Kabanata XI. Wala nang ibang Masabi

22 0 0
                                    

HA??


Nababading na ba 'tong si Robert sa akin??


''Alam mo brad, magpatingin ka na sa doktor,'' sabay salubong ng kilay ko.


Naghiwalay na kami ng daan ni Robert. Uuwi na siya sa kanila. Uuwi na rin ako sa amin.


Pagdating ko ng kwarto, hinayaan ko nalang na nakapatay ang ilaw. Nilasap ko ang hanging nagmumula sa electric fan. At nagpatugtog ng kanta.. Ayoko munang magbukas ng computer.


Mabuti pa sa lotto..


May pag-asang manalo..


'Di tulad sa'yo, imposible..


Ena! Hanggang pangarap ko na lang ba talaga si Risa?? Parang ang unfair lang.. Si Robert, walang kahirap hirap na nagustuhan ni Risa, pero ako? Heto, sawi.


Bakit nga ba ako nagkakaganito? Kung iisipin, wala naman akong ginawa. Ni hindi ko inaming mahal ko siya. Ang duwag ko. Daig ko pa ang tuod. Naiinis ako sa sarili ko.


Nagmensahe na kaya siya sa akin sa chat? Ayaw kong magbukas ng computer. Siguro dahil masasaktan lang ako kapag nakita kong wala na siyang mensahe sa akin. Dati kasi, araw-araw, walang palya. Oo, maliit na bagay, pero pakiramdam ko malulungkot lang talaga ko kung wala nga.


Pero hindi ako mapakali.


Username... password... log-in.


Pakshit. May mensahe siya.


''Siguro may lakad ka ngayon 'no? Hindi ka kasi nag-oonline.''


At meron pang isa.


''Ang tagal mo nang nasa labas ah? Now I'm lonely. Gorgeous but lonely...''


Natawa ko sa mensahe niya. Hinihintay niya pala ako. Grabe, sobrang saya ko.


''Hi Risa!'' mensahe ko.


''Uy. Sa wakas, nag online ka rin. Teka kakain lang ako. Namiss kita ah.'' sagot niya.


Ito ang unang pagkakataong sinabi niyang namiss niya ako. Alam mo ba kung gaano binuo niyan ang araw ko? Para akong umiiyak na batang binilhan ng combo meal sa Joybee na may kasama pang freebies na laruan. Oo. mababaw. Pero para sa isang bata, kumpleto na ang araw niya. Mapapalitan na ng abot tenga na ngiti sa mga labi niya.


Paano kung magtapat ako kay Risa? Paano kaya kung ligawan ko siya? Wala na akong pakialam kung si Robert ang gusto niya. Kailangan ko nang gumawa ng hakbang kung ayaw kong makitang sa iba siya mapupunta. Sawa na ko sa pagiging tuod. Gusto ko si Risa. Mahal ko si Risa. Sigurado na ako.


''Risa, tagal mo naman kumain!'' pagbibiro ko.


Maya-maya sumagot siya, ''Atat naman nitong taong 'to. HAHAHA.''


''Ay nga pala, free ka ba sa susunod na araw? Gala tayo. Sagot ko.'' pagyayaya ko.


Pumayag ka please. Please pumayag ka.


Risa is typing a message...


Isang minuto.


Bakit ang tagal mo yatang sumagot?


Dalawang minuto.


Ayaw mo bang sumama sa'kin?


Tatlong minuto.


Nag-iisip ka ba ng idadahilan?


Seen 11:36pm.


Shit. Seenzoned.


Sampung minuto.


Wala pa rin. Nagpapanic na 'ko.


''Dali na, sembreak naman na oh. :p'' ani ko. Pero wala. Hindi niya na nabasa. O hindi niya na binasa. Ignorezoned naman siguro. Ang saklap. Ang sakit. Shit. Dapat hindi ko na siya niyaya. Grabe. Matutulog nalang ako. Kung makakatulog man.


Clungk! Clungk! Clungk clungk!


Ayun! Sa wakas, sumagot na siya.


''Ton! Gising ka pa?''


''Oo.''


''Sorry, nakaidlip ako.''


Nakaidlip lang pala siya at naparanoid naman ako nang todo!


''Nasaan na nga ba tayo?'' dugtong niya. ''Ah! Oo nga pala. Osige. Tara. Game. Saan ba?''


Saan nga ba?


''Hmm. Sabihan nalang kita bukas.'' sagot ko.


''Osige. Ay nga pala, kunin ko number mo. Tagal tagal na nating magkakilala, wala pa kong number mo. HAHA.'' sabi niya.


Kinukuha niya ang number ko! Para akong babaeng kinikilig. Na gustong magpakipot. Pero sinampal ko ang sarili ko. Ako pa ba 'tong magpapakipot. Para naman akong ewan.


''09060708090. Ayan. Hahaha. Oo nga 'no. Sorry naman.'' Patay malisya kong sinabi.


''Salamat. O'sya, ako'y matutulog na ah. At baka makatulog ako ulit bigla. Goodnight Ton! See you soon. :)''


''Goodnight Risa. Looking forward to it.'' sagot ko.

Akala ko sawi akong matutulog ngayong pero. Pero hindi. Hindi ngayong gabi.




Kinabukasan, nakipagkita ako kay Kaye. Kinuwento ko sakanya ang mga nangyari. Tuwang tuwa siya nang magkaalaman na kami ng number ni Risa. Sa wakas naman daw ay nagkaroon kami ng legit na progreso.

''Kaye, samahan mo naman ako pumili ng ireregalo ko kay Risa. 'Yung simple lang muna. Para hindi naman siya magulantang.''

''Ba't kailangan mo pa akong isama? Kaya mo na yan! Malaki ka na, bui!'' sagot niya.

''Dali na, babae ka kasi e. Syempre, mas alam mo mga gusto ng mga babae. Sige na, please!'' Para na akong tutang nagmamakaawa.

''Ungas ka talaga! Mas magugustuhan ni Risa ang regalo mo kung ikaw mismo ang pumili!'' pangangatuwiran niya.

Napaisip ako. Sabagay. May punto si Kaye doon. Nagdesisyon akong lumakad mag-isa. Pumunta ako sa isang shop. Tumingin tingin. Nakatingin ako ngayon sa mga sapatos na pambabae.

Shit. Hindi ko naman alam ang sukat ng paa ni Risa. Size 7 si Kaye pero hindi naman siguro sila magkasukat ni Risa? Isa pa, sa dami ng nakadisplay, hindi ko alam kung alin ang magugustuhan ni Risa dito. Shit talaga! Ang hirap!

Makaalis na nga lang sa shop na 'to!

Aalis na sana ako nang makakita ako ng pabango. Ang ganda ng lalagyanan, hugis puso. Nang makita ko 'to, si Risa ang unang pumasok sa isip ko.

''Ang ganda, ano po sir?'' nakangiting sinabi ng saleslady. ''Sa glass po gawa ang lalagyanan niyan. Halika po, pwede niyo po itong itesting sir.'' dagdag niya.

Ini-spray ito ng saleslady sa isang espesyal na papel at pinaamoy sa akin. Grabe. Para akong nakakita ng mga kinang nang maamoy ko ito. Malapalaginip ang amoy nito. Sige na, 'wag ka nang maniwala. Pero sobrang bango talaga nito. Kakaiba.

''Mabango, ano po? Ngunit hindi matapang ang amoy. Pang-regalo niyo po ba, sir? Bagay na bagay po ito sa babaeng mahal ninyo.''

Bagay na bagay ito kay Risa!

''Kunin ko na po 'to, miss!'' Masigasig kong sinabi.

Ibinalot na niya at paalis na ako.

''Salamat po, sir! Balik po kayo!''

Ayos! Ang kulang ko nalang ay kung saan kami pupunta ni Risa bukas. Saan nga ba? Hmm.. Kung kumain nalang kaya kami sa restaurant? Kaso baka ma-bore siya. Mall kaya? Kaso baka sawa na siya doon. Starcity? EK? Kaso parang ang intense agad nun. Baka hindi ko kayanin. Kung sa may plaza nalang kaya muna? Malaki naman yung plaza sa lugar namin. Ang ganda pa ng ilaw sa gabi. Payapa. Doon nalang muna siguro.

Tatawagan ko na ngayon si Risa. Contacts... Risa... Call...

Nag-ring. Hindi ko alam pero parang gusto kong ibaba at magdahilan nalang na hindi niya siguro narinig kaagad. Pero gusto kong marinig ang boses niya...

''Hello?'' sagot ng kabilang linya. OA na kung OA pero hello palang ni Risa, mala-anghel na.

''Hel... H-h-h-i Risa!'' sabi ko.

''Oh, Ton! Napatawag ka yata.''

''Bukas, sa may plaza nalang tayo. Sunduin kita dyan sa inyo by 3pm?''

''Sure!''

''Saka ayos lang ba kung magpagabi ka nang kaunti? Mga hanggang 8pm. Pasensya ka na. May ipapakita lang sana ako.''

''Napakapormal naman nito!'' Tumawa siya. ''Oo. See you bukas?'' tanong niya. Mala-anghel talaga ang boses niya... pati ang pagtawa niya...

''Opo. Ay, oo. See you.'' sagot ko.

''Bye!''

''Bye! Ingat!'' At binaba ko na ang phone. Hingang malalim. Kinakabahan ako para bukas.



Lumubog ang buwan at sumikat ang araw. Napakabilis ng oras. 2pm. Ito na 'to. Ito na ang araw na magtatapat ako kay Risa... Kinakabahan ako. Parang yung baga at tiyan ko iisa nalang ang kinalalagyan. Naninikip ang dibdib ko. Paano kung tanggihan niya ako? Paano kung layuan niya ako? Paano kung si Robert pa rin talaga? Paano kung... Pero wala nang atrasan 'to. Walang mangyayari kung tutuod-tuod ako. Ang sabi nga nila, mas mabuti nang pagsisihan mo ang mga bagay na ginawa mo kaysa pagsisihan mong hindi mo ginawa ang mga bagay bagay. Kaya Antonio Dela Peña, fight!

3pm. Nakarating na ako sa bahay ni Risa. Pagkapindot ko sa doorbell, agad siyang lumabas. At isa lang ang masasabi ko. Wow. Sa totoo lang ngayon ko lang siya nakitang nakacivilian. Palagi lang siyang nakauniform sa utak ko. Mas bagay pala sakanya ang ganito. Wala siyang anumang nilagay na make up sa mukha niya. Naka-jeans siya at kulay asul na blouse. Simple ngunit maganda pa rin.

''Tara?'' Nakangiti niyang sinabi sa akin.

''Tara.'' Nakangiting sagot ko. Ang akala ko makikita ko ang pamilya niya. Pero hindi pa pala.

''Sinong kasama mo sa bahay niyo?'' Naitanong ko habang nasa biyahe kami.

''Wala e. Umalis sila ngayon. Sumama sa kapatid ko magbayad ng tuition. Gagala na rin siguro sila pagkatapos.

''May lakad pala kayo ng pamilya mo ngayon. Sayang naman hindi ka nakasama. Pinapagliban nalang sana natin ang lakad natin ngayon.'' sabi ko.

''Ano ka ba? Ayos lang 'yon. Minsan lang din naman diba.'' sabi niya.

Wala na akong maisagot sa kanya. Sa sobrang kaba ko. Nabablangko na ngayon ang utak ko. Hmm. Weather. Ah, oo! Weather.

''Ang ganda ng panahon ngayon 'no?'' nasabi ko.

Tumawa siya nang malakas. Malakas. Tawang tawa siya. Namula ako.

''Hindi ba 'yan yung tinatanong kapag wala ka nang masabi?'' Tumatawa pa rin siya. ''Talk about the weather. Wala ka na bang masabi, Ton?! Ang sakit naman!'' sabay mahinang batok sa akin. ''Sorry, natuwa lang ako sa'yo. Nakakatuwa ka talaga.''

At pareho na kaming nagtatawanan sa sasakyan.


4pm. Pagdating namin sa plaza, inaya ko siyang kumain muna. Nagfoodtrip kami. Kumain kami ng pizza, cotton candy, nag mango shake, nag-kakanin, nagbarbeque, nag-isaw. Busog na busog kami. Busog na busog ang tiyan namin kakatawa. Busog na busog din ang puso sa presensya ni Risa.

5pm. Pagkatapos naming magfoodtrip, inaya ko rin siyang mag-bike. Pero tumanggi siya.

''Hindi ako marunong mag-bike!'' Nahihiya niyang sinabi.

''Pero gusto mo bang matuto?'' tanong ko.

''Oo! Bata pa lang ako gusto ko nang matutong magbisikleta. Wala nga lang pagkakataon.''

''Ngayon, meron na.'' Pagaanyaya ko.

''Paano kung sumemplang ako?'' Nag-aalala niyang tanong.

Aba't may kinatatakutan rin pala ang babaeng ito.

''Hindi ko hahayaan.'' madiin kong sagot. Shit. Ang cheesy ko na ba? Pero hindi ko talaga hahayaan. Ayokong masaktan si Risa, o magkasugat man lang.

Nag-iisip siya. Makaraan ang ilang sandali ay pumayag na rin.

''Magtiwala ka lang sa akin, miss Risalinda.''

Nagsimula na akong turuan siya. Inaalalayan ko siya. Nanginginig siya nang bahagya pero makikita mo sa mga mata niya na gusto niya talagang matuto. Wala pang isang oras ay nabalanse niya na ang bisikleta. Fast learner si Risa. Bilib na talaga ako sa kanya. Ngayon kaya niya nang patakbuhin mag-isa ang bisikleta... nang walang alalay.

''Kita mo 'to Mr. Antonio? No match ka pala sa akin e.'' Pagbibiro niya. Nakatingin siya sa akin. Malapit na siya bumangga sa puno. Dali-dali akong tumakbo papunta sa kanya.

Bog!

Natumba ang bisikleta. Sa akin. Para sa akin bumagsak si Risa at hindi sa semento. Mabuti na lamang at nakaabot ako.

''Ton! Ton! Ayos ka lang ba?!'' nagpapanic na si Risa.

Dahan dahan akong bumangon. ''Wala 'to. Ayos lang ako. 'Wag kang mag-alala. Walang wala 'to sa maskels ko.'' biro ko.

''Anong ayos?? Kita mo't may sugat ka sa parehong siko.'' Nag-aalala niyang sinabi.

''Maliit lang 'to. Gasgas lang.''

''Ton! Sorry.'' Malungkot niyang sinabi. Na para bang sising sisi siya.

''Ito naman!'' sabay hawak sa ulo niya. Comfort kumbaga. ''Hindi mo naman sinasadya eh. Saka mas okay nang ako 'tong masugatan kaysa ikaw.''

Lalo siyang nalungkot. Na para bang maluluha.

''Oop, oop, oop! Nandito tayo para mag happy happy 'di ba? Eh anong mukha yan, ha, Risalinda? Panget mo!'' pang-aasar ko.

Napangiti siya. ''Mas panget ka!''

Ayun. Bumalik na sa wakas ang ngiting iyon. Ngiti palang niya, para na akong tinurukan ng anesthesia.

''Tara, ibalik na natin 'tong bisikleta. Nagdidilim na rin eh.'' aya ko.

6pm. Nakaupo kami ni Risa sa swing sa may playground. Binuksan na ang mga ilaw sa plaza. Isa-isa. Sunod-sunod. Pati pagbukas ng ilaw dito sa plaza, nakakamangha. Ang mga ilaw dito parang mga paper lanterns. Kapareho nung nasa pelikulang 'Tangled.' Iba iba ang kulay ng mga ilaw. May asul, pula, kahel, berde, dilaw, ube at kung anu ano pa. Makikita mo sa mga mata ni Risa ang pagkamangha niya.

''Parang... panaginip. Ang gaganda. Ang ganda, Ton. Grabe. Sana may ganitong klaseng plaza rin kami.''

There's a calm surrender to the rush of day...

Nagsimula na ang tugtugin.

When the heat of the rolling world can be turned away ...

Ito pa ang isang gusto kong plaza na 'to. May sayawan.

An enchanted moment, and it sees me through...

Tumayo ako. Lumapit kay Risa, yumuko, aktong aayain siyang sumayaw. ''Miss Risalinda, maaari po ba kitang isayaw?''

It's enough for this restless warrior just to be with you...

''My pleasure, Mr. Antonio.'' Natuwa ako't pumayag siya.

And can you feel the love tonight?

Magkahawak ang kamay namin ni Risa. Ang lambot ng kamay niya. Inihawak ko ang kanang kamay ko sa kanyang baywang. At ang kaliwang kamay naman niya sa aking balikat. Sumusunod lang ang mga katawan namin sa tugtugin.

It is where we are...

Diyos ko, panaginip na naman ba 'to?

It's enough for this wide-eyed wanderer...

Pwede bang 'wag nang matapos ang araw na 'to?

That we got this far...

''Risa, mahal kita.''


Shit. Nasabi ko na. Shit!



(to be continued...)

Hoy Tuod!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon