Chapter 5

8 6 0
                                    

"Kasi..... Virgin pa ako."

Napayuko ako sa sa hiya. Shit bakit ko nga ba sinabi yun? As if naman may mangyayari samin ngayon.

Hindi ito nagsalita kaya dahan dahan kong inangat ang paningin dito.
Nakita kong nag bago ang seryosong mukha nito kanina.

Bahagyang tumawa ito at naiiling na pumasok sa loob. Hindi siya makapaniwala sa nakita, mayroon pala itong dimples!

Hindi niya napansin yun, Sabagay minsan lang naman kasi ito magsalita, tumawa pa kaya.

Naghihinayang siya dahil hindi niya ito nakuhanan nang picture gayong hawak niya lang naman ang cellphone niya ngayon.

Sayang!

Pagpasok niya sa loob napansin niyang sobrang liit lang ng bahay na ito. Kumpara sa bahay nila sa Davao City at nila Afloria.

Sa pagpasok pa lang ay sasalubungin ka na nang tatlong upuan na nakaharap sa maliit na TV flat-screen, ito na ata ang pinaka maliit na size. Sa unahan naman nito ay ang kanilang dining area na may apat na upuan lamang. Napansin niya rin na may tatlong kwarto dito, hindi niya nga lang alam kung saan ang kwarto ni Nicho doon.

Ibang iba man ito sa mga bahay na napupuntahan niya, hindi niya alam kong bakit komportable parin siyang umupo sa upuan na gawa sa kahoy.

"Kumain ka naba?" nahihiyang umiiling siya kay Nicho.

Nakapagpalit na ito ng damit. Simpleng pulang khaki short at itim na tshirt ang suot nito na hindi niya malaman kung anong naka print dahil nabubura na ito sa kalumaan.

"Alas nueve na at sirado na ang mga tindahan. May sardinas dito, kumakain kaba nito?" muling tanong sa kanya.

Napanganga tumango siya dito, nagsasalita pala ito ng mahaba?

"Kahit ikaw pa kainin ko." wala sa loub na sabi niya.

Ang singkit nitong mata ay namilog. Maya-maya lang kumunot na naman ang noo nito.

Nag peace sign lang siya dito at ngumiti. Napailing ito sa ginawa niya.

Sumabay siya dito sa paglakad kaya't amoy na amoy niya ang panlalaking pabango nimo. Hindi man ito amoy pang sosyal tulad ng mga mayayamang lalaking nakasalamuha niya ngunit nanunuot ito sa ilong niya. Kay sarap yakapin ito.

Dumiretso na sila sa mesa ng hapag-kainan. Nakahanda na ang kanin at isang lata ng sardinas na nilagay sa maliit na platito. May dalawang plato narin na may naka patong na kutsarita. Sa gilid naman nito ay tag iisang baso.

Sabay silang umupo ni Nicho sa magkaharap na upuan. Ang kanyang mata ay naka tuon lamang sa kaharap niya na busy sa pag sandok ng kanin at ulam. At nang nagsimula na itong kumain ay tinitigan niya lamang ito.

Napaka pormal nitong kumain hindi man niya nakita nama'y sinayang itong isang kanin. Lahat nasasalo ng bibig nito at napapakagat labi siya sa tuwing ngumunguya ang mapupulang labi nito. Sana ako na lang ang ulan.

Napailing siya sa kanyang naisip. Napansin ito ni Nicho kaya't natigil ito sa pagkain at tiningnan siya ng may pagtataka sa mukha.

"Hindi mo ba gusto ang ulam Mira? Pasensya ka-------"

"Hindi! Gusto ko." Pagputol niya sa sasabihin nito. Dali-dali siyang nag sandok ng kanin at ulam.

Napabuntong hininga naman ito sa kanyang ginawa.

"Huwag mong pilitin ang iyong sarili."

"Huh?" Nagtatakang tiningnan niya ito.

Tumayo ito ng hindi pa natatapos ang pagkain. Siya naman ngayon ang napakunot ang noo sa ginawa nito.

Foolish HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon