Shit! Bad timing, shit!
Magpapaliwanag na sana kami ngunit biglang nagsalita si Robert.
“Hon!” Umupo siya sa tabi ni Kaye at inakbayan ito. “Dala mo ba yung paborito kong brownies?” sabi ni Robert. Agad kinuha ni Kaye ang brownies sa bag niya.
“Sensya na pala, brad, nalate ako. Grabe ang trapik e. Sabadong sabado pero ang trapik.”
“Ayos lang, brad, ano ka ba.” Walang binanggit si Robert na anumang tungkol sa nadatnan niya kanina. Akala ko magagalit siya. Akala ko susuntukin niya na ako. O di kaya’y magwa-walk out siya. Pero hindi e. Salungat lahat ng nangyari. Sa telenobela lang siguro iyon nangyayari. Sa totoo lang, nakaramdam ako ng mini heart attack kanina. Ganoon din siguro si Kaye. Malaki lang siguro talaga ang tiwala ni Robert sa amin kaya hindi niya binigyan ng kulay ang nakita niya kanina.
Alas siyete na nang gabi nang matapos kaming mag-aral. Tangina achievement to para sa’kin! Ang tagal kong nag-aral!
Ang lakas ng ulan ngayon ah.
“Brad, aalis na kami ah. Salamat.”
“Sige. Salamat sa pagpunta. Ingat kayo ni Kaye. Ang lakas pa naman ng ulan.” sabi ko.
“Bye, Tonyboy! Ikaw na bahalang mag-aral sa huling topic sa DSP. Ipakita mo kay Goliath ang tunay mong lakas!”
“Oo ba! Makikita niya ang hinahanap niya. Hmp!” sabi ko.
Umalis na silang dalawa. Sumakit ang ulo ko. Ang sarap matulog dahil sa lamig na dulot ng pag-ulan. Binuksan ko ang TV para manuod ng balita.
May papasok na bagyo nga sa bansa. Tama ang hinala ko.
Walong araw na ang lumilipas pero hindi pa rin tumitigil ang ulan. Dahil sa mabilis bumabaha sa unibersidad namin, na-postpone ang prelims dahil sa buong linggo ring suspendido ang klase. Ang sarap ng ganitong buhay.
Nakita ko ang mga litrato ng kalagayan ng paaralan namin. Grabe, parang dagat na, ang taas ng baha.
Pero bakit ganoon? Walang nagtetext sa akin. Ayos lang kaya si Kaye at Robert? Tinext ko sila pero walang sumagot. Kaya tinawagan ko na sila. Masaya naman ako nang malamang nasa mabuti silang kalagayan.
Haaay… Labing-isang araw na ang nakalipas pero hindi pa rin tumitigil ang ulan. Hindi lang siyam-siyam 'to, onse-onse na. Sige na, ako na korni. Nagsasawa na akong humilata. Nakakatamad nang maging tamad.
Kinabukasan, tumigil na ang ulan. Sa wakas, tumigil na ang ulan. Akala ko mauulit ang pangyayari sa Noah’s Ark e. Umiling-iling ako. Hindi maaari. Hindi ko pa nagagawa ang misyon ko sa buhay. Kung ano man yang misyong yan.
At isa pang 'sa wakas', natuloy na ang prelims namin nang humupa na ang baha sa unibersidad. Buong linggong aral dito, aral doon. Nag-cram ako kasi panay pahinga lang ako nitong dalawang linggong walang pasok. Sa huling araw ang exam namin sa DSP, kay Goliath. Kung anong topic pa ang hindi ko naaral, ayun pa ang lumabas sa exam. Kung bakit kasi puro hilata lang ang ginawa ko. Tangina! Zero ata ako sa exam sa DSP! Nakakadepress…
I did my best… but I guess my best wasn’t good enough…
Music video ‘to ng buhay ko. Music video.
“Brad! Pansinin mo naman.” sabi ni Robert.
Tumigil ang tugtog sa utak ko at nabalik ako sa realidad.
“Ha?” Nakakunot ang noo ko. Nakalimutan kong kasama ko nga pala ang lovebirds, naglalakad paalis ng paaralan.
“Hindi mo ba narinig? ‘I love you’ raw sabi ni Risa.” dagdag ni Robert.
Lumingon ako. Nakatingin nga dito si Risa at ang mga kaibigan niya. Nakaupo sila sa pavilion sa tapat ng building namin. ‘I love you’? Kalokohan.
“Lul! ‘Wag mo ‘kong linlangin.” nagpatuloy ako sa paglalakad.
“Oo kaya, diba hon?” sabi niya kay Kaye.
“Oo. Dalawang beses pa nga e.” pagpapatunay ni Kaye.
“Sabi sayo e. Sinabi niya pa yun kasama mga kaibigan niya. Naks!” banat ni Robert.
Binatukan ako ni Kaye. “Gwapo mo, bui!”
Hindi ko mapigilang ngumiti. “Talaga? Hindi ko naman narinig e.”
“Bingi mo! Kahapon din nung nagpeperform ang grupo niyo, sinabihan ka niya ng ‘i love you’ pero hindi ka tumingin. Tinawag ka pa nga ni Monica pero hindi mo siya pinansin.”
“Snob, ampotek.”
Bakit ganoon? Bakit palagi kong hindi naririnig? Kung narinig ko edi sana pinansin ko sila at sumakay ako para naman sabihing di ko masyadong ginagawang big deal. Parang isnabero ko naman tuloy.
TSK!
Kinagabihan, pag-uwi ko, nagmensahe ako kay Risa sa fb. Para naman hindi niya isiping isnabero ako.
“Magandang gabi, Risa.” mensahe ko. Halos isang buwan na rin pala nung huli ko siyang maka-chat.
Clungk! Bilis ng reply niya ah.
“Makapag-magandang gabi naman ‘to! Napakapormal! Hahaha! Magandang gabi rin ginoong Anthony.”
“Ano pong maipaglilingkod ko sa inyo, Binibining Risalinda. Risalinda hahaha! Ambaho po ng pangalan ninyo. HAHAHA.” biro ko.
“Aba. Aba. Pumapalag na 'to. Hahaha. Btw, grabe yung ulan 'no? Dalawang linggo! 'Kala ko magkaka-Noah's ark ulit e." aniya.
Akala ko rin.
"Tapos ikaw si Noah. Walang balbas na version ni Noah." pang-aasar niya.
"Kung ako si Noah, isasakay kita sa ark ko. Isasama kita sa mga ililigtas ko."
Shit. Ang cheesy ko. Risa is typing a message... Kailangan kong dagdagan agad iyon. Isip. Isip.
"Alam mo naman, mga hayop ang iniligtas ni Noah." dagdag ko. Nawala ang Risa is typing a message... at bumalik ulit pagkatapos ng ilang sandali. Siguro pinalitan niya yung dapat na sasabihin niya sana.
Natawa siya at bumawi ng pang-aasar.
May kakaiba sa akin ngayon. Dati wala lang akong pakialam kahit anong ireply ko sakanya. Pero ngayon parang… parang nako-conscious na ako.
Ganoon pa rin siya. Masarap kausap. Ang saya niyang kausap. Pero hindi ko tinanong ang tungkol sa sinasabi nilang pag-'i love you' niya. Baka kasi isipin niyang assuming ako, mahirap na. Hindi pa rin naman yata ako handang malaman kung anuman ang totoo, kung seryoso ba siya o hindi.
Kinabukasan, sa klasrum, hindi ko mapigilang hindi siya tignan. Tila palagi siyang hinahanap ng mga mata ko. Kahit maingay sa klasrum, alam ko kung alin doon ang boses niya. Alam ko kung alin doon ang tawa niya. Gustong gusto kong naririnig ang tawa niya. Parang punong-puno ng ligaya. Masarap sa tenga ang tawa niyang iyon. Nakakawala ng problema.
Ano kayang itsura niya tuwing nakikipag-chat sa akin?
Shit. Ano ba ‘tong ginagawa ko? Itong mga pinag-iisip ko? Gusto kong pigilan ang sarili ko pero hindi ko magawa.
May tama na ata ako kay Risa.
Tsk!
Tsk talaga!
to be continued...
(c) charm L.
BINABASA MO ANG
Hoy Tuod!
RomantikIstorya ng isang tuod na nagmahal sa mundo ng mga tuod. Ang tanong, bakit nagiging tuod ka kapag nariyan siya?