Kabanata IV. Walang Kapararakan

34 0 0
                                    

         Potek. Ang babaw ko.

         Paglabas ko ng klasrum, hinihintay pala ako ng love birds na si Kaye at Robert. Akala ko nauna na sila. Syempre, inaasar nila akong dalawa. Hindi ako makapalag kasi kinocombo nila ako e. Dapat chill lang. Dapat mukhang hindi ako apektado.

         Chill, Ton, chill.

         Sasakay na pala kami sa bus ni Kaye. Gaya ng sinabi ko, magkasabay kami palagi ni Kaye umuwi kapag wala silang date ni Robert at kung agad naman din akong uuwi. Nagdo-dorm kasi si Robert sa isang street malapit sa unibersidad na pinapasukan namin kaya hanggang sa sakayan niya lang madalas naihahatid si Kaye. At dahil sanggang dikit naman kami ni Robert, masaya siya na may nakakasabay umuwi si Kaye.

         Pagkatapos niyang yakapin si Kaye,

         “Sige brad, ingatan mo yang hon ko ah…” sabay hawak sa balikat ko at bumulong. ‘Pag may nangyaring masama diyan, uupakan kita.”

         “Oo naman, brad!” sabay sinuntok ko siya nang mahina sa tiyan. “Makakaasa ka.” Kumindat ako.

         Ngumiti si Robert. “Bye, hon!” masigasig niyang sinabi kay Kaye. Pero sandali, ano iyon? Lungkot… lungkot ng pangungulila ba ang nakikita kong pinahihiwatig ng mga mata ni Robert? Tangina. Ang cheesy niya. Uso mga cheesy ngayon ah. Gusto ko sanang pabirong sabihin kay Robert na nasusuka na ako sa kakornihan niya pero pinigilan ko ang aking sarili. Ayokong sirain ang moment.

         “Bye rin, hon…” matamlay na sagot ni Kaye.

         Nagsimula nang umandar ang bus.

         “Oy Kaye, bakit parang may sakit ka yata?”

         “Ha? Bakit naman?”

         “Ang tamlay kasi ng pagba-bye mo kay Robert.”

         “Hindi naman ah?”

         “Sus. Halata naman. May sakit ka ba kaya ka rin umabsent kakahapon? O baka mamimiss niyo lang agad ang isa’t isa dahil uwian na? O kaya… ‘Wag mong sabihin sa akin na nag-away kayo? Para saan pa na nireto ko si Robert sa iyo noon kung ganyang nag-aaway lang kayo? Pfffft…” madrama kong sinabi na may kahalo pang mala-best actor na pekeng pag-iyak.

         “Gago!” binatukan niya ako. “Imahinasyon mo lang iyan! Porket Risa ka lang!”

         Buong biyahe namin inaasar niya ako kay Risa pati kay Goliath na nabalitaan niya raw kay Robert. Hindi ko mabilang kung ilang beses niya akong binatukan. Sadista talaga ‘tong si Kaye. Lagi akong sinasadista. Pero may mga sandaling bigla nalang siyang tumatahimik at tila may malalim na iniisip. May problema nga siguro siya. Ayoko nalang muna ulit itanong.

         Pagkauwi ko ng bahay, dali-dali akong nag-online. Mamaya nalang ako maghahapunan. Gusto ko kasing makita kung totoo ang post na iyon.

         Click… Click… Scroll… Scroll…

         Shit.

         Totoo nga. Tama nga ang sinabi ni Kaye. At naka-tag pa ako. Maraming likes at comments. Nag-comment din doon si Risa at hindi naman niya itinanggi.

         Totoo nga.

         Bakla na kung bakla pero... kinilig ako.

         Tangina! Pakiramdam ko gumagawa ako ng kasalanan sa sarili ko. Ako? Kinilig?? Kay Risa?

         Clungk!

         Si Risa muli iyon.

         “Ton, si Monica nagpost nun ah. Nabuksan niya kasi ang account ko.”

         Ano?! Hindi ikaw?!

         Shit... Bakit ganito... bakit parang nalungkot ako?

         “Hahaha! Lakas trip ni Monica ah. Naiinis ka siguro?” naisagot ko.

         “Hindi. Hindi naman ako madaling mainis.” sagot niya.

         Sana dinelete mo nalang agad.

         “Sabi ni Monica, hindi niya raw yun idedelete hangga’t hindi raw ako ang magdedelete.” dagdag niya.

         Shit. Sakto sagot niya sa inisip ko ah. ESP to... ESP...

         “Hahaha! Ba’t di mo dinelete agad?” tanong ko.

         “Hindi ko ma-delete e.”

         Hindi mo madelete? Ano yan, technical problem? Madali lang naman magdelete ng sariling post.

         Ay potek. Bakit nga pala ginagawa ko ‘tong big deal. Wala lang ‘to... Wala lang.

         “Kumusta ka naman niyan?” aniya.

         “Eto, biglang sikat sa klasrum! Hahaha!” biro ko.

         “HAHA! E sikat kasi ako eh.” biro niya.

         Tapos ‘yon, ang dami na ulit naming napag-usapan. Mga walang kapararakang mga bagay-bagay. Mga asaran. Kung ano-ano. Grabe, ang tindi ng sense of humor niya. Hindi ko na naman namalayan na alas tres na pala nang matapos kaming mag-usap.

         AAAAAAH! Hindi pa nga pala ako kumakain!

         RRRRRRRRRRRR!!!

to be continued...

(c) charm L.

Hoy Tuod!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon