Naiwan ko ang wallet ko!!!
Puro barya nalang pa naman ang perang meron ako ngayon dito sa bag ko. Kasya lang na pamasahe ko pauwi. Pa’no na ‘to?
“Ton, tara?” boses ni Risa iyon. Ahhh! Pa’no na?
“Tara!” isinagot ko habang nakangiti. Hindi naman pwedeng magback out ako ngayon dahil nakakahiya naman kay Risa. Pero hindi rin naman ako makakapayag na siya ang magbayad ng kakainin namin.
“May problema ba?” pagtataka ni Risa.
“Ah, wala ah.” pagtanggi ko. “Risa, sandali lang ah. Kita nalang tayo sa pavillion, may asikasuhin lang ako sandaling sandali lang ‘to.”
Pumayag siya at nauna na. Agad kong kinausap ang lovebirds. Pinaliwanag ko sa kanila ang sitwasyon. Pinahiram muna ako ni Kaye ng 500. Nasa dorm kasi ang pera ni Robert.
“Salamat, Kaye a. Babayaran ko agad bukas. Salamat talaga. Savior!” Yayakapin ko na sana si Kaye nang humarang si Robert.
“Ooops, dadaan ka muna sa bangkay ko.” sabi ni Robert habang nakapwesto na parang bouncer.
Sinuntok ko siya nang mahina sa tiyan. “Eto naman, nagbibiro lang e.”
Nagtawanan kami.
“Osya! Puntahan mo na si Risa. Baka naiinip na iyon. Babae, pinaghihintay mo. Ungas talaga!” sabi ni Kaye.
Ah! Kailangan ko na ngang bilisan! “Sige a! Una na ako! Ingat kayo!”
“Goodluck, brad.” kindat ni Robert.
Nasa pav nga si Risa. Sabay na kaming pumunta sa Ice Monster sa loob ng unibersidad namin. Kumain na kami. Medyo kinakabahan ako dahil ito ang unang beses na makakasama ko nang matagal si Risa. Pero syempre hindi ko ipinapahalata. Cool lang. Kahit sa personal, nakakawili pa rin siyang kausap. Hindi ko mabilang kung ilang beses kaming tumawa. Magiging ganito kasaya ang buhay kong kasama si Risa.
“Alam mo Risa, ano ka eh, *blank* “
“Ano yun?” tanong niya.
“Adjective ko para sa 'yo.”
“Clue naman diyan.”
“Nagsisimula sa F, nagtatapos sa -ing, 11-letter-word.”
“Hirap naman niyan?! Siguro masama yan kaya ayaw mong sabihin? Awww, ang sakit naman. Wala na, malungkot na ako.” biro niya.
“Anong lungkot lungkot pinagsasabi mo diyan, basta, sikreto lang iyon.” biro ko.
“Aba, hindi gumana ang guilt trip. Sige, subukan ko ang trade. Ikaw naman ay *blank blank*. “
Magaling na technique a! Nacurious ako dun. ‘Yang blank blank na yang ang tingin ni Risa sa akin. Hmm...
“Hindi ba ako lugi diyan? Baka naman bad words lang 'yan?” tanong ko.
“Hindi ah. Two words yan, hindi ka lugi dyan. Saka it rhymes with rainbows and butterflies.” sabi niya.
“Pag sinabi ko kung ano yung word ko, sasabihin mo ‘yang sa’yo?”
“Oo naman! Deal?” nakangiti niyang sinabi.
BINABASA MO ANG
Hoy Tuod!
RomanceIstorya ng isang tuod na nagmahal sa mundo ng mga tuod. Ang tanong, bakit nagiging tuod ka kapag nariyan siya?