Aaaah! Hindi pa nga pala ako kumakain!
Dali-dali akong naghanda ng makakain. Pagkatapos, humiga na ako sa kama. Potek, hindi ako makatulog! Gulong dito… Gulong doon…
Ding! Dong!
Nag-ring ang doorbell namin. Eh?! Ang doorbell namin?!
Ding! Dong! Doorbell nga namin iyon. Sino naman kaya ‘to? Alas singko palang ng umaga. Ni hindi pa nga sumisikat ang araw. Hindi kaya magnanakaw?
Ungas! May magnanakaw bang nag-dodoorbell?
Lumapit ako sa gate. “Sino yan?” tanong ko. May hawak akong dos por dos. Mabuti nang handa… handa akong makipagbakbakan kung saka-sakali.
“Ton…” malumanay na sinabi ng taong nasa kabilang bahagi ng gate.
Nabitawan ko ang dos por dos. Pamilyar ang boses. Gulat na gulat ako nang makita kong ang taong iyon ay si Risa. Anong ginagawa niya dito??
“Oy, Risa?! Bakit nandito ka?” tanong ko. Nakayuko siya nang bahagya. Hindi siya sumasagot.
“’Diba malayo ang bahay niyo dito? Saka alas singko palang, ah?” dagdag ko. Tumingin siya sandali sa akin at pagkatapos ay yumukong muli. Hindi ko alam kung anong emosyon ang mayroon siya ngayon. Wala rin akong ideya kung bakit naririto siya ngayon sa harap ng bahay ko.
Hahawakan ko na sana siya sa parehong balikat para itanong kung may problema ba ngunit napatigil ako nang makita kong ngumiti siya, mala-anghel na ngiti, sabay hawak sa kamay ko. Ang lambot ng kamay niya. Ang sarap sa pakiramdam…
Teka! Ano ‘to, holding hands?!
Nagsimula siyang maglakad, tangan pa rin ang aking kamay, hinihila ako nang dahan-dahan. Gusto ko ulit siyang tanungin kung anong meron ngunit hindi ko na itinuloy sapagkat pakiramdam ko’y hindi naman siya sasagot. Nakatingin nalang ako sa kanya. Nauuna siya sa akin kaya hindi ko makita ang kanyang mukha. Tumitingin siya minsan sa akin nang panandalian ngunit hindi sa mga mata ko. Tila siya ay nahihiya... masigasig ngunit nahihiya.
Paakyat kami sa isang luntian at mahanging burol. Unti-unti nang sumisikat ang araw.
“Risa, bakit hindi mo ako matignan nang diretso sa mata?” panunukso ko.
Lumingon siya at sa wakas ay tumingin sa akin. Natigilan ako. Ang mga mata niya... Ganoong ganoon ang mga mata ng isang babaeng umiibig.
Ding! Dong! Ding! Dong! At nag-ring ang doorbell. Dafuq?! Kelan pa nagka-doorbell sa burol?
DING!! DONG!!
Nagising ako. Shit! Panaginip lang pala, shit! Pero parang totoo talaga ang panaginip na iyon. Parang nararamdaman ko pa rin ang kamay ni Risa sa kamay ko. Pambihira. Tanghali na pala! Ginawa ko ang lahat nang makakaya ko para ma-demagnetize ako sa kama ko.
“Nand’yan na!” sigaw ko. Hinayupak! Sino ba ‘to? Istorbo naman. Natutulog yung tao e. Lumapit ako at binuksan ang gate.
“ANAK KA NG TETENG, ANTONIO DELA PEÑA!!! REINCARNATION KA BA NG MANTIKA?! KUNG MAKATULOG KA, WAGAS E! NAMUMUTI NA ANG MATA KO KAKAHINTAY DITO!” sigaw ni Kaye habang pinapalo ako nang paulit-ulit sa balikat.
Nakalimutan ko na pupunta nga pala si Kaye at Robert sa bahay ngayong Sabado. Gusto kasi nitong si Kaye na mag-group study kami ngayon. Sa Lunes na kasi ang simula ng prelims week at kailangan ko raw pagbutihan kay Goliath. Oo nga pala, si Goliath. Pangalan palang niya, sira na araw ko. Ako lang ang tao sa bahay namin ngayon. May pinuntahan si mama, papa at ang kapatid kong babae kaya mapayapa kaming makakapag-aral.
Nananaginip pa rin kaya ako?
“Kaye... pakisuntok naman ako, oh.”
Agad namang nagtagpo ang kamao ni Kaye at ang mukha ko.
BOG!
“AAAW! Takte, ‘di ka naman galit niyan?” sabi ko. "Solid nung suntok na iyon ah. With feelings!"
“Buti nga sa’yo! Antukin!” sabi niya habang nakanguso at nakapamewang.
“Sorry na po! Oooy, tatawa na yan. Tatawa na yan.” tumawa nga siya. Tumingin ako sa likuran ni Kaye. “Nasa’n na si Robert?”
“Male-late lang daw nang kaunti. Maghilamos ka nga! Itsura mo, mukhang taong gubat. May panis na laway ka pa.” sinabi niya habang tumatawa.
Pinapasok ko na siya sa sala. Naghilamos lang ako saglit at nagpalit ng damit. Nagsimula na kaming mag-aral pagbalik ko. Nasa lamesita kami. Nakaupo siya sa tapat ko.
“Sorry sinuntok kita kanina. Ikaw kasi, ginusto mo rin e. Bakit nga ba nagpapasuntok ka? Para ba makaganti ako sa pagpapahintay mo sa'kin?” tanong niya.
“Daig mo pa lalake manuntok e. Wala ‘yon. Para masigurado ko lang na hindi ako nananaginip.” sagot ko. Nakakunot ang noo niya. Lito.
“Nanaginip kasi ako kanina...” sagot ko habang nagsusulat. “...parang totoo.”
“Ano bang napanaginipan mo?” tanong niya.
RRR! Kapag sinabi kong si Risa, matatadtad na naman ako ng pang-aasar. “Ah, wala lang ‘yon.” sagot ko.
“Hmmmmmmmmm?” nakangiting aso na siya. Nahulaan niya ata ang iniisip ko. Hindi maganda ‘to.
Sa sobrang curious niya, ang lapit na ng mukha niya sa akin. Tila hinahanap niya ang katotohanan sa pamamagitan ng pagbasa ng facial expression ko. Ngayon lang naging ganito kalapit ang mukha naming dalawa. Ang ganda nga pala talaga ni Kaye... Nang matanto ko ang sitwasyon naming iyon, nanlaki ang mata ko. Mukhang natanto rin ni Kaye sapagkat bigla siyang namula.
“Nakabukas ang gate kaya pumasok na ak—“ natigilan si Robert nang makita niyang magkalapit ang mukha namin ni Kaye.
Shit! Bad timing! Shit!
Pa'no na?!
to be continued...
(c) charm L.
BINABASA MO ANG
Hoy Tuod!
RomanceIstorya ng isang tuod na nagmahal sa mundo ng mga tuod. Ang tanong, bakit nagiging tuod ka kapag nariyan siya?