DATE WITH HIM (PART1)"Gusto kong makilala ang pamilya mo."
Hindi ako makapagsalita. Paano ko nga ba sasabihin sa kanya na mahirap ang gusto niyang mangyari.
Nang mapansin nito ang pananahimik ko ay lumingon ito sa gawi ko.
"Bakit?" Nagtatakang tanong nito.
"Wala na sila Nicho. Si Mamita at Papita na lang ang meron ako ngayon. At wala sila dito nasa Davao."
"Ganoon ba?" Tumango ako nang tatlong beses dito.
"Saan ka ba nakatira ngayon?"
"Kanila Flor." Tumango ito at tumayo.
"Kung ganoon doon na lamang ako manliligaw." Nanlaki ang mata kong nilingun ang likod niya. Talagang seryoso ito sa panliligaw na gusto niya.
Nakakahiya naman kanila Tita at Tito. Para kasi sa amin ay pag pumupunta ang lalaki sa bahay nang babae hindi na ligaw ang sadya noon kundi kasal. Pinapaalam na buntis ang babae at papakasalan na kundi naman ay yung mga nasa fix marriage.
Pero itong si Nicho kakaiba din. Parang siyang ipinanganak noong 80's. Hindi kasi gumagaya sa new generation. Ni wala nga itong cellphone ewan ko na lang kung may Facebook acc ba ito.
"Pumasok kana. Magkita tayo mamaya." Napairap ako nang lumakad na ito papaalis. Hindi man lang ako hinatid!
Kakaiba talaga! Minsan sweet, minsan naman masungit at ngayon hindi ko alam anong tawag dito.
Tumayo narin ako para pumasok. Habang naglalakad papunta sa Room namin ay palinga-linga ang ulo ko sa pagbabakasakali na makita si Flor.
Alam kong hindi pa ito pumapasok dahil hindi nito ugali tumambay sa loob nang room habang wala pa ang guro.
Narating ko ang room namin nang hindi nakikita si Flor. Nasaan na kaya ang babaeng yun? For sure nasira ang make up non sa bag dahil sa pagkakalakas nang palo niya sa mukha ni Lukas.
Sinilip ko muna ang labas nang room namin bago umupo sa upuan ko. Hindi siya papasok? Bahala na nga siya sa buhay niya.
Maya-maya lang ay dumating na ang aming guro na si Mrs. Gomez. English ang kanyang subject at mabait din naman siya paminsan minsan.
Nagdiscuss lang siya nang Nagdiscuss hanggang sa matapos ang oras. Sinabi niya ring may long quiz bukas dahil next week ay sembreak na namin.
Natuwa naman kami sa narinig. Pumasok narin ang iba pang Subject teacher at inulit lang ang sinabi kanina ni Mrs. Gomez.
Madaling lumipas ang oras at hapon na. Excited akong lumabas nang Room dahil magkikita kami ni Nicho. Yun nga lang hindi ko alam kong saan banda. Napaka talaga nang lalaking yun! Sumusulpot na lang bigla.
Pumunta na lamang ako sa parking lot dahil simula nang naging driver namin iyong Lukas nayun ay hatid sundo na kami nito palagi hindi tulad noong dating driver na nauuto ni Flor.
Imbis na si Lukas ang makita ko ay si Nicho ang narito ngayon. Sa lahat ata nang studyante na nagsusuot ng uniform ay siya ang pinaka gwapo para saakin.
Nakasandal ito sa harap nang kotse habang ang singkit na mga mata ay busy sa pagbabasa nang libro. Pinagmasdan ko ito na parang nauulol na sa kagwapohang taglay nito.
Nang mapansin nito ang presensya ko ay tumingin ito sa gawi ko at tiniklop ang librong binabasa. Ngumiti ito at lumapit saakin.
"Halika na." Hinawakan nito ang kamay ko.
Tumango lang ako at ngumiti.
Lumabas kami nang gate na naka holding hands at hindi iniinda ang tingin nang mga studyante.Huminto ako sa paglalakad kaya napahinto din ito. Nakakunot ang noo nitong tiningnan ang mukha ko.
"Amm kasi....where are we going ba?" Hindi ko kasi alam kung saan kami pupunta baka mamaya niyan dalhin ako nito sa hotel. Pero imposible yun kasi mas gusto nitong sa bahay nila. Dinala na nga ako nito minsan sa bahay nila at hindi lang yun gusto pa nito doon ako tumira.
" Sa tinutuluyan mo. Manliligaw." Napatawa ako sa ka seryosohan nang mukha nito. Hindi lang ba nito nararamdaman na kilig na kilig na ako dito? Kung banggitin nito ang "MANLILIGAW" ay para lang itong bumibili sa tindahan.
"Wala pa sila Tita Elise nasa Davao. 1 week sila doon."
"Ganoon ba. Umuwi ka na lang." Ako naman ang napakunot ang noo sa sinabi nito.
Binitawan na nito ang kamay ko at akmang aalis na ito nang hinila ko ang uniform nito sa likod.
Napahinto ito at hindi man lang nagbago ang reaction sa mukha nito kanina. Napakaseryoso!
"Hindi ko alam kung saan si Flor at napakaaga pa-------"
"May trabaho ako." Pinutol nito agad ang pagsasalita ko.
Tama nga naman Mira, hindi siya katulad niyo na walang ginagawa sa buhay laging umaasa sa pera nang pamilya.
Napabuntong hininga na lamang ako saka binitawan ang uniform niya.
Inangat ko ang aking paningin upang salubungin ang kanyang mga mata ngunit nabigla ako dahil sobrang lapit na pala nang mukha niya.Nagkabanggaan pa ang mga tungki nang ilong namin. Nakita ko ang paglunok niya at saka ibinaling ang ulo sa gilid. Umatras din ako nang konti.
"Ano ba ang gusto mong gawin?" biglang tanong nito
"Huh?"
"Hindi na ako papasok ngayon." Napangiti ako sa sinabi nito. Mas pinili ako nito kaysa sa kanyang trabaho. Napakasweet nang aking Nicho.
Lumapit ako dito at niyakap ang kanyang braso gamit nang dalawa kong kamay.
"Magdadate tayo."
--------------------------------------------------
Hello Lab,
Sorry sa mga type errors kasi gabi ko na ito sinusulat at masakit sa mata promise. Bakit nga ba gabi? Kasi po busy ako sa modules pag umaga. Sana wag po kayong tamarin na magvote at mag follow sakin. Again salamat sa mga nagbabasa po.
- Marn
BINABASA MO ANG
Foolish Heart
عشوائيA few years have passed but Azamira Feya still can't forget her man name Nicho Fier Tse when she was in college. She accepted and loved him completely but her parents turn them away sa hindi niya malaman na dahilan. Sa hindi inaasahang pangyaya...