GOOD NEWS AND BAD NEWS
Hindi porket na babae ka ay hindi dapat ikaw ang manligaw. Sabi nga nila kung anong kayang gawin nang mga lalaki ay kaya rin nang nga babae. Kaya naman hindi na importante saakin kung babae man o lalaki ang manligaw as long as kung talagang gusto mo ito ay gagawin mo ang lahat para maging sayo ang taong gusto mo.
Hindi masama ang maging easy to get as long as wala kang nasirang relasyon at ibinigay mo ito sa taong gusto mo na gusto mo rin ang ginagawa niya sayo.
Nakahiga ako sa kama habang iniisip ang mga nangyari noong nakaraang araw sa amin ni Nicho. I really can't belive it. He's my official boyfriend na talaga.
Pagkatapos sa nangyaring date namin ay hinatid niya ako sa bahay nila Flor. Gusto ko sanang doon na lang sa kanila matulog pero ang sabi niya ay may trabaho siya sa gabing iyon kaya naman hinalikan ko na lamang ito sa labi. Nakita ko pa ang pamumula nang mga tenga nito bago ako pumasok sa gate.
Hanggang ngayon ay kilig na kilig talaga ako pag naiisip ko si Nicho.
Dati-dati lang kasi ay sobra ito kung magsungit. Hindi nga ako nito madapuan nang tingin kahit pa pinuntahan ko na ito sa pinagtatrababahun.Nagtataka man ako sa pagbabagong ugali na meron si Nicho ay hindi ko na lamang iyon iisipin. Ang mahalaga ay kung anong meron kami ngayon.
"Mira!!!!!!!" Napabangon ako sa pagkakahiga nang marinig ang boses ni Flor.
Sembreak namin ngayon at walang galaan na mangyayari dahil sa isinumbong lang naman si Flor ng magaling niyang driver kay Tita Elise kaya ayun agad-agad umuwi ito galing Davao City.
Well, siya lang naman sana ang grounded pero I don't want to make gala without her. Kaya mas magandang dito na lamang rin ako at dadamayan siya sa kanyang kagagahan.
"Damn! Bakit ba ang tagal mong buksan?" Napairap ako nang pag bukas ko nang pinto ay mukha agad ni Flor ang bumungad saakin. Galit na galit ang babae na akalain mong may ginawa kang masama dito. Nagpapadyak pa itong pumasok sa loob nang kwarto.
Simula nang umuwi ang mga magulang ng babae ay lagi na lamang mainitin ang ulo nito kulang na lang buhusan nang tubig para lumamig naman. Paniguradong nabobored na ito dito at kating kati nang makita ang lalaking naging dahilan nang pagiging grounded niya.
Pagkatapos kasi ng nangyaring pagsundo ni Lukas kay Flor sa bar ay isinumbong kaagad nito si Flor sa mga magulang ng babae. At pagkatapos non ay bigla na lamang umalis si Lukas na hanggang ngayon ay hindi pa nagpapakita saamin na siyang pinagtaka ko.
"Bakit? Ano ba iyon? " umupo ito sa kama kong Pink foam queen size.
"Gusto kong tumakas!" Napataas ang kilay ko sa kabubuhan taglay na meron si Flor.
Alam nitong sobra pa sa mga tauhan ng presidente ang mga tauhan ni Tita na nakakalat sa labas nang bahay nila. Alam niya rin na sinadya ito ng kanyang ina dahil sa alam ni Tita na tatakas siya.
"Well, kung ako sayo tigilan------" Natigil ako sa pagsasalita nang may biglang pumasok sa loob nang kwarto.
"Ano ka ba Manang??? Hindi ka ba marunong kumatok????? Paano kung may nagsesex dito then bigla kang papasok? Malaking storbo ka!"
Napailing na lang ako sa sinabi ni Flor. Mukhang sa matanda na naman niya ibubuntong ang galit niya."Bukas ang pinto Miss. Afloria at huwag po kayong mag-alala dahil hindi ko sasabihin sa inyung Mommy ang balak mong PAGTAKAS. At kung tatakas ka man ay siguraduhin mong hindi ito malalaman ng iyong Dady." Idiniin talaga nito ang salitang pagtakas. Sumimangot naman si Flor nang marinig ang sinabi ni Manang Nelsa ang katiwalang katulong nina Tita Elise.
BINABASA MO ANG
Foolish Heart
RandomA few years have passed but Azamira Feya still can't forget her man name Nicho Fier Tse when she was in college. She accepted and loved him completely but her parents turn them away sa hindi niya malaman na dahilan. Sa hindi inaasahang pangyaya...