#30//: New Friend, New Antagonist
. . . Chazii POV . . .
"Sayang di ko nakita paano magwala si Maria!" Natutuwang sabi ni Rouke habang tuloy ang pang-aasar kay Luisa.
"Tse ! Mabuti nga wala ka dun eh. Hindi pumangit yung party ni Cha!" Inis na sabi ni Luisa dito.
"Saan ka nga pala galing at after ng math camp ay naglaho ka?" Tanong ni Ange kay Rouke.
"Ilang araw ka ring absent ah. Nag-aalala kaya si Lola sayo." Sabi naman ni Sarah.
"Ang kapal huh. Hindi kaya!" Deny naman ni Luisa sabay nagmake face.
"Naku Maria kung pwede lang sana kita isama doon kaso important business iyon eh. Hahaha." Mabiro nitong sabi saka kinidatan si Luisa. "Saka Maria ang dami ko namang pictures sa cellphone mo eh. Tignan mo lang iyon para di mo ako ma-miss. O kaya kapag sobrang miss mo na ako pwede mo naman ako tawagan anytime."
"Hoy lalaki ang kapal rin ng---"
"Hala Luisa madami kang picture ni Rouke?!" Maja at Sarah.
"Hindi kaya---"
Hindi na natapos ni Luisa ang sasabihin niya kasi hinabblot ng dalawa ang cellphone niya saka pinakilaman. "Oh my! May solo album talaga si Rouke?! Kayo na ba?!"
"H-hindi. Akin na iyan..." Pilit inaagaw ni Luisa ang phone niya kina Maja.
"Haha. See? Dead na Dead saken ang friend niyo." Mayabang naman na litanya ni Rouke.
"Lol! Ikaw lalaki ka! Nagpasa ka na naman ng pictures mo sa cellphone ko?! Ang kapal talaga!" Pinaghahampas nito si Rouke ng libro namin sa Math.
"Pero bakit ka nga nawala ng ilang araw? Anong business naman pinagkaabalahan mo huh Rouke?" Patuloy na usisa ni Sarah.
"Hayan na si Ma'am!" Si Rouke na umupo na sa pwesto nito. Hindi pa rin mawala sa mukha nito ang pang-aasar kay Luisa.
Nagbalikan na rin naman iyong mga classmate namin sa pwesto nila. Si Sarah nakaupo sa tabi ko kasi absent iyong seatmate ko. Alam niyo naman iyan. Sipsip saken. Laging nakadikit.
"Parang may tinatago si Rouke. Hehe ang mga ganyang galawan ay alam na alam ko na. Baka isusurprise niya ang Lola natin hahaha." Kinikilig na sabi ni Sarah.
"=________=" Ewan.
Discuss dito. Discuss doon. And viola tapos na ang Science period namin.
"Okay class tomorrow were going to have a quiz... good day." Lumabas na rin agad ang Adviser namin matapos ang walang kapaguran niyang tumalak sa harap tungkol sa FORCE... KENITIC ENERGY... BLAHBLAH...
Boring ang klase ko kaya dismiss na agad. Siguro kasi walang makulit sa likod ko. Kaya boring. Nasanay na yata ako na may nangugulit lagi saken lalo na sa Math subject. At as usual hindi ko alam saan nagtungo ang magaling na lalaking iyon.
"Tara na kain na tayo " Yaya ni Ange na atat na naman kumain.
"My labs easy okay. You really love eating huh." Natatawang pinisil ni Baekho ang ilong ni Ange.
"Seksi pa rin naman ako ehh. Teka bakit wala si Prince Minhyun huh my labs?" Tanong ni Ange. Pasimple naman akong nakinig. Curious lang rin ako nasaan si Gwapo.
"Ahh. He is just handling something important." Sagot ni Baekho sabay kamot sa baba niya.
"My labs may tinatago ka ba?" Naghihinala na sabi ni Ange sabay naningkit ang mata.
BINABASA MO ANG
SILENT QUEEN Book1: PRETEND (COMPLETE)
Teen FictionAuthor: KuyaKingboo / MisauthorILHCA Works: Silent Queen Book 1: His Girl / Silent Queen Book 2: Dark World / Can't Get over you / Zofhy Bitch Silent Queen Book 1: His girl by KuyaKingboo Warning: Do not duplicate or reproduce this story in other si...