Hello everyone. Gusto ko lang eh shout out ang unang nag follow saakin (Juana-Bee). Thank you po❤️
- Ms. Marn---------------—------------------------------------
Napatingin sa gawi niya ang kanyang mga kaklasi at si Mrs. Pilipi. May mga pagtataka sa mga mukha nito.
Kaya bago paman siya mapahiya ay nag isip na siya ng sasabihin.
"Amm. Dito kana maupo sa tabi ko. Hindi narin naman pumapasok ang naka upo rito." Pekeng ningitian niya ito at itinuro ang nasa kaliwang upuan.
Narinig niya pa ang mahinang pagtawa ni Flor sa kanan niya. Binato niya ito ng notebook na nasa mesa niya.
Ngumiti si Yaya sakanya at nagpasalamat. Inirapan niya ito, na siyang kinagulat naman nito.
Nagsimula na ang kanilang klasi hindi siya gaano makapag concentrate sa pakikinig dahil naiirita siya kay Yaya. Naiirita siya dito dahil habang nagtuturo ang kanilang guro ay panay ang sabat nito, halatang nagpapasikat ito sa kanilang guro.
Dali-dali siyang tumayo ng magbell na para sa Lunch break. Hindi sila sabay ni Flor maglalunch dahil may kasabay daw ito, hindi niya alam kung sino. Hindi narin siya nagtanong dahil mukhang wala pang balak itong sabihin sakanya.
At nang dumating ang hapon ay hindi na pumasok ang magaling niyang kaibigan panay ang tawag niya dito ngunit hindi siya nito sinasagot.
Kasalukuyan siyang nakatayo sa gate ng school nila at kanina niya pa nililibot ang kulay asul niyang mga mata nagbabakasakaling makita niya si Flor. Nuon 1st year pa sila ay ganito rin ang ginagawa ni Flor sa buhay, hindi niya alam kung saan ito pumupunta.
At nang hindi niya ito makita, ay bumalik na lang muna siya sa kanilang Room at minabuting doon na lamang ito hintayin.
Mag 8pm na pero nandito parin siya naka upo sa Room nila hinihintay si Flor. Hindi maaring hindi niya ito sabay sa pag uwi dahil magtatanong ang tita Elise niya kung nasaan ang Afloria nila.
At pag nangyari yun hindi niya alam ang isasagot dahil maski siya walang idea kung nasaan nga ito. Hindi rin naman siya nakaramdam ng pag alala, marahil ay dahil nasanay na siya ditong bigla na lang mawawala.
Nabobored siya sa paghihintay kaya naisipan niyang mag Facebook muna.
Nagscroll scroll siya hanggang sa nakita niya ang bagong myday ng magaling niyang kaibigan. Mukhang nasa maayos nga ang lagay nito dahil nakapakaganda nito sa litrato naka suot pa ng off shoulder blue dress, mukhang may pupuntahan na formal dinner ang Gaga. Napansin niya ang maliit na caption nito na tanging mga malilinaw lang ang mga mata ang makakabasa nito sa liit. Sinigurado talaga ng loka na hindi ito mapansin ni Tita Elise."Don't worry my friend, I'm fine (heart emoji). See you tomorrow."
Wow! Kanina pa ko tumatawag sa kanya pero hindi man lang ako sinagot para ipaalam na Okay lang siya. Kung hindi siya nag open ng fb uumagahin siya sa paghihintay dito. Sa inis niya ay nagreact siya ng anger.
Ibinulsa na niya ang kanyang cellphone at tiningnan niya ulit ang relo na dala niya. Mygod!!!!! 8:45 na!
Saan na siya pupunta ngayon?
Kailangan niyang humanap ng matutulugan. Pero wala na siyang pera. Isang libo lang kasi ang dala niyang pera kanina at pinag recess niya ang limang daan kaya't nasisiguro niyang hindi siya makaka pag check in sa hotel ng 500 pesos lang ang pera. Hindi din kasi siya nagdadala ng mga credit card kasi nagiging magastos siya pag nasa tabi niya ito.Palabas na siya sa kanilang Room ng may napansin siyang isang pamilyar na bulto ng lalaki sa labas. Itinukod nito ang katawan sa pader tila nangangalay na ito.
Tinitigan niya ang malapad na likod nito, nadadala ang maliliit nitong buhok na may kulay kayumanggi ng hangin at kahit nakatalikod ito sa kanya ay hindi ikakaila ang kakisigan at kagwapohan nito. Nangangati ang mga kamay niyang yakapin ito patalikod. At nang akmang hahawakan niya na ay bigla na lamang itong humarap sa kanya na siyang ikinabigla niya.
BINABASA MO ANG
Foolish Heart
RandomA few years have passed but Azamira Feya still can't forget her man name Nicho Fier Tse when she was in college. She accepted and loved him completely but her parents turn them away sa hindi niya malaman na dahilan. Sa hindi inaasahang pangyaya...