#53//: Young Master

602 6 0
                                    

#53//: Young Master

. . . Minhyun POV . . .

Napabangon ako mula sa pagkakatulog ko dahil sa panaginip na naman na iyon. Napahawak ako sa dibdib ko. Nakahinga ako ng maluwag ng wala akong makapa na kahit ano doon. Simula ng magising ako, lagi ko na napapanaginipan ito. Iyong balang bumaon sa dibdib ko. Aiyong babaeng nagbaon ng bala na iyon sa dibdib ko... si...

"Minhyun..."

Nilingon ko ang nakasilip sa may pintuan ng kwarto ko. Si Quel. Adopted ng mga Hwang at ngayon ay isa na sa pinagkakatiwalaan ni Grandpa.

"What?" Bored na tanong ko dito.

"Its time for your therapy."

"Tsk." Hinayaan ko nalang siya ng papasukin niya iyong mga private PT na kinuha ni Eomma para saken.

I don't have any idea bakit paggising ko andito na ako sa Seoul. Ang huling natandaan ko kasama ko si Eoreum palabas ng tower. At... ang pagyakap ko sa kanya dahil gusto ko ilayo ang bala ng baril na nakaamba sa kanya.

Napahawak ako sa arm rest ng inuupuan ko. Isa pa sa nagpadagdag ng frustration ko is iyong wheelchair na ito. Yes. Hindi ko na magawang makalakad. Wala akong nararamdaman sa lower part ng katawan ko. Kaya naman nagtake ako ng physical therapy ngayon.

Matapos ng one hour session ko ay umalis na rin ang mga therapist. Muli akong naiwan mag-isa sa kwartong ito. Shit! Para akong preso dito. Wala rin akong way para makakontak sa labas. I really miss her. Gusto ko na siya kausapin. Pero bantay sarado ako dito.

Ano ba talagang nangyari?? Tinignan ko ang digital calendar sa wall ko. Magdadalawang buwan na ang nakalipas. Ibig sabihin mahigit isang buwan rin akong walang malay. Recent lang kasi ako nagising. At dito na mismo sa kwarto na ito ako nagkamalay.

"Young Master... do you need anything?" Si Butler San iyan na oras-oras ay tinatanong ako ng ganyang tanong.

"Butler... any news about her?"

"Im sorry... I don't have any news about Miss Chazii."" Nakayukong sabi ni Butler.

Naikuyom ko ang kamao ko. Alam ko na hinaharangan nila si Butler sa lahat ng iutos ko. Hindi ko rin naman makuhang magalit kay Butlers San dahil sumusunod lang naman ito sa mas matataas na membro ng pamilya namin.

Napabuntong hininga nalang ako. Kailangan ko na gumaling agad. Walang mangyayari kung magtatagal pa ako sa ganitong kalagayan. Hindi ko alam pero hindi ako mapakali dahil sa panaginip na iyon... paulit-ulit na panaginip. Na may mangyayaring masama sa Eoreum ko. Tuwing maiisip ko iyon ay nangangati na ang paa ko na bumalik sa Pilipinas.

Hindi nagtagal ay pumasok si Red sa kwarto ko. Madalas iyan tumambay dito. Pero wala naman akong napapala sa kanya dahil wala rin naman siyang maibigay na balita saken sa Eoreum ko. Iniwan na kami ni Butler matapos nitong sabihin saken ang pinapasabi ni Grandpa.

"Whats up Bro?" Nakangiting sabi nito.

"Tsk." Pagsusungit ko. Inikot ko ang wheelchair ko paharap sa veranda ng kwarto ko. Kailan ba ako makakalakad ulit?? Naiinis na ako sa mga paa na ito!

"Minhyun." Tawag nito saken.

Napalingon naman ako. Bigla kasing sumeryoso ang boses nito. At talagang seryoso ito kapag tinawag niya na ako sa pangalan ko.

"What is it?"

Bumuntong-hininga muna ito at mukhang nahihirapan sa sasabihin nito.

"F*ck! Cut it out! Stop making me nervous! What is it?"

SILENT QUEEN Book1: PRETEND (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon