Natengga ako.
Nabalik nalang ako sa ulirat nang magpadala muli siya ng mensahe.
“Tutulog na ako, Ton ah. Goodnight!” sabay offline.
Shit. Alas dos na pala. Hindi na tuloy ako nakapaglaro! At inaantok na rin ako. Makatulog na nga lang.
Kinabukasan, pagtapak na pagtapak ko sa klasrum namin, nakatingin sa akin ang lahat ng kaklase ko at lahat sila ay pawang nakangiting-aso.
Nakabibingi ang katahimikan.
Shit. Anong meron? Ano na naman kaya ang nagawa ko?
Nababaliw na ata ‘tong mga ‘to.
May kinalaman kaya si Goliath dito?
Ano na?
“Nice one, Tonyboy!” Iyan ang mga katagang bumasag sa katahimikan. Si Kaye ‘yon. Girlfriend ni Robert. Kaklase ko na siya mula hayskul. Siya rin ang kasabay kong umuwi palagi dahil magkalapit lang ang aming bahay. Absent nga lang siya kahapon. Ewan ko kung bakit.
Nice one! Nice one! Nice one! Nice one! Nice one! Nice one! Nice one! Nice one!
Para silang mga palakang paulit ulit at sabay-sabay kumokokak.
Nakakunot ang noo ko. Umupo na ulit ako sa bandang likod. Anong nangyari sa mga ‘to? Bakit parang bigla ata akong sumikat?
Trip siguro ako ng mga ‘to. Malamang pakana ni Kaye ‘to. At nakikisakay naman 'tong si Robert. Mga gago talaga.
Risa pala ah! Risa pala ah! Risa pala ah! Risa pala ah! Risa pala ah! Risa pala ah!
Risa???
Napatingin ako kay Risa. Sa harap ulit siya nakaupo. Syempre nasa klasrum na siya. Hindi naman siya nale-late e. Maging siya ay sinasabihan ng mala- kokak na Ton pala ah. Sideview niya lang ang nakikita ko pero ngiti ata ang nakikita kong namumutawi sa kanyang mga labi?
Risa pala ah? Anong Risa pala ah? Anong Ton pala ah? Dahil ba sa magkatabi kami kahapon? Dahil ba sa matagal kaming magka-usap sa Thermo kahapon? Grabe naman yata. Paliwanag ninyo sa akin ‘to!
“Uy Kaye. Anong kalokohan ‘to?” tanong ko.
“Hindi mo ba nabasa?” nakangiting-aso pa rin siya.
“Ang alin?”
“Yung pinost ni Risa sa fb.”
“Pinost? Anong pinost? Kelan? Hindi ko nakita.” Nakakunot pa rin ang noo ko.
“Hindi mo talaga nakita?”
“Parang timang naman ‘to. Tignan mo ang mukha ko. Itong mukhang ito ba e mukhang nabasa yang sinasabi mo?”
Natawa siya.
“Kaninang umaga lang. Ang pinost niya doon, ganito…”
Hindi ko na kayang itago pa ang matagal ko nang nararamdaman kaya sasabihin ko na… Mahal kita, Anthony Dela Peña. :”>
“Watdapak?!” nabulalas ‘ko. Shit. Ang cheesy… ang cheesy naman nun masyado?
“Seryoso?” tanong ko.
“Oo kaya. May kinikilig na emoticon pa nga iyon sa dulo.” dagdag niya. “Gwapo mo, bui!” sabay batok sa akin.
Tumahimik na pagdating ng prof pagkatapos kong ulanin ng mga tanong gaya ng…
“Ano boy? Pasado ba siya sa’yo?” tanong ni Robert.
Yung iba naman,
“Ano Ton? Lugi ka ba niyan?”
“Nagkakatext ba kayo, Ton?”
“Girlfriend mo na, pre?”
Ngumiti lang ako sa unang dalawang tanong. Umiling naman ako sa dalawang huling tanong. Ano 'to? Hot seat?
Sa limang oras na nasa klasrum ako, lumulutang ang isip ko. Nakatingin ako kay Risa. Hindi niya naman mapapansing nakatingin ako sa kanya dahil nasa harapan nga siya at nasa likuran naman ako.
Mahal ako ni Risa? Seryoso? Bakit? Totoo kaya iyon? Kailan pa?
Depotek! Nakakapraning mag-isip. Pero hindi ko mapigilan e. Kung maaari lang buksan ang bungo ko at panandaliang alisin ang utak ko ay ginawa ko na sana.
Shit. Uwian na pala.
Nang paalis na ako ng klasrum ay tinawag ako ni Monica, matalik na kaibigan ni Risa.
“Ton, may Knock! Knock! raw si Risa.” sabi ni Monica.
Nagkantyawan ang mga kamag-aral ko.
Shit! anong gagawin 'ko? Tatanungin ko ba kung anong Knock! Knock! niya? Hihintayin ko nalang ba na mag Knock! Knock! siya? Ngingiti ba ako? O poker face lang dapat?
“Knock! Knock!” sabi ni Risa.
“Who’s there?” awtomatikong naisagot ko.
Tapos ayaw na niyang ituloy. Ngumingiti nalang siya.
“Ituloy mo na.” sabi ko.
“Si Monica kasi e.” Nakangiti siyang tumingin kay Monica. Mukhang di na niya itutuloy. Dahil kaya nahihiya na siya sa akin? Dahil kaya sa totoong gusto niya ako?
“Sige, aalis na ako ah.” nasabi ko. Sa totoo lang, tila hindi ko na siya matignan nang matagal. Hindi katulad dati na wala lang akong pakialam. Na wala lang epekto sa akin ang presensya niya.
Potek. Ang babaw ko.
POTEKKKKK!
to be continued...
(c) charm L.
BINABASA MO ANG
Hoy Tuod!
RomanceIstorya ng isang tuod na nagmahal sa mundo ng mga tuod. Ang tanong, bakit nagiging tuod ka kapag nariyan siya?