#48//: The Game Plan

1.2K 20 1
                                    

#48//: The Game Plan

. . . Chazii POV . . .

"Wake up! Sleepy heads! Wake up!"

Napadilat ako ng maramdaman ko ang biglang lamig na bumalot sa katawan ko. Binuhusan pala kami ng malamig na tubig. Hindi ko tuloy mapigilan mangatog.

"What a beautiful sight!" Si Rouke na pumalakpak pa habang nakaupo sa king size swivel chair nito. " Welcome to our little reunion VIP! What can you say? Napaka-perfect ng lugar na ito di ba? And your spot is exactly the place where you killed an innocent life."

"=____=" Reunion pinagsasabi nito? Close kami? At ang lugar na ito ang hide out namin dati kung nakalimutan niyo na sinabi ko na iyon kanina. Napalingon ako sa both sides ko. Andito na pala kaming apat. Ako, si Sarah, si Pinsan, at si Yujae. Pare-pareho kaming nakatali ang kamay pataas habang nakatayo.

Daig pa namin ang nakahilerang baboy na winawakwak ang katawan.

"Ahhh... ang sakit na ng katawan ko..." Narinig kong inda ni Sarah na nasa kanan ko.

Sa aming apat, siya ang may pinakawawang lagay. Siya lang naman ang bugbog ang katawan.

"Tiisin mo muna. =____=" Sabi ko dito.

Ngumiti naman ito. Naalala ko na may pinag-uusapan kami noon ni Sarah nang bigla nalang may mga lalaking pumasok at may tinurok sa amin dahilan para mamanhid ang katawan namin at mawalan ng malay.

"So lets start. Sayang kulang na kayo. Mas masaya sana kung andito ang isa niyo pang member para magdadamayan tayo sa mangyayari ngayon. I heard namatay siya dahil sayo Silent Queen..." Pumalatak pa ito habang umiiling-iling. "Ilan na ba ang namamatay ng dahil sayo?"

Napakuyom ang kamao ko.

"Don't let his word hit your stupid brain." Mahinang sabi saken ni Yujae na nasa kaliwa ko naman.

"I know. =_____=" Asik ko dito at saka kinalma ang sarili ko. Mas nakakainis pa rin talaga ang mga words na lumalabas sa bibig nitong katabi ko eh.

"Okay. So kindly explain nga kung bakit mo ginagawa ito? We don't even know you. So hindi namin maintindihan kung bakit ang laki ng effort mo in this." Si Pinsan.

"Ako lang naman ang kapatid ni Death."

"So? Anong kinagagalit mo samin?" Sabay na sabi ni Sarah at pinsan.

"Tanga ba kayo? Tinatanong niyo pa kung bakit ako galit sa inyo?! Kasasabi ko lang di ba na kapatid ako ni DEATH!!" Asik nito sa amin.

"Ikaw ang tanga! Magtatanong ba kami kung alam namin? Use your rotted brain." Nakangisi pa sabi ni Yujae.

"Shut up!" Tumayo ito sa inuupuan niya at saka hinablot ang tubo na nasa tabi nito at hinampas iyon sa tuhod ni Yujae.

"Oh Shit!" Daing ng katabi ko.

"Oh my gosh! Jae!" Tili naman ng pinsan ko.

"=____=" Tsk. Ang talas kasi ng bibig eh. Hindi ba niya naiintindihan na kami ang dehado ngayon? Utak rin nitong katabi ko kinulang eh.

"Wala kaming matandaan na ginawang masama sa kapatid mo. Kung tungkol ito sa ranking dati sa bottom, natural lang naman na may manguna sa ranking. Nagkataon lang na mas magaling ang VIP noon---" Pinsan

"Its not about the ranking! Makinig kayong mabuti. Mukhang nakalimutan niyo na. Pinatay niyo lang naman ang nag-iisang taong nagmamahal saken! Si Death! Dahil sa inyo tuluyan akong naging mag-isa sa buhay! Hindi man lang kayo naawa sa taong walang kalaban-laban sa inyo! Kaya gantihan lang.. buhay ang inutang niyo kaya buhay niyo rin ang kapalit!!"

SILENT QUEEN Book1: PRETEND (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon