Kabanata VIII. Ninja Moves

46 0 0
                                    

          “THE HECK? WOHOHOHO! SASABOG NA ATA AKO. HAHAHA!” reaksyon ni Risa.

          Paano ko kaya lilinawin sa kanya na hindi ko gusto si Monica? Sabihin ko nalang kaya nang diretso? Errr, hindi pwede, masyadong defensive at nakaka-offend sa part ni Monica iyon. Sa totoo lang, naging crush ko si Monica noong third year kaya medyo nasaktan ako nang maging sila ni Patrick. Kaibigan din ni Risa. Ngayong 4th year ko nga lang din nakausap si Monica. Hindi ko rin masyadong nakakausap si Patrick. Pero tingin ko magkakaibigan na rin naman kami kahit papaano. At crush lang naman iyon. Siguro nga dahil kamukha nia ang ex ko. Pero wala na yun ngayon. Matagal na akong naka-move on.

          “Di mo ba ako tatanungin kung gusto ko si Monica? hahaha.” nasabi ko.

          “Sige nga, sagutin mo.”

          “Hindi.”

          “Bakit ganun, bakit kailangan ko pang itanong? Alam ko kapag may gusto ang isang tao sa isang tao.” sagot niya.

          Hindi ko alam kung anong emosyon ang taglay niya sa mensaheng yan. Galit ba siya? Masyado ba akong obvious? Masyado ba akong defensive?

          Haaays. Sumikip na naman ang dibdib ko. Ayoko nang isipin. Tumawa nalang ako.

          Kinabukasan, noong uwian, mag-isa nalang ako dahil naunang umalis ng paaralan si Kaye at Robert. Lumabas na ako ng klasrum namin.

          “Uy, walang kasabay si Ton oh. Sabayan mo naman, Risa.” boses ni Monica iyon. Tinutukso si Risa.

          Malakas ang pagkakasabi ni Monica nun na para bang intensyon niya talagang marinig ko. Nasa bandang likod ko pala sila. Lumingon ako upang ngumiti dahil ayaw ko namang isipin nila na nang-i-snob ako. Kalmado lang si Risa. Nagpatuloy na ako sa paglalakad. Pahakbang na sana ako pababa ng hagdan nang makita ko sa tabi ko si Risa. Nagulat ako. Para siyang ninja.

          “Uy” nalang ang nasabi ko.

          Nagpatuloy na kami sa pagbaba ng hagdan. Medyo nahuhuli ng lakad si Monica at Patrick.

          “O, bakit hindi mo ata kasabay si Kaye at Robert?” tanong niya.

          “Ah, mag-aaral daw kasi sila para sa quiz bukas kaya hindi na sila pumasok sa last subject kanina.” Sa totoo lang, gusto ko na rin sanang umalis kasabay ng lovebirds kaso nandito ang pugad ko e. Kung nasaan si Risa, nandoon ang pugad ko. Bagong gupit nga pala siya ngayon. Mas bagay sa kanya.

          “Ikaw, nakapag-aral ka na ba dun?”

          Nasa ikatlong palapag na kami.

          “Medyo. Ikaw ba? Hindi mo naman na ata kailangang mag-aral e.”

          “Pfft. Hindi naman ako bumabagsak. Dati nga nagmakaawa ako sa prof na ibagsak ako. Pero, wala e, wala sa rules ng universe na bumagsak ako.” pagbibiro niya habang tumatawa.

          Iyan, ‘yang tawang yan ni Risa ang tawang saglit na nagpaparanas sa akin ng langit. Lalo na kung ako ang dahilan ng pagtawa niya. “Awww. Yabang neto, o!”

          “Yieeee… getting to know each other.” panunukso ni Monica.

          Nasa ikalawang palapag na kami ni Risa. Nagsasalita ako gaya ng pinansin ko ang bagong gupit niya, pero napansin kong nawawala siya sa focus. Hindi na siya tumitingin sa akin. Parang ganito ang panaginip ko. Ang pagkakaiba nga lang, gabi at imbes na paakyat ng burol ay pababa kami ng hagdan. At imbes na magkahawak kami ng kamay ay magkatabi lang kaming naglalakad.

Hoy Tuod!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon