#42//: So Goodbye

1.2K 17 1
                                    

#42//: So Goodbye

. . . Chazii POV . . .

Andito na ako sa loob ng exclusive village na tinitirhan nila Gwapo. Muli kong tinignan iyong address na binigay saken ni Mahawk boy kanina. Napakamot ako sa ulo ko. Hindi dahil sa makati ang ulo ko kundi dahil sa sumasakit ang ulo ko kakaintindi kung saan ba banda ang bahay nila Gwapo dito. Sobrang laki kasi nitong village.

At alam niyo naman na hindi ako kagalingan sa direksyon. Hays =_____=

Lakad dito. Lakad doon. Liko dito. Liko doon. Oh great naliligaw na yata ako. Huminto ako sa gilid saka huminga ng malalim. Hiwa-hiwalay ang mga bahay dito. At ang bongga kasi lahat ay malalaki ang bahay. Kaloka. Saan kaya ang bahay nila Gwapo dito? Hindi pa kasi ako nakapunta doon. Sa condo niya lang ako nakapunta.

"Hey! Zup?" Isang lalaking singkit ang mata ang nakita ko ngayon na lumapit saken. Siya iyong lalaki sa rooftop at inutangan ko. Ah Onion yata ang pangalan.

Napatingin ako sa suot niya. Nakapang-jogging. Hobby niya na siguro mag-jogging.

"What are you doing here?" Tanong nito. "You look like a lost kid."

"Medyo?? =_____=" Sabi ko dito saka tumingin sa daan. Ayaw ko naman aminin na naliligaw na talaga ako. Kanina pa kasi ako nag-iikot dito eh.

"Saan ba punta mo? Don't tell me kay Minhyun eh split na kayong dalawa." Nagtataka nitong sabi.

"Sa kanya nga ako pupunta. Mmm... saan ba ang daan? =____=" Pasimpleng tanong ko.

Kumunot noo muna ito saka ngumiti. "Doon lang sila sa kabilang street na iyon. Makikita mo naman agad kasi sila ang may pinaka malaking bahay dito. Basta nakakita ka ng malaking gate na white, iyon na iyon."

Tumango nalang ako at sinunod ng MAIGI ang sinabi niyang direksyun kaya heto na ako nasa harap ng isang malaking gate na kulay puti. Wala akong nakikitang guard. Paano ako papasok sa gate na ito?

Lumapit ako ng kaunti saka sumilip. May drive way pa bago makarating sa malaking bahay na iyon. Oo ang laki ng bahay na nakikita ko ngayon.

"Good Morning Miss Chazii."

Nagulat ako biglang nagsalita kaya napaatras ako. Hanep nagmomoment ako tapos may biglang magsasalita. Pero teka wala namang tao? Sino ang nagsalita?

"I'm on speaker Miss Chazii. Butler San."

Napatingin ako maliit na bilong sa gilid ng gate. Iyan siguro iyong speaker. At nagtaka lang ako paano nagkasya diyan si Butler? Nawala atensyon ko sa speaker ng kusang nagbukas ang malaking gate. At isang sasakyan ang papunta saken. Akala ko bubungguin ako eh. Huminto naman pala sa harap ko. At mula doon ay isang lalaking naka-tuxedo ang lumabas.

"Good Morning Ma'am. Get inside and I'll take you to the Mansion." Seryoso ang mukha nito. Isa sigurong body guard or whatever... sasakay nalang ako.

Mahaba-haba ang drive way from the gate to the mansion huh. Mabuti at may sumundo sa akin. Pagdating sa harap ng malaking pasukan ng bahay, ibinaba na ako nung lalaki at umalis rin naman agad.

Napakunot ang noo ko ng inilibot ko ang mata ko sa paligid. Pamilyar saken ang lugar na ito! Dito kami pumunta ni Oppa ng sunduin niya si ate Zyle. At tama nakita ko nga na kasama ni Ate Zyle dito si Gwapo. Leshe iyong si Oppa alam naman pala ang bahay ni Gwapo hindi pa ako hinatid. At teka bahay ba ito nila Gwapo o nila Ate Zyle.

Napatingin ako sa malaking carving na Hwang Residence. Baka naman pareho silang nakatira dito kasi pareho silang Hwang =_______=

"Miss Chazii." Si Butler na yumuko sa harap ko. "Maayos at desisyon ka dalaw ikaw kay Young Master." Huh? Ansabeh ni Butler? Tumango nalang ako saka sumama sa kanya papasok.

SILENT QUEEN Book1: PRETEND (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon