#20//: Math Camp Pt.2

2.2K 26 7
                                    

#20//: Math Camp Pt.2

SEE OUR ENERGETIC PRESIDENT KAREN ON THE TOP.

. . . Chazii POV . . .

Mahaba-haba rin ang byahe namin. Plano ko nga matulog sa byahe kaso hindi ko nagawa dahil sa mga nakapalibot sa akin! Si Gwapo na walang ibang ginawa kundi mangulit, manantsing, at magpaka-engot sa mga nadadaanan namin. Idagdag pa si Sarah sa likod namin na nagconcert to the max! Tsk.

Ngayon andito na kami sa camp site. Bagong camp site na naman pala. Parang gubat na itong pinuntahan namin ngayon. Gubat na pala talaga. Somewhere in Nueva Ecija daw ito. Grabe ang layo!

"Attention students...may mag-aasist sa inyo kung saan ang tent ninyo...bale yung purpose ng binigay namin na baller ay para malaman niyo kung saan tent kayo kabilang. If you notice may 3 letters combination yang baller niyo. Iyan mismo ang combination na nakasulat sa tent ninyo at 3 person per tent.So I'm going to give you time to rest for now at your respective tent... " Iyong camp master.

"Tara na Eoreom." Si Gwapo na hinila ako... saan naman kami pupunta nito? Nasagot iyong tanong ko nung bigla siya namili nang tent kung saan. Halatang di nakikinig sa instruction kanina.

"Hindi tayo magkasama. =_______=" Ako na kumalas sa pagkakahawak niya.

"Huh bakit? Ang sama naman!" Angal nito habang nakakunot-noo.

"Hiwalay ang girls at boys....=_____=" Wala talagang alam ohh. Ako kasi alam ko na dahil pangatlong beses ko na itong sumama sa math camp.

"Ah ganun ba? Sayang naman.." Bulong nito pero narinig ko pa rin.

"=______=" Ano naman kayang kabaliwan naiisip ng sira na to. At bakit wala siyang suot na baller pala?

"Cha anong combination mo?" Tanong ni Sarah nung napadaan siya sa pwesto namin ni Gwapo. And take note, pawis na pawis ito sa dala niyang maleta.

"=________=" Nilahad ko kamay ko at pinakita ang baller ko para ipakita na XXX ang akin.

"Ay di tayo makasama.... PDF ako ehh.." Sabi nito at hinanap na ulit iyong tent nito.

"=_______=" Mabuti naman. Mabuti at di ko siya ka-tent. One time kasi naka-tent ko siya.Naku! Hindi ako nakatulog! Ang likot kasi nun matulog eh.

Pumunta na ko sa tent ko nung hinila na ng ibang pekeng prince si Gwapo. Unang-una talaga yung tent namin kaya di ako nahirapan hanapin.

"Ay ang saya ka-tent ka namin!!! Ang legendary girlfriend ni Prince Minhyun!" Dalawang tao na iisa lang ang mukha ang sumalubong saken pagpasok na pagpasok ko sa loob nang tent.

"=_____=??" Gutom na ba ako at na-duduleng ata ako? Pinikit ko ang mata ko at pagdilat ko ganun pa rin nakikita ko. Pareho sila ng mukha. Pati buhok at tali sa buhok pareho!

"Ah ate ako po pala si Lizzy." Oh siya daw si Lazy. Naks lazy siguro ito.

"Ako naman si Lazzy ." Si La-zy daw. Aba pareho rin name nila?

"=_____="Pati ba naman pangalan magkambal na? Oh may mali lang ako narinig? Ah ewan. Bakit ko ba pinagkakaabalahan isipin.

"Grabe totoo nga na ang cold niya nu?" Isa sa kambal. Sorry di ko natandaan kung sino si Lazy at sino si La-zy.

"Oo nga ehh... pero maganda naman siya kahit papano.." Isa sa kambal ulit.

"=_____=" Akala mo kung makapag-usap wala ako eh nu. Harap-harapan akong ichismis ah.

Hindi ko nalang pinansin at inayos ko nalang ang gamit ko. Gusto ko munang magpahinga dahil sumama ang tiyan ko. Hilo pa kasi ako sa byahe kanina.

. . . Luisa POV. . .

SILENT QUEEN Book1: PRETEND (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon