Chapter 4: We Meet Again!
Erwin's POV
First day ng class na naman ngayon. Wala pa naman ako sa mood para pumasok ngayon. Makapag cutting nga, wala namang gagawing matino sa first day di ba?
"Uy pre saan ka pupunta?" tanong ni Jerome.
"Rooftop pre, wala akong gana pumasok ngayon."
"Uy sama na ako jan."
Tignan mo, kaugali ko lang naman tong lalakeng to. Makaalis na nga bago pa buong tropa ang sasama samin sa rooftop.
At nakarating na kami sa rooftop. Ang sarap ng hangin dito.
"Nakita mo na ba silang Drew?" tanong ko.
"Hindi pa nga eh. Baka magkasama nila ni Zyriel at Gian."
"Baka nga. Di ba aabsent ngayon si Liz?"
"Haha, Oo nga no. Wala yan every first day. Ang tamad pumasok, talo pa nga tayo eh."
"Sa bagay..."
Nagkwentuhan na lang kami hanggang sa nag ring na ang bell. Lunch break na sa wakas. Pumunta na agad kami sa cafeteria. Nakasalubungan naman namin sila Drew at Gian at sabay na kami pumasok. Nag cutting din pala tong dalawa, magkakabarkada talaga kami lalo na sa kalokohan. Ang dami ng nagtitilian, parang F4 lang kami ah. Pero mas gwapo naman kami sa kanila. HAHAHA!
"ANG GWAPO NIYA TALAGA!"
"I'M YOURS!"
"I LOVE YOUUU!"
HAHAHA! Ang dami ko talagang fans pero wala pa rin isa sa kanila na nakakuha ng interest ko.
"Pre, may kasama si Zy oh." Sabi ni Drew sabay turo sa dalawang babae sa table namin.
May bago na naman sa barkada. Ang lakas maka recruit ni Zy ah. First day pa lang may bagong kaibigan na. Mapuntahan na nga. Naglakad na kami patungo sa table.
Pagkarating na pagkarating namin binati na kami ni Zy.
"Erwin, nandito na pala kayo." sabi ni Zy.
"Sino sila?"
"Ah, si Jane at Krystal pala. New friends natin." Oo, new friends namin kasi kung sino ang mga kaibigan sa isa samin, kaibigan na rin ng buong barkada. Astig di ba? Friendly yata kami.
BINABASA MO ANG
Opposites Attract [EDITING]
Teen FictionCliche or not. But do you believe that opposites attracts? This story is FICTION with fictional characters, places and such. Similar happenings/events in real life must be coincidental. Thank you for your consideration. █║▌│██║▌│██║▌█║║│█ ALL RIGHT...