Kabanata VII. Ang mga Nakaraan

22 1 0
                                    

          May isang babae. Dati hindi naman kami nag-uusap. Ni hindi nga kami naging magkagrupo sa kahit ano. Ni hindi ko napapansin ‘pag nakakasalubong ko siya sa kung saan man. Ni hindi ko siya naiisip tuwing nasa klasrum kami. Araw-araw ko man siyang makita sa unibersidad ay wala lang sa akin. Normal lang. Hanggang sa isang araw nang tumingin ako sakanya, may weirdo akong naramdaman at nanikip ang dibdib ko. Mula noon nagsimula na akong mabahala sa itsura ng uniporme ko, sa ayos ng buhok ko… At pagkatapos, gusto ko siyang… gusto ko siyang halikan. Pa’no niya nagawa iyon?

          Shit. May tama na yata ako kay Risa. Shit.

          Kung iisipin, parang close na close na kami ni Risa. Pagsapit ng alas-dose palagi na kaming magkachat. Gabi-gabi iyon, walang palya. Hanggang madaling araw. Nagtataka na lang ako kung bakit hindi kami nauubusan ng pag-uusapan. Tuloy-tuloy lang ang daloy ng mga pag-uusap namin. No sweat.

          Siya ang palaging nauunang mag-mensahe. Ayaw ko rin kasing maunang i-chat siya dahil baka wala siya sa mood makipag-usap at baka rin kasi isipin niyang may gusto ako sa kanya kahit totoo naman. Gusto kong siya ang mauna para masiguro kong gusto niyang makipag-usap kaya kapag online na kaming dalawa, nagdadasal na ako sa lahat ng santo na sana ay kausapin niya ako na agad namang natutupad. Ang lakas ko talaga kay Lord.

          Ang dami na nga naming alam sa isa’t isa gaya ng ang layo pala ng bahay niya mula sa amin ngunit kung mula sa paaralan ay kalahati lamang ng tagal ng biyahe ko. Nalaman ko rin na mahilig pala siya sa aso, sa ice cream lalo na yung vanilla ice cream, sa Sherlock series gaya ko. Nalaman ko rin na doktor pala ang tatay niya at accountant naman ang kanyang ina. Mayroon siyang isang nakababatang kapatid, si Regine. Pareho ang kurso at paaralan ni Regine sa amin, mababang batch nga lang. Kamukha niya ang kanyang tatay lalo na sa mata. Sa nanay niya naman namana ang ilong niya. Hindi niya kamukha ang kapatid niya. Mas maganda siya sa kanyang kapatid. Hindi ako bias. Mas maganda talaga siya sa kapatid niya. Hindi sila magkamukha. Ang layo. Ampon siguro kapatid niya. JK.

          Sa kabila ng lahat, sa personal, hindi kami nagpapansinan. Malayo nga kasi ang upuan namin sa isa't isa. Saka ewan, nahihiya ako sa kanya. Saka 'pag nakita kami ng mga kaklase namin na nag-uusap, matatadtad na naman kami ng pang-aasar kaya siguro nagiging awkward magsimula ng usapan. Pero kinakausap niya ako kapag malayo ako kina Robert at Kaye. Kinakausap ko rin siya kapag hindi niya kasama ang mga kaibigan niya. At naiinis ako kapag may sumisingit sa tuwing nag-uusap kami. Alam mo 'yong minsan na nga lang kami makapag-usap, may sisingit pa! Yung totoo? May invisible na balat ba ako sa pwet?!

           Simula nang matanto ko na gusto ko si Risa, palagi nalang naninikip ang dibdib ko. Hindi ako makahinga. Nanghihinayang ako kasi bibihira ang pagkakataong nakakausap ko siya sa klasrum. Kung magkaroon man ng pagkakataon, madalas na nasasayang ko lang dahil inuunahan ako ng kaba. Saka palagi kong naiisip na baka kapag kinausap ko siya, isipin niya na gusto ko siya kahit nga talagang totoo naman. Ang paranoid ko, 'Nyeta!

          Napagkwentuhan  din namin minsan ang mga kaibigan niya. Isa sa mga iyon ay ang nilalang na nagngangalang Paulo, nagaaral din daw ito sa parehong unibersidad na pinapasukan namin ngunit ibang kurso kaya nasa ibang gusali ang Paulo na ito.

          “Multilinguist iyon si Paulo saka papunta punta nalang siya sa ibang bansa. Nakakainggit nga e hahaha,” pagbabahagi ni Risa.

          “Nakakainggit nga gusto ko rin mag-around the world. Ba’t di ka sumama sa kanya minsan?” biro ko.Please 'wag kang sasama sa Paulo na yan!

          “Hmmm… sa palagay ko, hindi magandang ideya iyon.” Ini-reply ni Risa.

          Oh yesssssssss!

Hoy Tuod!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon