nito sa mukha. Hindi niya tuloy alam kung nagbibiro ba ito o hindi.

" Nako Nicho huh! Papayag naman ako pero dapat gawin mo muna akong Girlfriend." Dinaan na lamang niya sa biro dahil hindi niya masabayan ang tingin nito.

" Ganon ba yun?" Nanlaki ang mata niya sa sagot nito.

Kung ganon seryoso nga ito?

Nakaramdam siya ng kaba nang mga sandaling ito. Naririnig niya ang kanyang puso, hindi na normal ang pagtibok nito na siyang ikinabahala niya. Sasaluin kaya ako nito?

Tumayo ito bigla. Habang siya ay naka upo parin kaya't kinailangan niyang inangat ang kanyang ulo para matingnan ito.

"Maghanda kana. Ihahatid kita sa sakayan. Papasok pa ako." Tumalikod ito bitbit ang basong ginamit.

" So, mamaya mo na lang ako sasamaha----------"

"May trabaho ako." Pagpuputol nito sa kanyang sasabihin.

Napayuko siya sa biglaang pag sungit nito. Ano bang problema ng lalaking ito? Hindi niya talaga maintindihan kung bat nagkakaganito ito bigla.

Una hinintay siya sa school. Pagkatapos bigla na lang itong naging sweet at ngayon nagsusungit na naman.

Napabuntong hininga na lang siya at tumayo para ayusin ang sarili.

Hindi na sila kumain ng pang umagahan dahil nagmamadali na ito.

Tulad ng sinabi nito sa kanya inihatid nga siya nito sa sakayan. Pina sakay siya nito sa tricycle at pinaspecial. Ito narin ang nagbayad.Nagtaka pa siya kung bakit alam nito ang Address niya gayong hindi naman niya sinabi at hindi din ito nagtanong sa kanya.

"Baka naman kasi nagalit ito. Ikaw ba naman tanggihan? Haha" Natatawang sabi ni Flor sa kanya.

Nakahiga ito sa kama niya na para bang sakanya itong kwarto. Sabagay sa kanila nga pala itong bahay, kwarto pa kaya.

Hindi niya alam kung kailan ito umuwi, basta pagdating niya kanina nakita niya itong mahimbing na natutulog sa kwarto niya.Tinanong pa siya nito kung bakit umuwi siya agad.

Kaya sinabi niya ang dahilan. Tinanong ng tinanong siya nito hanggang sa nai kwento niya ang lahat. Tawa naman ito ng tawa kasi kakaiba daw ang style ni Nicho.

"Hindi ko talaga siya maintindihan." Problemadong sabi niya dito.

"Anyway, wag kang mag alala kasi pinabakasyon ko na si manang ng 1 week." Nakita niya ang matagumpay'ng ngiti nito sa kanya.

" What? Seriously? Flor paano pag sinabi nito-----" Natataranta na siya sa ginagawang kabaliwan ng kaibigan niya.

"Calm down girl. Syempre naka set na lahat. Ako nang bahala Okay?" Kinindatan siya nito at ngumiti.

Tumayo na ito sa kama at tinungo ang pintuan palabas ng kanyang kwarto.

" Magrelax ka diyan Girl. Dahil magbabar tayo mamaya." Naexcite siya sa sinabi nito. Matagal tagal narin  kasi silang hindi naka pag Bar kasi madalang na lang umaalis ang ina ni Flor. Noong first year college pa ata ang huli niya. Ewan nga lang kay Flor baka nagbabar ito ng di siya kasama lalo na pag nawawala ito bigla.

Tulad ni Flor, mahilig din siyang gumala at uminom yun nga lang nang malaman ito ng kanyang papito ay pinagalitan at binalaan siya nito.

Natakot siya at itinigil na pero ngayong malayo naman ang papito niya dito siguro naman hindi nito malalaman na magbabar sila.






...............................................................

Kasalukuyan siyang naglalakad sa kanilang campus upang  maghanap ng mauupuan. Inaantok na siya at sa bawat lakad niya ay mas lalong dumi diin ang sakit sa kanyang ulo.

Almost 4 AM na sila umuwi ni Flor sa bahay galing bar. Lasing na lasing ang kaibigan niya kaya't ang kalasingan niya kanina nawala ng kinaladkad niya ito pauwi at inasikaso ang magaling niyang kaibigan.

Nalaman niyang broken hearted pala ang lola, umiiyak ito gnina sa loob ng taxi at tinatawag ang pangalan Cius na hindi pamilyar sa kanya.

Ganoon paman, kahit sabog pumasok parin siya. Hindi kasi siya pumasok kahapon dahil sa napahaba ang kanyang tulog na binawi naman dahil sa inumaga sila ng uwi ngayon.

Napangiti siya ng  makita ang pamilyar na pigura ng isang lalaki.

"Nicho!" Kinawayan niya ito ng makita niyang magisa itong naka upo sa bench.

Hindi ito lumingon sa kanya. Bagkus ang mga mata nitong singit ay seryoso nakatingin sa librong binabasa.

Lumapit siya dito at tumabi. "Kumain ka naba?"

Nicho nagugutom na ako, pwedi bang pakainin mo ako ng hotdog at itlog mo?

Napatawa siya sa kanyang naisip. Napatingin naman sa kanya ang supladong lalaki.

Sinalubong niya ang mga titig nito. Nakita niya ang mga singkit na mga mata nito na napatingin sa kanyang labi. Nakagat niya ang kanyang labi nang makitang hindi ito kumukurap.

Nakita niyang biglang lumamig ang titig nito sa kanya.

"Anong nangyari sa labi mo?" Napakurap siya sa tanong nito.

Shit!

"Ahhh. Nakagat ko." Napangiwi siya sa kanyang palusot.

Nabigla siya ng naramdaman niya ang daliri nito sa labi niya. Sinusuri nito ang mga labi niya sa pamamagitan ng paghaplos.

Ang hangover niya kanina ay biglang nawala dahil sa naramdaman panginginig sa katawan. Kinikilig siya sa ginagawa nito at nasisiguro niyang sing pula na ng labi ni Nicho ang pisngi niya ngayon.

Samantala si Nicho ay walang pakialam sa mga taong napapatingin na sa kanila. Seryoso lamang itong naka tingin sa labi niya.

Dahan dahang lamang ang paghaplos nito sa kanyang labi na tila inaalam ang dahilan kung bakit nagkasugat ito.

Kung alam mo lang Nicho. Hinalikan ako ng isang walanghiyang lalaking.
Hindi lang halik, kinagat pa ako!

"Akala ko ba gusto mo ako?" Napalunok siya sa tanong nito.

Nagsisi siya ng tumingin siya sa mga mata nito. Nakapag lamig na ng mga titig nito sa kanya.

"Gu--gusto kita." nautal pa siya sa pagsagot dito.

Masyado siyang obvious kung magsinungaling. Anong magagawa niya? Hindi niya maaring sabihin na pumunta sila ng Bar kagabi ni Flor at nagsasayaw siya sa dance floor na parang babaeng nauulol at nasa ganoon pangyayari ay may biglang na lang humila at humalik sakanya.

Baka magselos si Nicho at eh dedma ulit ako. Asa mira!

Biglang tumayo si Nicho at kinuha ang librong binasa kanina. Nakatalikod na ito sa kanya ngayon kaya't hindi niya alam kong ano ang reaction nito sa pag amin niyang gusto niya ito.

"Kung ganon pariha pala tayo. Huwag kang magpapahalik sa iba Mira dahil akin ka lang."

Foolish HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon