Chapter 31: Pageant II

233 13 0
                                    

Erwin's POV

"O, gwapo ka na. Sige, alis na kami!" Je.

Ha! Gandang kaibigan. Mang-iiwan na lang basta-basta. Ano na naman kaya ang binabalak ng mga 'to.

"Participants be here at 5. For those who are done, start going to the back stage now."

10 minutes bago mag 5 pa lang naman. Ang aga pa para pumunta dun. Pero wala naman akong gagawin dito kaya pupunta na lang ako dun.

Siguradong wala pa si K.

"Erwin, tapos ka na rin? Sabay na tayo." Blake.

Isa siya sa mga contestant. Teammate ko yan sa basketball.

"Uy pare, sige sabay na lang tayo. Wala naman tayong gagawin dito e."

Nang nakarating na kami sa back stage, halos lahat ng mga male contestant ay nakaupo na sa pwesto nila.

Hindi naman yun nakapagtataka, di ba?

"We'll immediately start pag andito na ang girls."

Huminga ako ng malalim.

Ito na talaga.

Wala ng atrasan to.

Bigla na lang may nagbubulungan.

'Pare, grabe ang ganda!'

'Sabi ko naman sa inyo chicks yan e.'

'Tama nga naman. Tinamaan nga si Villanueva. '

Anong pinagsasabi nila? At bakit nasali pa ang pangalan ko?

Bahala na nga sila.

I closed my eyes. Hay, first time ko sumali sa mga ganito.

Opposites Attract [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon