#55//: Their Resolves

892 9 1
                                    

#55//: Their Resolves

. . . Sarah POV . . .

"Hep Hep! San kayo pupunta?" Harang ko kina Cha at Leader ng makita kong lalabas sila ng bahay.

Syempre nakabantay ako ng bongga sa kanila. At kung ano-anong bagay na nga ang pinaggagawa at pinagsasabi ko para paghiwalayin sila pero no effect yata.

"You're being a nuisance." Iritableng sita saken ni Leader.

Nag-chin up naman ako at pinakita na hindi ako naiintimidate sa kanya. "Hello. Guardian here. At bilang Guardian ng besplen ko kailangan magpaalam muna kayo saken kung aalis kayo. At syempre depende kung papayagan ko kayo or hindi."

Pero nakakaiyak nilagpasan lang nila ako. Kaya naman humabol ako sa kanila. Pagsakay nila Cha at Leader doon sa likod ng sasakyan, dali-dali rin akong sumakay sa harap katabi ng driver. Nagulat pa nga sila sa ginawa ko eh.

"What are you doing?" Leader

"Sasama ako. Kailangan kasama ako para payagan ko si Cha na lumabas." Nakanguso kong sabi saka nilingon si teka hindi na si Butler San ang driver? "Hello po." Bati ko nalang doon sa Driver. Tumango lang ito. Ay sungit. Mabuti pa si Butler San mabait.

"Eoreum can we drop by sa condo ko?" Narinig kong tanong ni Leader kay Cha.

Nakita ko naman tumango si Cha. Kaya naman nilingon ko silang dalawa. At kyahhhh--- este grrr nakaakbay talaga si Leader kay Cha at si Cha nakasandal naman sa braso ni leader. Jusko kinikilig este kinakabahan na ako. Masyado silang close!

"Hey what the hell are you doing?" Gulat na react ni Leader sa ginawa ko.

"Hehehe." Nag-V sign naman ako kay Leader saka yumakap kay Cha. Mission success napaghiwalay ko sila. Andito na ako nakaupo sa gitna nila. Lumipat lang namab ako. "Cha gusto kong mag-shopping mamaya. Samahan mo naman ako." Nagpuppy eyes pa ako.

"Hindi ako pwede. May date kami ni Gwapo. =_____=" Tagustagusan nitong pagtanggi saken.

"Tsk. Can you go back in the front seat now?" Annoyed pang sabi ni Leader.

Nag-cross arm naman ako. "No." Nakasuper pout na ako ngayon saka sinamaan ng tingin si Cha. Grabe. Napahiya ako sa pagtanggi niya saken.

So nakarating na kami sa condo ni Leader at syempre sumama rin ako. Kung nasan si Cha andun ako. At pinipilt kong hadlangan ang paglalandian nila. Pati pang nagsimula silang mag-usap sumisingit ako at iniiba ang topic.

Pagdating namin sa may resthouse nila Leader sa may probinsya ay hindi pa rin ako humiwalay kay Cha. Syempre wala silang magawa kasi matigas ito. Kahit dama ko na ang milyon milyong boltahe ng kuryente na pinupukol saken ni Leader, hindi pa rin ako nagpaawat.

"What?! Can't you give us some space? Were going to have a picnic date. Just for the two of us." Leader.

Kumapit naman ako sa braso ni Cha. "Cha oh. Sinisigawan ako ni Leader. Points down. Hindi Ideal na boyfriend. Lets go home na." Nakanguso kong sabi.

Napa-face palm naman si Leader. "Really? Tsk. You acting strange this past two days."

Napabuntong-hininga naman ako. Hindi ko nalang pinansin ang comment ni Leader. Kaya hayun sa picnic nila wala silang nagawa dahil kasama ako. At alam niyo iyong atmosphere namin habang nagpipikinik? Awkward. Kasalanan ko ba? Sigh.

Dahil wala naman nag-enjoy sa picnic kaya bumalik na rin lang kami sa rest house. Nagpaalam pa muna ako kay Cha na mag-CR ako dahil sumakit ang tiyan ko sa kakakain. Siguro ang tagal ko rin sa CR dahil sa ritwal na ginawa ko. Paglabas ko ng CR hinanap ko si Cha.

SILENT QUEEN Book1: PRETEND (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon