Chapter 15: What?!

272 13 2
                                    

Chapter 15: What?!

Krystal's POV

August na ngayon at buwan ng wika na naman. Next week na pala ang culminating activity namin para sa month of August. Pinaaga na lang ang pagsuot ng Filipiñana dahil magiging busy na naman kami para sa foundation day.

Dapat lang daw dahil masbongga naman daw yung foundation day.

Ang bilis ng panahon, parang kahapon lang ay June pa.

"May isusuot na ba kayo para next week?" tanong ni Ms. Bea.

Homeroom pala naman ngayon kaya si Ms. Bea yung teacher.

"OPO MS.!" sabay-sabay na sagot ng mga hyper kong classmates.

Oo nga noh? Di ko pa alam kung ano na naman yung ipasusuot ni Mama. Alam niyo namang iba yun mag-isip at fashion designer pa yun. Naku! Ayoko pa naman nagsusuot ng mga gowns. Ang hassle kaya nun tapos half-day lang naman susuotin.

Mas gusto ko pang magsuot ng pantalon at maglagay na lang ng malong. Alam niyo yun? Di ba ang simple lang. Ganun yung gusto ko. Pero kakahiya naman sa mga kaklase kung mga bongga yung suot plus di naman ako papayagan ni Mama magsuot ng ganun. -_- Hayy, life! Bakit ba sila yung nagdedesisyon? Silang magsusuot?

"Yun na ang lahat ng reminders kaya dismiss na kayo. Good bye class!"

Tapos na pala ang mga reminders. Di na pala ako nakinig. Okay lang yan, may copy naman ako sa mga yan. Kasali kaya ako sa committee. Pasensya na, tamad ako ngayon.

Yun na nga nagpaalam na kami kay Ms. Bea. Niligpit ko na ang aking mga gamit at sabay-sabay na kaming lumabas ng barkada. Dumiretso na kami sa garden para tumambay.

"Sis, anong susuotin mo next week?" Jane.

"Di ko pa alam."

"K, huwag kang magsuot ng fitting ha?" Erwin.

"Bakit naman?"

"Baka mahalata ang fats mo. Kain ka kase ng kain ng cake." pailing-iling oa niyang sabi.

"Gag* ka Erwin, makalait lang ng best friend wagas!" Jerome

"Makinig ka kaya kay Jerome. Di ba, hindi naman ako mataba, Je?"

"Oo, naman." Yun oh! Binelatan ko naman si E. Tumawa lang naman ang loko. Kung makapanglait parang hindi inagaw yung mga binili kong cake.

"Tama! You're so nakakainggit nga K eh. Kahit kain ka ng kain, you don't get fat." Liz.

Opposites Attract [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon