Lumayo ka na sa akin...
Letse. Tumutugtog na naman ang kantang 'to. Sa sandamakmak na kanta sa mundong ito, ito pa?? Ano 'to? Sweet revenge?
'Wag mo 'kong kausapin...
Naaalala ko tuloy ang yamot na pagmumukha ni Goliath. Sa mga saglit na pagpikit ng mga mata ko upang kumurap ay sumusulpot ang imahe niya. Dinaig niya pa ang multo sa pagpaparamdam. Marahil ay kung iidlip ako ngayon, hindi na ako muling magigising. Sisikat siguro ako bilang kauna-unahang taong namatay sa bangungot habang nasa bus.
Parang awa mo na...
Parang awa mo na manong konduktor, pakipatay ang hinayupak na background music na iyan.
'Wag kang magpapaakit sa 'kin...
"Haaaaay..." Napabuntong-hininga ako. 'Di bale na nga. Malapit na rin naman akong makauwi ng bahay.
Panggabi ang klase ko kaya alas nuwebe ang madalas na dismissal ko. Sa hirap sumakay at sa tagal pa ng biyahe, mga alas onse na ako karaniwang nakakarating ng bahay. Kaya sira ang body clock ko. Naging nocturnal akong tao. Sa gabi aktibo.
Alas dose, nag-online ako. Tinignan ko ang fb account ko bago maglaro ng online game. Aba, nagsend ng friend request si Risa. Isang taon na kaming magkaklase pero ngayon lang kami naging magkaibigan sa site na 'to... pati na rin sa personal.
Clungk!
Nag pop out ang chatbox... si Risa.
"Ton."
"Oy."
"Ton the songist, musta?"
Hindi ko na muling namalayan na ang dami na ulit naming napag-usapan. Mula sa eksena kanina kay Goliath, sa mga nilalaro naming pc games, sa 'classic' niyang itsura, first impressions: napansin daw niya na tahimik ako pero alam naman daw niya na nagsasalita rin ako, hanggang sa nakilala na namin kahit papaano ang isa't isa.
Ang dami kong tawa. Nakakawili siyang kausap.
"Nga pala, sabi ni Robert ang ingay daw natin kanina."
"Weh? What???"
"Rinig na rinig daw kasi tayo lang ang nagdadaldalan."
"Hahaha."
"Nagtitinginan na nga raw ang mga kaklase natin. Haha."
"Weh?"
Hindi niya pala napansin.
"Oo! Gulat nga 'ko e." Isinagot ko sa kanya.
"Haha kala ko tahimik lang tayo. Sabagay.."
"Kala ko nga rin e. baka mas tahimik lang sila. Haha."
"Nakikinig pa ba sila? E ang dali lang ng Thermo e. Hindi ko naman sinasabi na hindi na dapat makinig. Pero to the point of no talking?"
"Siguro? Haha. Yung iba siguro nagnonotes nalang. Ayun nga e. Sa tuwing may nagtuturo, doon ko gusto magdaldal. Pero hindi pwede. Busy ang mga tao."
"Hahaha. Parang ang dali mong kausap kanina. Tahimik pero madaling kausap. Parang matagal ko nang kilala yung kausap ko... which is a good thing. A very good thing."
Natuwa ako. Sa pagnamnam ko sa kasiyahang idinulot ng papuri niyang iyon. Hindi ko namalayan na nakatitig nalang pala ako sa chatbox. Natengga ako.
Shit.
Paksyet.
to be continued...
(c) charm L.

BINABASA MO ANG
Hoy Tuod!
RomanceIstorya ng isang tuod na nagmahal sa mundo ng mga tuod. Ang tanong, bakit nagiging tuod ka kapag nariyan siya?