Kabanata X. Double Dead

14 0 0
                                    

           Ang sakit! Shit, sobrang sakit!
 
          ''Manong, pakipatay naman po nung radyo. Salamat.''
 
          Pinapatay ko na yung radyo. Mahirap na baka kasi sumakto na naman yung kanta at magkaroon ng instant burol yung puso kong katatapos lang ma-murder.
 
          Wala na akong lakas na natitira. Naubos na sa pagpilit kong ngumiti kanina habang nag-uusap kami ni Risa. Nakatulala nalang ako sa bintana nitong sasakyan. Ang dilim ng paligid. Pero magandang pagmasdan ang mga ilaw ng mga gusali. Wala pang bituin... Maulan kasi... Syempre, kapag maulan, maulap, kaya yung mga bituin, natatakpan ng mga ulap kasi nga maulan e... tapos madilim pa... kasi nga gabi na... saka...
 
          Teka ano bang mga pinagsasabi ko?! 
 
          Tang'na naman mahal na kita e. Bakit sa lahat ng tao ikaw pa yung hindi ako gusto nang higit sa kaibigan. Nakakafrustrate, alam mo ayos na nga sa'kin na ikaw na habambuhay e. Bakit 'di tayo pareho nang nararamdaman? 
 
          ''Iho.''
 
          Gusto mo lang akong kausap pero wala kang nararamdaman? Pakshit! Ang sarap lang magmura! Mahal na kita, pero wala e...
 
          ''Andito na tayo,'' sabi ng drayber.
 
          Agad?! Ang bilis naman ng biyahe?! Akala ko pa naman magiging pinakamahabang byahe 'to ng buhay ko. Ayos na nga sa'kin kahit iyon na ang huling byahe ng buhay ko e. Paker na drayber hindi pa binangga yung taxi. Edi sana hindi na ako namomroblema ngayon.
 
          Joke lang po, Lord. 'Wag po muna.
 
          Pagpasok ko ng gate, napansin kong naiwan ko pala sa taxi yung bracelet na ginawa ni Kaye noong kaarawan ko. Siya mismo gumawa nun, may beads pang T-O-N.  Natuwa nga ako nun kasi hindi U-N-G-A-S ang nilagay niya. Paalis palang yung taxi pero dahil umalis yung puso ko sa katawan ko, wala na akong ganang gumalaw, ayoko na rin munang makipag-chat o makipag-usap kay Risa. Time out muna ko... Tama na muna...
 
 
 
          Kinabukasan, naglalakad ako sa hallway nang makita ko si Risa at Monica na nakaupo sa mga upuan sa gilid. Kapag tinuloy ko ang pagdaan dito, kailangan kong batiin silang dalawa. Kailangan ko ulit ngumiti. Hindi pa ko handang makausap ulit si Risa. Hindi ko pa nababawi ang naubos kong isandaang porsyentong lakas kagabi.
 
          ''Hindi!'' diin ni Risa.
 
          Nacurious ako. Alam kong mali pero nagtago ako sa likod ng pader. Tila gusto ko pang marinig ang mga susunod.
 
          ''Gusto ko si Robert.'' sagot ni Risa.
 
          Nagulat ako.
 
          ''Pero akala ko...'' sabi ni Monica.
 
          ''Hindi.'' sabay tayo si Risa. ''Mali lang ang pagkakaintindi mo sa amin ni Ton.''
 
          Lalong nanlaki ang mata ko. Shit! Hindi na ako makaalis sa kinatatayuan ko. Leche kang paa ka, gumalaw ka!
 
           Pero huli na ang lahat. Nakita ako ni Risa. Isa lang ang masasabi ko. AWKWARD. Ito na yata ang pekpektong halimbawa ng sitwasyong awkward. Pagkatapos ng tila habambuhay na katahimikan, inaya niya akong sabay lumabas ng gusali ng kolehiyo namin.
 
          ''Gusto ko si Robert. Pero hanggang doon lang iyon.'' sinasabi ni Risa habang naglalakad.
 
          Bakit kailangan mo pang ipaliwanag sa'kin 'yan??
 
          ''Ton, pinapaliwanag ko 'to para hindi magkaroon ng anumang 'di pagkakaunawaan.''
 
          Wew. Yung totoo? Nakakabasa ba siya ng isip??
 
          ''Wala naman akong intensyong sirain ang relasyon nila ni Kaye.'' pagpapatuloy niya. ''Gusto ko lang sanang maging magkaibigan rin kami ni Robert.''
 
          Kapag gusto mo ang isang tao, gustong mong mapalapit sa kanya, at kung hindi posible iyon,
gugustuhin mo nalang na maging malapit sa mga taong malapit sa taong gusto mo.
 
          Nagflashback sa akin ang mga katagang iyan na sinabi sa akin ni Kaye dati.
 
          Hindi pala sa akin gustong mapalapit ni Risa kaya siya nakipagkaibigan kay Kaye. Gusto niya palang mapalapit kay Robert.
 
          Wala na. Yung puso ko... Double dead.
 
 
          Nakaupo lang ako sa parke sa loob ng unibersidad. Nag-iisip... Nakapikit... Malakas at malamig ang simoy ng hangin.
 
          ''Ungas, anong ginagawa mo?'' boses ni Kaye 'yon.
 
          Napadilat ako. ''Wala naman. Nagpapahangin,'' sagot ko.
 
          ''Alam mo ba nanganak na yung aso namin,'' pagbabalita niya.
 
          ''Ahhh...'' sagot ko.
 
          ''Apat. Puro puti!'' masigasig niyang sinabi. ''Gusto mo bang umampon ng isa? Mahilig ka sa puting aso 'di ba?'' dagdag niya.
 
          ''Ahhh...'' walang buhay kong sagot.
 
          ''Oy, anong problema?'' tanong niya.
 
          ''Kasalanan mo 'to e,'' naisagot ko.
 
          Nagulat siya. ''Alin?''
 
          ''Pinataas mo yung pag-asa ko.'' sabi ko.
 
          Natigilan siya. Naalala niya siguro yung sinabi niya sa akin dati.
 
          ''Nasaan na yung niregalo kong bracelet sa'yo? Hindi mo sinuot ngayon a.'' 
 
          Takte! Oo nga pala, yung bracelet!
 
          ''Sorry Kaye, naiwan ko sa taxi kagabi.'' Nagpapaawa ang mga mata ko. 
 
          ''Tara.'' aniya.
 
          ''Saan?''
 
          ''Tara. Shopping.''
 
          ''Ha?! Wala ko sa mood.'' nakakunot ang noo ko.
 
          Hinahatak ako patayo ni Kaye. ''Tara na! Nang magkabuhay ka naman! Tara!''
 
          ''O'na, sige na. Baka nga matuwa ako pag nakita ko yung mukhang tangang mukha ni Robert.''
 
          ''Ha? Si Robert? Ay may gagawin nga pala siya ngayon. Tara na, dali, kilos na!''
 
          ''Teka!'' Nahatak na nga talaga niya ako.
 
 
 
          Sa mall, pumunta kami sa White Magic, mahilig sa keychain si Kaye. Kaya hindi pwedeng hindi kami dadaan dito para tumingin ng mga keychains. Siguro sa dami na niyang keychains, pwede niya nang gawing kurtina pag pinagsama sama. Kaye the Keychain collector ang drama ng buhay niya.
 
          ''Maganda ba 'to?'' tanong niya.
 
          ''Oo.''
 
          ''E eto?''
 
          Tumango ako.
 
          ''O kaya eto?''
 
          ''Pwede.''
 
          ''Di ka naman tumitingin e!''
 
          ''Ba't ba kailangan mo pang alamin kung gusto ko?''
 
          ''Ungas ka talaga!''
 
          Napatingin ako sa brown na asong keychain. Hinawakan ko. Paborito ni Risa ang mga kulay brown na aso.
 
          ''Brown? 'Di ba puting aso ang gusto mo?'' pagtataka ni Kaye.
 
           ''Wala lang.'' umalis ako. Hindi niya pwedeng malaman na gusto kasi ni Risa iyon. Aalaskahin niya lang ako. Sigurado ako.
 
          ''Sa'n ka pupunta, oy?!''
 
          ''C.R.''
 
          Pagbalik ko pumunta kami ni Kaye sa kainan. Nilibre niya ako. Treat niya raw ngayong araw. Dahil kasalanan naman daw niya ang mga nangyayari.
 
          ''Hindi ah. Wala kang kasalanan doon, Kaye. Ako naman 'tong mali ng pagkakaintindi.'' sabi ko. ''Nagbibiro lang ako kanina.''
 
          Sasabihin ko ba sa kanya ang natuklasan ko? Ugh, 'wag nalang siguro. Tutal wala namang masamang intensyon si Risa sa kanila ni Robert. Baka mag-isip pa ng kung anu-ano si Kaye kapag nalaman niya.
 
          ''Ayos lang 'yan ungas! Hmm hindi ka naman mabilis makakamove on sa mga ganitong bagay...'' masigasig na sinabi ni Kaye. ''Pero...'' nag-iba ang tono niya. Naging malumanay. Parang may hugot.''...dadating yung panahon na hindi mo nalang mapapansin na nakaget-over ka na.''
          ''Para na kitang kapatid! Cheer up! 'Pag malungkot ka, malulungkot din ako!'' dagdag niya.
 
          ''Kung makapagsalita ka dyan, sino bang dahilan kung bakit kayo ni Robert ngayon, ha?'' pang-aasar ko.
 
          ''Tse! Sino bang nagsabi sa'yong gawin mo iyon?!'' sagot niya.
 
          Tumawa ako. Nakalimutan ko na kahit papa'no ang problema. Salamat kay Kaye.
 
 
 
          Sabay ulit kaming bumiyahe pauwi ng bahay. Inihatid ko muna siya sa kanila lalo na't nagsimula nang lumakas ang buhos ng ulan. Binayaran ko na rin ang hiniram kong pera kay Kaye kahapon. Inaya niya akong pumasok muna sa loob at may ibibigay daw siya. Nagulat ako. Binili niya pala yung tinignan kong brown na asong keychain kanina. 
 
          Tok! Tok! ''Hon?'' Si Robert iyon.
 
          ''Wag mong buksan.'' sabi ni Kaye.
 
          Kumunot ang noo ko. ''Ha?!'' naibulalas ko.
 
          'Hon?'' Tok! Tok!
 
          ''Papunta na!'' sinigaw ko.
 
          Pinagbuksan ko si Robert. May dalang pasalubong. Mga paboritong pagkain ni Kaye. ''Tinapos ko kaagad ang mga gawain ko sa bahay para makasama 'tong Hon ko e!'' masiglang sinabi ni Robert.
 
          ''Hindi mo naman kailangang pilitin ang sarili mong pumunta dito.'' sinabi ni Kaye. ''Umuwi na kayo. Pagod na ako.''
 
          Kakaiba si Kaye ngayon. Umalis nalang kami ni Robert. Wala na sa mood si Kaye.
 
          ''Brad, may ginawa ka ba kay Kaye, bakit ang sungit niya?'' tanong ko kay Robert. ''Kanina kaming dalawa lang magkasama mag-shopping. Busy ka raw kasi.''
 
          Natigilan sa paglalakad si Robert.
 
          ''Basta brad, alagaan mo siya.'' sabi ko.
 
          Ang tahimik ni Robert ngayon.
 
          ''Ang cool mo... Kung ikaw lang din brad, ayos na sa akin.'' malumanay niyang sinabi.
 
          ''HA??''
 
 
(to be continued...)
 

Hoy Tuod!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon