Chapter 2

22 9 0
                                    


Binilisan ni Mira ang kanyang paglalakad dahil kanina pa siya sinusundan at tinatawag ni Flor.  Hindi niya ito pinansin kahapon at kaninang umaga ay sinadya niyang pumasok ng mas maaga pa sa kanilang guwardya sa school para lamang makaiwas siya dito. Nakaka sigurado siyang magtatanong lang ito tungkol sa nangyari kahapon na pag uusap nila nang Nicholas na yun.

Ayaw niyang mag kwento sa kanyang kaibigan dahil sigurado siyang pagtatawanan lang siya nito sa pagpapahiya niya sa kanyang sarili. Sa buong buhay niya kahapon lang siya nakaramdam ng sobrang hiya at napahiya ng ganon ganon dahil nasanay na siyang laging pinapaboran at hinahabol ng mga lalaki.

Hindi niya kayang sabihin dito na matapos niyang tanungin ito na pwedi niya ba itong maging boyfriend ay bigla na  lamang siya nitong iniwan  na walang sali-salita, hindi niya tuloy alam kung anong reaction nito.

"Mira!!!!!!!!" lakad takbo na ang kanyang ginawa pero hindi parin siya tinitigilan ng kanyang kaibigan.

Mga sampung minuto siyang lakad takbo ay naisipan niyang silipin ito sa likuran at sa kanyang ginawa ay hindi niya napansin ang taong nasa unahan kaya't nabangga siya nito.

Napaupo siya sa lupa dahil sa lakas ng impact sa pagkakabangga. Akmang sisinghalan niya na ang kung sino mang bumangga sa kanya ngunit natigil at napakurap siya ng tatlong beses ng makita ang lalaking na siyang dahilan ng lahat kung bakit ang sarili niyang kaibigan ay iniiwasan niya ngayon.

"Nicho" Dali dali siyang tumayo at napangiwi sa sakit na nararamdaman niya sa kanyang bandang pwet. Inilibot niya agad ang kanyang paningin sa pag aakalang may iba pang nakakita sa kanya. Hays. Salamat safe.

Napansin niyang malapit na pala siya sa Section A. building. Ang Section A. ay puro mga matatalino't mayayaman ang mga studyante dito at nito ko lang nalaman na lahat ng scholar sa skwelahan na ito ay narito rin sa Section A. Malayo layo na pala ang tinakbo niya kaya siguro hindi na rin niya naririnig ang boses ni Flor.

Bakit nandito itong si Nicho? Kanina paba siya dito? Siguro sinadya niya akong banggain. Omy! Nagpapapansin siya saakin.

"Are you--------" Natigil siya sa pagtatanong ng lampasan siya nito na para bang hindi siya nabangga nito. Hindi man lang ito nag sorry.

Ganunpaman, hindi niya pinansin ang pagsusuplado nito. Kahit kailan hindi siya niisnob ng kahit sino at nachachalenge siya sa ginagawa ni Nicholas sa kanya.

Hindi niya alam kung bakit kahit masungit ito hindi nawala o nabawasan ang kanyang kagustuhan na makikilala ito dahil narin siguro sa hitsura at ang pagsusumikap nito sa buhay. Kahit sinong tao ay hahanga sa mga taong nagsusumikap sa buhay.

Sumabay siya sa paglalakad nito at napansin niyang may dala itong tatlong libro na may naka lagay Physics, Math at Science. 

"Mag-aaral ka?" denidma lang uli siya nito.

"Sa library ba?" pagpapatuloy niya.

"Sa basurahan?" huminto ito saglit at nagtatakang tinignan siya.

"May gagawin ka ba mamaya?" pagpapatuloy niya ulit sa pagtatanong.

"Magtatrabaho." simpleng sagot nito sa kanya. Kagat labi siyang ngumiti dito dahil sa wakas ay sinagot na nito ang tanong niya kahit paman nakapaikli nitong sumagot. Masaya parin siya dahil nasisiguro niyang ito na ang hugyat na sa mga susunod na araw ay magkakaroon na sila ng normal na pag-uusap.

"Saa--------" Hindi niya natapos ang kanyang itatanong dahil nag Bell na hudyat na magsisimula na ang kanilang unang klasi sa araw na ito.
Kaya imbis na sundan ito ay nagmamadali siyang pumunta sa Room nila.

------------------------------------—---–---

"OHMAYGOD!!!!! What kind of place is this?"  Nandidiring sabi ni Flor.
"Ang usok! then sobrang sikip at ang BAHO!!!!!" Malakas na sabi nito.

Foolish HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon