#44//: THE HATRED
. . . Chazii POV . . .
"Noona nakausap ko na sina Tita. Nagpaalam daw si Diane na magbabakasyon daw muna for a month. Iyon daw ang message sa kanila ng pinsan mo." Sabi saken ni Oppa.
"Sa tingin mo totoo ang message na iyon?" Tanong ko kay Oppa.
"Sa palagay ko Oo. Kasi kung hawak na si Diane ng taong iyon, bakit pa mag-aaksaya ng panahon ang mga iyon na imensahe ang magulang ni Diane." Umupo ito sa may sofa saka tinignan ang mga kahon ng death threat namin. "O maari rin naman nakuha nga siya at nakagawa lang ng paraan para siya mismo ang magmensahe sa magulang niya. Alam mo naman na maabilidad ang pinsan mo."
Nag-aalala ako sa kanya. Pero kahit anong pag-iimbestiga namin ni Oppa hindi namin malaman kung sino ang gumugulo sa amin. I really feel frustrated now.
Halos dalawang linggo na nawawala si Diane. Pero hindi ako susuko. Malalaman ko rin kung sino ka. At oras lang na may ginawa siyang masama kay Diane. Ako mismo ang dudurog sa kanya. Pero bakit hindi na siya nagpaparamdam ulit? Ang huli niyang ginawa ay iyong sa Christmas Eve. Iyong bomba. Ano na naman kaya ang plano niya?
"Good Morning!"
Napatingin kami ni Oppa sa bigla nalang pumasok sa bahay namin. Si Hansel. Pareho kami ni Oppa na nanatili lang na nakatingin sa kanya. Bigla nalang kasi eeksena.
"Hey. I knocked thrice. Pero hindi niyo yata naririnig so pumasok na ako. Okay lang naman di ba?" Tanong nito saka nagpa-cute.
"Ah yeah. Okay lang. Napadalaw ka bro?" Tanong ni Oppa dito habang nakangiti.
"Sasabay ko na sana sa pagpasok si Girlfriend. Tara na." Kinindatan pa ako nito. Euw.
"Hahaha. Oh sige. Umalis na kayo. Mahuli ka na sa klase Noona." Sabi ni Oppa.
Tumango nalang ako. Humalik ako sa pisnge ni Oppa. At ang lokong si Hansel humalik rin sa pisnge ni Oppa. Pareho nga kaming nagulat ni Oppa eh. Adik na to.
"Sige alis na kami Bro." Nakangiti nitong paalam at sabay akbay saken palabas ng bahay.
Nagulat pa ako kasi paglabas namin nakita ko siya. Si Gwapo na nakatingin sa amin. Blangko lang itong nakatingin sa amin. Andun siya sa harap ng bahay na inupuhan nila ni Hansel. Diyan parin ba siya titira?
"Honey! Ito ba iyon?" Napatingin ako sa babaeng lumabas ng bahay na iyon na may dalang maliit na kahon na kulay velvet.
Nilingon ito ni Minhyun. Ngumiti ito kay Clarisse. Paglapit ng babae ay agad niya itong inakbayan. May sinabi ito pero hindi ko alam kung ano. Saglit pa silang tumingin sa akin saka sila sumakay ng motor na minamaneho ni Gwapo.
Nakita ko ang pagyakap ni Clarisse kay Gwapo at ang pagsandal nito sa likod ng huli. Marunong pala magmotor si Gwapo? Ni hindi ko man lang alam. Sa gilid namin dumaan ang motor nila. Parang hangin na dumaan sa amin. Ganun pa man naramdaman ko ang presensya niya.
"Okay ka lang? Natulala ka na? Mahal mo pa?" Pang-aasar saken ni Hansel sabay hinigpitan ang akbay saken. "Sabi ko naman kasi sayo na ako nalang eh! Mas gwapo ako dun."
"G*go. Alis nga =______=" Ang yabang.
Tinapon ko nga palayo ang kamay niya at naglakad na papunta sa school. Akala ko naman may sasakyan kasi ang lakas ng loob sabihin kanina kay Oppa na isasabay na daw niya ako. Hay naku mas autistic yata ito kaysa kay Gwapo eh.
Pagdating namin sa may gate ng school ay hinarang kami ng dalawang Guard. Hindi daw pwede pumasok si Hansel kasi wala naman daw siyang business sa loob. Ang ending pina-ban daw ni Gwapo si Hansel.
BINABASA MO ANG
SILENT QUEEN Book1: PRETEND (COMPLETE)
Teen FictionAuthor: KuyaKingboo / MisauthorILHCA Works: Silent Queen Book 1: His Girl / Silent Queen Book 2: Dark World / Can't Get over you / Zofhy Bitch Silent Queen Book 1: His girl by KuyaKingboo Warning: Do not duplicate or reproduce this story in other si...