Chapter 15

7 1 0
                                    

" I can't. I love you." Napahinto ito sa paglalakad ng marinig ang sinabi ko.

Nanatili itong nakatalikod saakin. Pinahid ko ang mga mata kong luhaan ng makitang umangat ang balikat nito. Narinig ko ang pagpakawala nito ng malalim na buntong-hininga.

Akala ko ay magpapatuloy ito sa paglakad. Pero nabigla ako ng humarap ito sa gawi ko.

Lumakad ito papalapit saakin. Napapikit ako ng maramdaman ang yakap nito. Ramdam ko rin sa paghinga nito na tulad ko ay nahihirapan din ito. Napabuntong hininga ulit ito.

"Huwag mo akong pahirapan mira."  bulong nito saakin.

Hindi na ako nagsalita. Pinulupot ko na lamang ang mga braso ko sa bewang nito. Dahil sa tangkad nito ay napasubsub naman ang luhaan kong mukha sa dibdib nito.

Nagtagal ng mga limang minuto na nasa bisig ako nito. Saka lang ako nito pinakawalan sa pagkakayakap ng mawala na ang hikbi ko. Tumingin ito sa mukha ko at pungay ang mga matang sinalubong ko naman ang mga mata nito.

"Isama mo na ako sayo." Wala sa sariling sabi ko. Ito lang ang paraan para hindi siya makipag break sakin. Sasama ako dito. Wala akong pakialam kung magagalit sila Papito.

Maiintindihan naman siguro nila ako. Hindi ko talaga kayang layuan si Nicho. Mahal ko na ito dahil kahit kailan ay hindi ko pa naranasan na masaktan ng ganito ka tindi dahil lang sa lalaki.

"Sigurado ka ba Mira?" Tumango ako ng marahan dito.

Hindi ito nagsalita basta na lamang ako nito hinalikan sa labi. Mabilis lang iyon pero ramdam ko ang saya nito sa desisyon ko.

Hinawakan nito ang kamay ko. At dinala sa lungga ng pamilya niya.

"Doon muna kayo sa Lupain ng Lola mo Nikoy." sabi ng ina ni Nicho na si Tita Eliza

Pagdating namin sa bahay nila Nicho ay naabotan namin ang kanyang ina na nagtutupi ng mga nalabhan na damit.

Pinakilala niya ako dito at sinabi ang plano namin. Hindi naman ito tumutol. Nagbigay lang ito ng mga payo.

"Iha. Sigurado ka na ba sa desisyon mong pagsama sa anak ko?" Tanong muli nito saakin.

Tulad kanina ay tango lang ang sinagot ko dito. Ngumiti ito at hinawakan ang dalawang kamay ko.

Tiningnan ko naman ang mukha nito. Namana ni Nicho ang pagkakasingkit ng mga mata nito. Ang hulma ng mukha at ang tangos ng ilong. Paniguradong maganda ito noong kabataan pa nito.

"Sana naman hindi mo pababayaan ang anak ko iha."

Magsasalita pa sana ako ng tinawag na ako ni Nicho dahil nandito na ang cab na maghahatid sa amin sa terminal.

Humalik ito sa noo ng ina at yumakap bago kami sumakay sa cab na nag-aantay na sa labas.

Sa probinsya ng Mayaon ako dinala ni Nicho. Dito daw naninirahan ang ina ng papa niya. Pag pasok pa lang namin sa lupain ng Lola Mariz niya ay namangha ako sa malawak na taniman nito na may mga iba't ibang uri ng mga gulay na siyang negosyo daw nito.

May mga pinsan din si Nicho dito na nakatira sa simpleng bahay ng kanilang Lola. Tatlong babae na si Althea, Miara at Rosenda. Apat na lalaki sina Leo, Miko, Patrick at Tristan. Nagulat ang mga ito ng makita si Nicho at agad naghanda ang kanyang mga pinsan na sinangayuhan din ng kanilang Lola.

"Masaya ako't bumalik ka ulit dito Nikoy." sabi ulit ng Lola ni Nicho. Kita-kita nga ang saya sa mukha nito dahil simula ng dumating sila dito ay hindi na mawala ang ngiti sa mga labi ng matanda.

Kasalukuyan kaming kumakain ngayon kasama ang lahat ng pinsan ni Nicho na nakatira dito at ang kanilang Lola.

"Alam mo kasi Mira. Simula ng mamatay ang Tiyo Albert. Hindi na pumupunta si Nicho dito." Pagkwukwento ng isa sa mga pinsan ni Nicho na si Athea.

Kumuha ito ng kanin at nilagyan ang plato na para dito. Akala ko ibabalik na nito ang kanin pero hindi pa pala dahil pinaglagyan din nito ang kapatid na lalaki na si Tristan na katabi nito sa kaliwa. Katabi naman ni Tristan si Patrick na katabi rin si Miko.

Habang kami naman ang kaharap ng mga ito. Si Lola na nasa gilid ng gitnang mesa na katabi ako na katabi si Nicho. Katabi naman ni Nicho si Rosenda na katabi rin si Miara.

"Busy sa school Thea." sagot ni Nicho sa pinsan niya.

"Busy? Eh kung ganon bakit kayo nandito?" Napaubo ako sa tanong ni Leo. Bigla ko kasi naalala na hindi pa nga pala sinasabi ni Nicho ang sadya namin dito.

Napangisi si Leo sa reaction ko. Katabi ito ni Athea sa kanan. Kinuha nito ang glass pitcher at nilagyan ang baso ko ng tubig.

Napahinto naman sa pagkain si Nicho. Naka kunot ang noo nitong pinagmasdan ang pinsan na titig na titig saakin.

Napataas naman ang kilay ko kay Leo. Anong problema ng isang to?

Ngumisi ito ng nakaloko saka binalingan ng tingin si Nicho. Ibinaba nito ang pitcher at hinarap muli ang pinsan.

"Pasensya na Nicho. Napakaganda kasi ng bisita mo." Kumislap ang mga mata nito saakin na parang nauulol. Napailing naman ako dito. Alam ko ang galawang ganyan. He's a  playboy!

Akala ko hindi ito papatulan ni Nicho since pinsan niya naman ito pero nagulat ako ng magsalita ito.

"Hindi lang siya bisita Leo. Girlfriend ko siya. At sa tanong mo kanina. Nandito kami para magtago sa pamilya niya." Napalunok ako ng tumingin ang mga singkit na mga mata nito saakin. Hinawakan nito ang kamay ko na nasa mesa saka humarap sa Lola niya.

"Nagtanan po kami Lola."  Nakita ko ang panlalaki ng mga mata nang mga babaeng pinsan ni Nicho. Ang mga lalaki naman ay tumango lang na para bang sanay na silang makarinig ng ganito.

Maya-maya lang ay napabaling ang tingin ng  lahat sa kanilang Lola ng hindi ito magsalita. Nakaramdam naman ako ng kaba ng makita ang tingin nito na nakatingin sa kamay namin ni Nicho na magkahawak-kamay parin sa ibabaw ng mesa.

Napaayos ako ng upo ng makita ang pagpikit nito at pag pakawala ng buntong-hininga. Bumuntong-hininga din ako para ihanda ang sarili sa  anumang sasabihin nito ng-----

"Pumapayag na ako na manatili kayo dito iho." Akala ko tulad ng pamilya ko ay magiging magulo rin dito. Napangiti ako ng ngumiti ito saakin.

"Salamat po." Tumango lang ito sa sinabi ko at pinagpatuloy ang pagkain.

Binalingan ko naman si Nicho para sana ngumiti pero nagtaka ako ng makita ang itsura nito.

Magkasalubong ang mga kilay nito tila naiirita na ito. Tiningnan ko naman ang tiningnan nito at nagulat ako ng makita si Leo na nakatingin parin saakin.

"So?" Tumingin ito kay Nicho at saakin na may nakakalokong ngisi sa mga labi. "Sino ang nagyaya?"

Namula ang mga pisngi ko sa tanong nito. Gusto ko tuloy magtago sa kili-kili ni Nicho.

------------------------------------------------------

MERRY CHRISTMAS PO!
-MARN

Foolish HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon