#4//: Unexpected Date

4.5K 82 3
                                    

#4//: Unexpected Date

OUR DEAR ONEW LEE ON THE UPPER SIDE.

. . . Chazii POV . . .

"Oh Noona aga mo nagising ah..." Bati ni Junki oppa saken pagbaba ko galing kwarto. Iba may cream pa sa mukha niya. Wala yata siyang lakad ngayon. Nakapambahay lang siya eh.

Junki oppa is my older brother... at kami lang dalawa ang nakatira dito sa bahay niya since ang Mama at Papa ay nasa ibang bansa na namamalagi.

"=______=" Dumiretso ako sa table para mag-almusal na.

"Ang snob talaga ng Noona ko..." Pabebe nitong sabi saka nagkunyareng umiiyak.

Mas matanda yan sa akin huh. Pero kung umarte... tsk isip bata. Saka trip lang talaga ako tawaging noona niyan kasi mas mukha daw akong mas matanda. Wow huh. [noona= ate].

"Saan lakad mo? Sunday ngayon ah.. wala kayong pasok.." Sabi nalang nito ng hindi ko siya pansinin sa pag-iiyak-iyakan niya.

"Alam ko =_____=". Alam kong walang pasok tuwing linggo nu. Kumuha ako ng pancake saka magbuhos ng strawberry syrup. Ang paborito kong strawberry.

"Oh bakit aga mo nagising at nakapang-alis ka pa? Don't tell me may boyfriend ka na?!" Nanlalaking matang tanong nito.

"Tsk. Si Sarah ... =_____=" Sagot ko nalang dito. Kilala nito syempre si Sarah.

"Oh anong mayroon kay Sarah? Si Sarah ang boyfriend mo?! Teka tomboy na ba si Sarah?!" Umupo na rin ito saka kumuha ng pancake na niluto niya. Kaso ayaw niyan ng strawberry kaya walang syrup ang kanya.

"Tss.... =______=" May cream pa ang mukha pero kakain na siya? Kadiri talaga ito.

"Sabi ko nga di na kita kukulitin." Tumungo nalang ito saka kumain. Bakit kasi ang daldal ni Oppa? Nakakainis lang.

Dahilan bakit ako maaga nagising? Kasi pinilit ako ni Sarah na magsimba kami para daw magbawas ng kasalanan.... tigating ee nu. Nagdrama pa yan saken sa text kagabi. Tsk.

"Chaaaa!!!!" Speaking andiyan na siya. Si Sarah patatas. Tumatakbo palapit sa akin. Akala mo laging nasa maraton ang isang iyan eh. Takbo ng takbo.

"=______=" Tinignan ko lang siya saka nagpatuloy sa pagkain.

"Good morning besplen!" Bati nito saken.

"=______=" Tinanguan ko lang siya. At sumubo ulit. Sanay na naman sila saken.Silent treatment.

"Oppa alis na kami =_____=" Paalam ko kay Oppa pagtapos ko kumain. Nasa sala siya ngayon nanunuod ng NBA. Maka-Lakers iyan. Idol si Kobe Bryant. Ako naman Spurs. Tim Duncan orayt!

"Geh ingat kayo. Sarah ikaw na bahala sa bakulaw kong Noona huh." Sabi ni Oppa sabay halik sa noo namin ni Sarah.

Bakulaw ba ako ? =_____=

"Sure thing Oppa!" Nakasalute na sabi ni Sarah. Tsk. High pitch palagi! Nakakagulat hindi pa ako binge ngayon.

Since walang dalang sasakyan si Sarah which is ung bike niya kaya naglakad nalang kami papuntang sakayan ng jeep. Si Sarah maalam sa pupuntahan kaya sya na bahala sa lahat. Pati pamasahe ko kasi siya naman nagyaya. Ang layo pa kasi ng gustong simbahan. Eh may cathedral naman dito sa subdivision namin.

"Manong para po!" Sigaw ni Sarah kaya naman agaw eksena na naman siya sa loob ng jeep. Hindi talaga ito na-train na hinaan ang boses kahit minsan lang.

Pagbaba ay nasa harap na kami ng Simbahan. Ang bilis namin makarating ng simbahan nu? Pinalipad namin ung jeep ee.

Pagpasok ng simbahan sa may likod na kami naupo kasi tinatamad kaming maglakad papuntang harap XD Nagsisimula na magsermon ang pari nun. Amen. Medyo umisod ako dahil may naupo sa tabi ko. Hindi naman nagtagal ay hawak kamay portion na. Ito ang pagkanta ng ama namin ng mga katoliko tulad namin ni Sarah.

SILENT QUEEN Book1: PRETEND (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon