#28//: Chazii's Birthday (Oct.21)

1.6K 29 0
                                    

#28//: Chazii's Birthday (Oct.21)

. . .Chazii POV . . .

Uwian na. Natapos ang isang buong araw na hindi nangyari ang hinihintay ko. Wala bang nakaka-alala kung anong merun ngayon? Sina Sarah, Ange, Luisa at Maja. Wala ba talaga silang naaalala?

"Cha una na kami huh... inggat sa pag-uwi..." Paalam saken ni Sarah sabay iniwan na ako. Bakit nagmamadali iyon? Lagi naman kaming sabay umuwi nun ah.

"Diretso uwi ka na huh." Tinapik pa ni Luisa ang balikat ko saka siya nagpunta na sa club nila.

"Bukas nalang tayo sabay na umuwi.." Paalam naman ni Ange then humahagikhik na sinagot ang tawag ng jowa niya.

"May praktis rin ako kaya di pa ako makaka-uwi. Ingat Cha." Si Maja naman na nagpaalam na rin.

"=______=??" Nakatingin lang ako ng isa-isa silang mawala sa tabi ko. Naiwan akong mag-isa sa may harap ng building namin. Hay wala talaga silang naaalala kung anong araw ngayon. Di bale na. Uuwi nalang ako.

Pero kasi nasanay ako na kapag sumasapit ang araw na ito ay may natatanggap akong gift at may bumabati saken. Silang apat ang laging gumagawa ng pagbati at pagbibigay ng regalo saken eh. Bakit nakalimutan nila?

Nagpatuloy na ako maglakad pauwi. Huminto pa nga ako sa may paradahan ng tricycle pero nakapanghihinayang ang 15 pesos kaya maglalakad nalang ako. Sa gilid ng highway na ako naglakad para mabilis akong makarating sa amin.

Napahinto ako sa paglalakad ng biglang may itim na van ang huminto sa tabi ko. Takte. Muntik na ako mahagip. Katabing-katabi ko na eh. Umatras ako ng bumukas ang pinto ng van. May mga lalaking nakasuot ng maskara ng mga iba't-ibang pokemon ang bumaba sa van. Ano to. Tropa ng mga adik sa pokemon Go?!

"Come with us!" Pwersa ng tatlong lalaki saken at saka ako sapilitang sinakay sa van.

"=____=" Ang baduy naman ng napili nilang maskara. Walang taste ang mga kidnapper na ito. Hindi na ako naglaban dahil baka sa hospital ang deretso agad ng mga ito. Umiiwas ako sa gulo eh.

"Huwag ka na manlaban. We out-numbered you." Sabi nung isa na piniringan ako sa mata. Hindi na ako sumagot kasi wala naman talaga ako sa mood manglaban.

Nice ang swerte talaga ng araw ko. Sana lang may pera si Oppa pantubos sa akin. Pero kung wala edi no choice. Kailangan ko tubusin ang sarili ko. Magkano kaya ang ransom saken? Sana naman wag lalagpas sa 50 pesos kasi iyon lang ang laman ng wallet ko.

I think saglit lang byahe namin kasi huminto na rin agad ang sasakyan. Baka kapit-bahay lang namin ang may pakana nito. Tsk. Mas madali ang pagtakas ko nito. At sinasabi ko na nga ba na may lihim na masama samin ang kabitbahay namin eh. Minsan kasi napapansin ko na kapag may binili akong isang bag ng grocery ay ang sama ng tingin saken. Akala siguro mayaman kami. Tsk.

"Is everything alright?" Tanong ng isa sa mga lalaki. Narinig ko lang ang boses na parang familiar saken. Familiar kasi kapitbahay nga namin.

"Then message us if everything settled." Sabi pa nila.

Pss. Nakahinto lang ang sasakyan. So nganga lang kami dito? Mga isang dekada yata ang lumipas bago umandar ulit ang sasakyan at huminto rin agad. Ibinaba ako ng isa at heto pinatanggal na sa akin ang blindfold.

"=______=??" Pinapakawalan na kaya nila ako. Tinanggal ko na rin naman ang piring ko. Ang bumungad saken ay ang...

"HAPPY BIRTHDAY CHA!!!" Sabay-sabay nilang bati sabay paputok ng confetti.

Naalala na nila? Di kaya kasabwat ang mga kidnappers dito? Nilingon ko yung mga KIDNAPPERS KO pagkatapos ko tignan ang mga bumati saken. Tinanggal nila ang pokemon character nilang maskara saka ako binati.

SILENT QUEEN Book1: PRETEND (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon