Chapter 26: I'll say yes when a shooting star falls down tonight.

249 12 0
                                    

Chapter 26: I'll say yes when a shooting star falls down tonight.

Krystal's POV

Friday na ngayon. It's been 2 days since that happened. Anong nangyari? Sinabi ko sa kanya na pag-iisipan ko muna. Sa totoo lang, I didn't hate it when he asked me that question. Hindi ko alam bakit. Dahil ba I'm already comfortable with him? Dahil ba best friend ko siya? Hindi ko naman siya gusto, di ba?

Since that day, normal lang ang pakikitungo namin sa isa't-isa. Walang nagbri-bring up sa nangyari. It's better this way. Para hindi ako ma pressure. Gusto kong sagutin siya sa paraan na alam kong totoo ako. I want to answer him without doubts. 

Gusto kong makasigurado na tama ang isasagot. Na yun talaga ang nararamdaman ko. Na I'm sure with my decision.

"Krystal Garcia. Lutang ka na naman." Jane.

"Hindi kaya." pagtanggi ko.

"O, sige nga, Ano ang pinag-usapan namin?" sabay taas niya ng kilay.

I sighed. Wala na akong kawala. "Sorry." I mumbled. Kasama ko pala ang mga girls. Bonding daw kami habang busy sa pa ang mga boys sa practice sa basketball. May friendly game daw kase biglaan sa foundation day. Kahapon lang inannounce. 

"This past few days, parati ka na lang tulala. Ano ba ang problema? You can always talk to us." Zy.

"Eh kasi..."

"Spill it." Liz.

"Alam niyo naman ang tungkol sa rumors, di ba? And how people thought na kami na ni E?"

"Akala ko ba, okay lang kayo dun." Jane.

"Oo nga! Kayo pa nga ang nagsabi samin tungkol sa details." Liz.

"So ano ang problema?" Zy.

"Tinanong niya kase kung pwede ba namin totohanin ang lahat..." sinabi ko sa kanila habang nakayuko, my voice barely heard.

"WEH? TOTOO?!" Zy. Tumango lang ako. "KYAAAAAAAAAAAAAAAAH!" 

"HOY ZYRIEL! Kung makasigaw ka naman! Pinagtitinginan ka na oh!" Jane.

"Sorry. Hihi! Kase sa wakas, kumilos na rin si Erwin. Hahaha! Ilang beses ko na ba siya pinariringgan. Deny ng deny eh. So anong drama mo dun? Sinagot mo ba?" Zy.

"Yun na nga eh! I told him I needed time to think. Di ko pa kase alam ang isasagot."

"Aysus! Ang dami pang kadramahan. Isang tanong, isang sagot. Nung tinanong ka ba ni Erwin, hindi mo ba ginusto ang sinabi niya? Oo o hindi?" Zy.

"Hindi naman..."

"So ginusto mo. Ayaw mo ba kay Erwin?"

"Gusto..."

"Yun naman pala eh. Gusto mo naman pala siya eh. Bakit hindi mo pa sinagot agad-agad?"

"Gusto mo maka sigurado muna sa nararamdaman ko bago ko siya sagutin. Wala naman akong alam tungkol sa love-love na yan. I don't even know if what I feel is love."

"You wouldn't know unless you try." Jane.

"What if humingi ka ng sign. Even if gaano ka imposible ang hihingin mo, let's see if fate and destiny are on your side." Liz.

"Tama, baka fate and destiny ships your love team din. Nahahawa na tuloy ako kay Liz." Zy.

"Bakit ako?" sabay pout pa.


Should I consider it? Susubukan ko lang naman. There's no harm in trying naman di ba?





**





Erwin's POV

Kakatapos lang ng practice namin. Papunta na kami sa rooftop para sa mini celebration sa rooftop. Para saan ang celebration? Para daw sa hardwork namin sa preparation ng foundation day. Ang pinag-iisip talaga ng school na'to. Kung after foundation week na lang kaya nila gawin ang celebration.

"Pre, dali na! Kanina pa raw tayo hinihintay nila Zy." Je.

"Sige, mauna muna kayo. May kukunin lang ako sa locker."

Wala naman talaga akong kukunin sa locker. May mahalagang gagawin pa kase ako.

"Can we talk... tungkol dun..."

This is it.

Tatanggapin ko naman ang magiging desisiyon niya.

"Ah. sige..."

"E, gusto kita. Pero..." okay na eh. May pero nga lang. "Hindi ko alam kung tama ba ang gagawin ko, pero I want to ask for a sign. Gusto kita pero di ko alam kung love ba to. Sabi nga nila, hindi ko malalaman kung hindi ko susubukan. I'll say yes when a shooting star falls down tonight."




A/N: Last minute short update. Had a busy weekend today kaya ito lang ang nakaya. Sorry for not updating last week so I 'll be updating again with in this week. I'm happy na kahit hindi ako nakapag- update, tumaas pa rin ang reads kaya thank you talaga. It is much appreciated sa puchu-puchu, out of the blue story nato.










Opposites Attract [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon