#34//: Taking care of the Sick Leader.
. . . Chazii POV . . .
"=______=" Grabe talaga si Luisa talagang nilagay sa weekly journal ng school ang monthsary namin ni Gwapo. Kalat tuloy sa buong school at hayan ang daming humabol ng pagbati. Nauumay na ako kakatango sa mga bumabati saken na hindi ko naman kilala.
"Cha saan ka ba napunta kahapon? Alalang-alala kami sayo." Usisa pa ni Ange.
"Oo nga! Halos maloko na si Leader kahahanap sayo. Alam mo bang punong-puno ng mga lalaking naka-itim dito kahapon para hanapin ka? Lahat ng tao dito hinahanap ka. Kulang nalang magtawag ng media si Leader para ipahanap ka kung saang sulok ka man ng Pilipinas napadpad! At iyong ibang Prince kulang nalang magpaskil iyon ng pliers na nagsasabi na 'makakatanggap ng halik mula sa lahat ng prince ang sino mang makakapagsabi kung nasaan ang Girlfriend ng Leader namin'. Hay naku kung nakita mo lang gaano kagulo dito kahapon." Salaysay ni Luisa.
"=_______=" Ang OA naman.
"Hayan tuloy nagkaroon ng pagkakataon si Clarisse na yun na landiin si Leader. Grabe kaya para siyang aso kakasunod sa boyfriend mo! Kakainis di ba?!" Nag-aalburutong sabi ni Sarah habang nakanguso toda max. Umaariba na naman ang nguso ni isda.
"=______=" Hindi ko na sasabihin na si Hansel ang kasama ko kahapon. Baka makatikim rin ako kay Sarah. Ewan ko ba die hard fan ng love team kuno namin iyang si Sarah. At masyado maiinit ang dugo niya kay Clarisse huh. Pansin niyo? Akala mo siya girlfriend ni Gwapo eh.
Maya-maya bigla nalang silang lahat natahimik kaya tinignan ko sila. Nakatingin sila sa may dibdib ko. Ang mga tingin na nakanganga pa.
"Tsk. Ano? =____=" Tanong ko sa kanilang apat.
Tinakpan ko ang dibdib ko at nakapa ko doon ang suot kong kwintas. Tsk. Naku. Intriga na ito. Nakalimutan ko itago sa PE shirt ko ang kwintas na binigay saken ni Gwapo kahapon.
"Cha saan galing iyan? Mukhang pang-mayaman ehh" Huli na para sa itago ko kasi nakalapit na si Maja at saka hinawakan ang necklace ko.
"Oo nga... saan mo ninakaw yan?" Nakangusong sabi ni Sarah at saka tinulak si Maja at siya naman ang humawak at sumipat sa necklace ko.
"=_____=" Nakaw agad? Hindi pa pwede regalo o binigay saken muna? Mga ito grabe manghusga. Ganun na ba ako kamukhang pulubi?
"Hehehe ano ba kayo. Mukhang tunay lang iyan... hahaha" Sabi ni Luisa habang nakangiti samin.
"Oo nga naman. Si Cha ? Bibili ng mamahalin? Oh C'mon.." Natatawa ring sabi ni Ange. At nagtawanan na sila. Mga sira talaga. Anong akala nila saken, pulubi sa ilalim ng tulay na di afford bumili ng mamahalin?! Pwess---- medyo tama sila. Wala nga naman akong pambili ng mamahaling bagay. Pero kahit na! Ang sama nila.
"Tunay to =_____=" Sita ko sa kanila. Si Oppa na nagpatunay kagabi. Naniningkit pa ang mata niya kaka-check dito nu at kinagat-kagat niya pa para malaman mung fake ba ang kwintas na ito o hindi. At ang sabi niya after niya ma-check ay tunay na pure white gold daw ito.
"Weee?! Ikaw bibili ng mahal? Hahahaha" Hayan mamamatay na sila mamaya kakatawa. Bahala nga sila kung ano gusto nila paniwalaan.
"Anyway kailangan ninyo i-celebrate ang monthsary ninyo Cha. Hindi ka kasi mahanap kahapon ..." Change topic ni Ange.
"Hindi na kailangan..=_____=" Tamad na tamad kong sagot sa kanila. Nangalumbaba ako saka inalala ang nangyari kagabi. Jeezz. Nakakahiya.
"Huh bakit hindi?! Importante iyon Cha!" Apila naman ni Sarah with her high pitch voice. Saglit na natinginan ang mga classmate namin sa kanya. Pero sa tingin ko sanay na sila kay Sarah kaya hindi na nila masyadong pinansin.
BINABASA MO ANG
SILENT QUEEN Book1: PRETEND (COMPLETE)
أدب المراهقينAuthor: KuyaKingboo / MisauthorILHCA Works: Silent Queen Book 1: His Girl / Silent Queen Book 2: Dark World / Can't Get over you / Zofhy Bitch Silent Queen Book 1: His girl by KuyaKingboo Warning: Do not duplicate or reproduce this story in other si...