DATE WITH HIM (PART2)
Napangiwi ako nang hindi natupad ang pangarap kong date para sa amin ni Nicho. Dinala lang naman ako nito sa isang plaza kung saan maraming nanglilimos at napaka daming tao. Paano kami maglalambingan nito?
Kanina kasi pumayag ito na mag date nga kami pero dapat siya ang masusunod dahil hindi niya daw afford ang kumain sa mamahaling restaurant. Kahit pa sinabi kong sagot ko ang lahat since ako ang may gusto nito pero tinanggihan niya ako.
Kasalukuyan kaming naglilibot sa parke ngayon. Nauuna itong maglakad saakin. Sunod lang ako nang sunod dito at hindi ko alam kung saan kami pupunta.
Hindi ko rin na appreciate ang ganda nang parke dahil natatabunan na ito sa dami ng taong namamasyal. May magpamilya, mag jowa at mga grupo nang kabataan. Mayroon din mga studyante na tulad namin pero iba't-ibang school sila bukod kasi sa hindi tulad nang uniform namin ang suot nila ngayon ay hindi din pamilyar sa akin ang kanilang mga mukha.
Biglang huminto si Nicho kaya naman nabangga ako sa malapad na likod nito. Napasinghap ako nang maamoy ko ang gamit na pabango niya. Hindi man pamilyar pero napakabango.
"Mira." Hindi ko namalayan na nadiin ko na pala ang mukha ko sa likod niya at nagulat pa ako nang makita ang mga kamay ko na nakayakap na rin sa bewang niya.
Dali-dali ko itong tinanggal. Humarap narin siya saakin na may pagtataka sa mukha.
"Okay ka lang?"
"O-oo." Nautal pa ako sa pagsagot.
Hindi na ito nagtanong pa at humarap ito sa kung saan may nagtitinda nang isaw.
Kaya ba panay ang ikot namin dito sa parke para maghanap nang isawan? Pero hindi ako kumakain niyan.
Napangiwi ako nang kumuha si Nicho nang dalawang isaw at ibigay saakin ang isa. Nandidiring tiningnan ko naman ang isaw na nasa kamay ko.
Nakaka dalawang kain na siya nang hindi ko parin ginagalaw ang ibinigay niya saakin. Nang kukuha ulit siya ay napahinto ito nang mapansin na hindi ko kinakain ang saakin.
"Allergy ka ba niyan?" Umiling naman ako sa tanong niya.
"Amm kasi..." Hindi ko alam kung paano sasabihin na nag iinarte lang ako.
"Naiintindihan ko." Napabuntong hininga ito at saka tamad na kinuha sa kamay ko ang isaw na ibigay nito kanina at akmang itatapon niya ito nang pigilan ko ang kamay niya. Napalingun naman ito sa mukha ko.
Nakokonsensya ako. Alam kong ito lang ang kayang niyang ibigay saakin pero heto't nag iinarte ako gayong ako naman ang nagyaya dito.
Kinuha ko ang isaw at saka isinubo sa bibig ko. Napapikit pa akong nang malasahan ang isaw. Hindi naman masama ang lasa pero OH MY GOD! Mamita may pupu na nang manok ang bibig ko!
Nang nalunok ko na ito ay naiiyak kong minulat ang aking mga mata. Mukha agad ni Nicho ang tumambad sa harap ko. Binigay nito ang buko juice na nasa kamay. Hindi ko napansin na bumili na pala ito nito. Siguro kanina habang pikit matang kong kinain ang isaw at nakita nito ang pangdidiri sa mukha ko kaya naisipan agad nito na bumili nang maiinom.
Ininom ko agad ito. Iminogmog ko pa ang natira at saka binuksan ang bag na dala ko para kunin ang panyo. Pinunasan ko ang bibig ko at kumaha narin ng salamin para tingnan ang ngipin ko kung may dumikit bang pupu nang manok.
Napangiti ako nang wala akong makita. Nakarinig ako nang pagtskk sa harap ko kaya Dali-dali kong ibinalik ang salamin sa bag dahil sa hiya. My god! Nakita nito ang kaartehan ko.
"Tara na." Lumakad na ito at wala akong choice kundi sundan ito kung saan man ito pupunta.
----------------------------------------------------------
Nandito parin kami sa parke pero nalalayo na ito sa maraming tao. Napapalibutan kami nang mga puno. May mga mag jowa parin na maglalambingan at ang mga bata na nagpapalipad nang saranggola.
"Nicho are you sure na hindi iniihian yang inuupuan mo?" Umupo lang naman ito sa kilid nang puno. Kung saan maraming upos nang sigarilyo at basura paniguradong may umiihi narin dito.
"Umupo kana." Hinila ako nito sa kamay kaya no choice akong tumabi dito.
Nang maka upo ako ay hindi na naman ito nagsalita. Tumingin na lamang ito sa mga batang naglalaro na di kalayuan saamin.
Habang busy ang mga singkit na mata nito sa mga bata ay busy rin ang mga mata ko na igala sa mukha nito.
Kalmado lang ang itsura nito. Kumukurap ang mga pilik mata. At kahit hindi ito nagsasalita alam kong may malalim itong iniisip.
"Gaano mo ba ako ka gusto?" Bigla itong tumingin sa gawi ko.
Gaano ko ba siya ka gusto? Aaminin kong una ko siyang nagustuhan sa itsurang meron siya. Normal lang naman iyon sa mga babae diba? Pero napansin ko sa mga nagdaang araw na lagi kaming magkasama ay ramdan kong sobra pa sa physical ang pagkakagusto na meron ako sa kanya. At natatakot ako sa posibleng mangyari.
Nang hindi ako makasagot ay ngumiti ito. "Hindi ka sigurado hindi ba?"
"Hindi sa ganoon."
"Natatakot ka?" tanong nito muli.
Napatingin ako dito. Nawala na ang ngiti nito kanina at napalitan nang seryosong mukha.
Gusto kong sabihin na Oo natatakot ako sa mga posibleng mangyayari. Hanggang ngayon ay hindi parin kita maintindihan.
Pero ibubuka ko pa lang ang bibig ko nang....bigla itong lumapit at huli na para magreact ako dahil naramdaman ko na ang mainit niyang labi sa mga labi ko.
Kanina na diring-diri ako sa isaw na nakain ko. Pero ngayon na kahit nalalasan ko nang isaw ang bibig ni Nicho ay sarap na sarap ako.
Mabagal pero sobrang diin nang labi ni Nicho. Nakakalunod ito dahil nararamdaman kong nakaalalay na sa bewang ko ang mga kamay niya. Nang yakapin ko ang kanyang leeg ay binitawan nito ang labi ko.
Nagtatakang tiningnan ko ito nang magsalubong ang mga mata namin. Hindi ito nagsasalita. Tinitignan lang nito ang mukha ko.
"Nicho?" Tinawag ko na ito dahil naiilang na ako sa ginagawang pagtitig nito sa mukha ko.
"I'm sorry Mira."
"Huh?" Sorry? Para saan?
"Hindi ko matutupad ang pangakong liligawan kita sa harap nang pamilya mo." Nakaramdam ako nang paninikip ng dibdib sa sinabi nito. Talagang ngayon niya ito sasabihin? Pagkatapos niya akong halikan ay ganon na lang yun? Ano yun goodbye kiss?
Kasalanan mo rin iyan Mira. Hindi pa nga kayo kung makipag halikan ka ay dinaig mo pa yung 5 years na magjowa!
Naiinis ako sa aking sarili dahil sa pagiging easy to get at pati narin sa kalandian na meron itong si Nicho na mahirap balewalain.
Walang sali-salitang itinanggal ko ang aking kamay sa leeg nito na hanggang ngayon ay nakayakap parin pala.
Tiningnan lang ako nito hanggang sa makatayo ako at tinalikuran na ito. Akmang aalis na ako nang magsalita ito muli.
"Ayaw ko nang manligaw. Gusto ko nang maging official na boyfriend mo."
Nanlaki ang mga mata kong nilingun ito.
"Sinasagot mo na ako?"Sumimangot ang mukha nito at nilapitan ako. Nang makalapit ito ay dumapo ang malalaking mga palad nito sa pisngi ko.
"Mira. Hindi man magandang pakinggan. Pero OO sinasagot na kita."
Tumawa ako at tinanggal ang kamay niyang nakahawak sa aking pisngi upang yakapin ito.
Nicho is officially mine na!
-------------------------------------------------------
Ang planong araw-araw maguupdate ay hindi natuloy dahil sa exam. Huhu Anyway gusto ko lang sabihin na may on-going story ulit ako titled: THE PRINCE WHO OWN THE MAROON SANDAL. If you're free, try to read it too maganda yun kasi comrom. Salamat sa pagbabasa at sana wag kang tamarin na magvote sa story ko at mag follow narin sakin. Thank you ❤️
- Marn

BINABASA MO ANG
Foolish Heart
RandomA few years have passed but Azamira Feya still can't forget her man name Nicho Fier Tse when she was in college. She accepted and loved him completely but her parents turn them away sa hindi niya malaman na dahilan. Sa hindi inaasahang pangyaya...