Chapter 38: Garcia Brothers on Action

165 7 0
                                    

Dedicated to randomfandom21: Thanks for your flood votes :D

Another one down! 2 chapters na lang! Short chapter lang 'to kase parang filler chapter lang 'to for the next event.

---

Chapter 37: Garcia Brothers on Action

Krystal's POV

Apat na araw na ako dito. Kelan pa kaya ako planong palabasin ni Lolo? Alam naman niyang hindi ko kaya gawin ang hinihingi niya.

*flashback*

"Princess, may narinig akong balita na kayo daw ng anak ng mga Villanueva. Totoo ba iyon?" agad na tanong ni Lolo sakin, pagkauwi ng mga bisita.

"Ho?" Sasabihin ko ba? May pakiramdam kase ako na may plano 'tong si Lolo.

"Gusto ko lang sabihin sa iyo na tutol ako sa relasyon na yan. Kung ano man ang namamagitan sa inyo ng Villanueva na yan, tapusin mo na habang maaga pa. Understand?"

"Sorry, pero hindi ko po kayang gawin yun Lolo."

"Anong ginawa ng Villanueva na iyon para matuto ka ng suwayin ako ha, Krystal Garcia" I gulped. Whole name na iyon.

"Kristine, Dave... Mag-impake kayo! Doon muna kayo sa mansyon sa Tagaytay. Sa tingin ko kailangan muna turuan ulit ng respeto ang prinsesa natin."

*end-of-flashback*

Ganun nga ang nangyari. Dinala nila ako dito sa Tagaytay upang turuan daw ng leksyon.

Feeling ko nga isa akong preso. Kahit lumabas lang dito sa kwartong 'to, hindi pwede.

Kinuha pa nila lahat ng gadgets ko. Buti nga lang may t.v. pa dito kundi baka mabaliw na ako sa loob ng kwartong 'to.

Hindi raw kase ako palalabasin ni Lolo hangga't, hindi magbabago ang isip ko. Imposible naman kase ang pinapagawa nila.

Ano sa tingin nila, magagawa ko yun kay E na walang sapat na dahilan? Hindi naman yata tama yun.

*tok-tok-tok*

"Princess, sorry wala kaming magawa." si Mama pala.

I just smiled.

Kung si Papa nga walang magawa kapag nakapag desisyon na si Lolo, paano pa kaya si Mama.

"Okay lang po ma..."

Sa totoo lang, I was honestly hoping ma tutulungan ako ni Mama. Si Mama kase ang pinaka number fun ng Kyrwin.

Obvious naman, di ba?

Sinabwat pa niya ang buong barkada sa mga plano niya. Pati na si Ms Maria.

Oo, nalaman ko na lahat iyon nang minsan nagka chikahan kami ng girls.

Son-in-law nga ang tawag niya kay E.
But kahit wala pa ring nangyayari, I'm still hoping na mabago nila ang isip ni Lolo.

John's POV

"Kuya, wala ba talaga tayong magagawa?" frustrated na tanong ni Tristan sakin.

Hindi naman kase ganito si Lolo samin. Hindi niya kami pinapakealaman sa love life namin. Nag-iisang prinsesa nga naman kase si bunso.

Pero kawawa nga naman siya sa nangyayari.

Kung mababago lang namin ang isip ni Lolo...

TAMA!

"Bro, kung sasabihin kaya natin sa barkada ni bunso ang sitwasyon niya ngayon. Siguradong gagawa yun ng paraan. Tapos, matutulungan pa nila si Erwin. Kung suswertehin naman, they can change Lolo's mind."

"TAMA! Ang dapat lang gawin ni Erwin is to prove himself kay Lolo. Na karapat dapat siya kay bunso!" Tristan. "Tara na!"

Excited naman masyado.

Tumakbo na kami papunta sa garage at sumakay na sa sasakyan ko.

Sakto lang 9 am pa. Mahaba-haba pa naman ang byahe papuntang Manila.

"Tawagan mo nga si Jane kung nasaan sila."

"Sige." Tristan.

Linoud speaker naman niya ang cellphone niya.

Agad namang sinagot ni Jane ang tawag.

"KUYA TRISTAN! NASAAN SI BEST!"

Wala na talagang uso ang Hello ngayon, no?

"Teka, kalma muna. Nasaan ka? Kasama mo ba ang barkada?" Tristan.

"Oo, nasa G-mall po kami." Jane.

"Pupuntahan namin kayo diyan. Magkita na lang tayo mamaya. Tatawagan ko na lang kayo ulit mamaya." Tristan.

"E, si Best? Kasama niyo?" Jane.

"Hindi e. Basta ipapaliwanag namin sa inyo mamaya ang lahat. Pakisabi na lang sa ka nila na we're on our way." Tristan.

"Sige po..."

"Sige, bababa ko na 'to. Bye!"

"Bye!"

---

Tahimik lang kami ni Tristan pagkatapos ng phone call na iyon.

Sana magiging okay ang lahat.

Hintayin mo lang kami, bunso. Tutulungan ka namin.

Gagawin namin lahat para sa prinsesa namin. We won't let your happiness be taken away. Even if it means na susuwayin namin si Lolo.

---

Short chapter lang, di ba?

Time check: 2:10 am

Nagiging bampira na rin po ako haha. Napapadalas nga rin ang update ko. Wala kase akong magawa at hindi pa ako inaantok.

Hehe! Paano kaya papatunayan ni Erwin ang sarili niya sa Lolo ni Krystal? Mababago pa kaya ang isip niya? O tuluyan bye-bye Kyrwin na?

•yett21★ [Harriet *Haryet*]

Opposites Attract [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon