Chapter 39: Fight for Love

180 9 0
                                    

Dedicated to krizfrance: Thanks for adding my story to your RL!


Chapter 39: Fight for Love

Erwin's POV

"Jane, anong sabi ni kuya Tristan?"

"Papunta na daw sila. Papaliwanag nila lahat satin."

"That's great to hear." Zy.

"So are we gonna make hanap to K?" Liz.

"Shattap ka nga Liz. Kakairita iyang pagka-conyo mo." Drew.

Nagmake face na lang si Liz. Hays mga isip bata talaga.

"Tama na nga iyan. Pero curious din ako, saan naman nanggaling iyang pagka-hilig mo sa pagsasalita ng conyo? Hindi ka naman ganyan dati." Je.

"Stop making pakealam na nga. I like to salita like this. It's very interesting kaya."  Liz.

Salamat naman. Mag-iisang linggo ko nang hindi nakikita si K. Kahit naman kasama niya ang pamilya niya no, nag-aalala pa rin ako. Hindi ko kaya siya ma contact.

Nandito pala kami ng barkada sa G-mall. (Garcia mall) Nag-aya kase sila dito para mag-celebrate daw. Nagka-ayos na kase si Jane at Zyriel. Drama naman talaga ng dalawang 'to. Tapos, si Jerome naman at Jane parang sila na yata. Di naman umaamin. Baka nanliligaw pa 'tong si Je sa kanya.

Sana naman okay lang si K. Kumusta na kaya siya? Nakakain na kaya siya? Baka bored na siya dun? Hindi ba niya dala ang cellphone niya?

Ang dami kong tanong. Alam niyo, natauhan talaga ako nung sinigawan ako ni Jerome noong isang araw. Hindi naman ako ganoon dati. Naisip ko rin na malulungkot si K pag nakita niya kaming ganun.

Nangako pa naman ako sa kanya na hindi magkawatak-watak ang barkadang 'to. Matibay yata kami. Ayokong mabalik yung time na kelangan pang magtago ni K sa isang split personality para lang maiwasang masaktan.

Sa tingin ko nga, nawala na yung split persona niya. Sabi nga nila, parte talaga yun kay K. Sa kaloob-looban niya, may tinatago siyang tapang.

Miss ko na talaga ang K ko...

"KUYA JOHN! KUYA TRISTAN, DITO!" sabay kaway ni Jane.

Agad naman tumakbo sila papunta samin.

"Upo po kayo." sabay usod ni Jane para may space para sa dalawa.

Umupo na nga sila pero wala pa ring nagsasalita. Ang awkward tuloy.

"A-ah. B-bakit po wala si Krystal?" utal-utal na tanong ni Zy.

At last may nagsalita na rin. Nagkatinginan lang ang dalawang magkapatid at nagsmile samin bago magsalita.

"Nasa bahay namin sa Tagaytay si bunso ngayon." Kuya John.

"Bakit hindi siya sumama sa inyo papunta dito?" Jane.

"Eh kase..." napakamot lang ng ulo si Kuya Tristan.

"Hindi siya pinapayagang lumabas ni Lolo. Literally. Hindi nga siya hinahayaang lumabas sa kwarto niya. Mag-iisang linggo na ganun ang set-up." Kuya John.

"Ano?! Bakit naman nila ginawa kay K yun? May nagawa ba siya?" nag-aalalang tanong ko.

Bakit naman kase biglang naging ganun. Okay lang naman lahat nung isang araw ah. Wala naman ding kalokohang ginawa si K. Mabait kaya yun.

"Sinuway niya kase si Lolo." pagpapaliwanag naman ni Kuya Tristan.

"Anong ibig sabihin mong sinuway niya ang Lolo niyo?" nagtatakang tanong ni Je.

"Tama, ang bait kaya ni K~" Drew.

"Agree ako diyan!" singit naman ni Liz.

Nagkatinginan lang kami ni Zy at Jane.

"Ganito kase yun, nalaman ni Lolo na kayo ni bunso kaya tinanong niya ito. Hindi pa man nakasagot si bunso, sinabihan na siya ni Lolo na hiwalayan ka. Mahal ka ng kapatid namin kaya, syempre hindi siya sumunod kay Lolo." Kuya John.

D-dahil pala sakin?

Sht!

"Kaya ayun, dinala si bunso sa Tagaytay para matuto daw." Kuya Tristan.

"Kasalanan ko 'to..."

"Hindi. Walang may kasalanan. Hindi niyo naman kasalanan ni bunso na mahalin ang isa't-isa. At isa pa, hindi kasalanan ang magmahal." Kuya John.

Tumango na lang ako kahit gusto ko pa rin sisihin ang sarili ko. Tama nga naman sila plus, hindi ito ang tamang panahon para sisihin ang sarili ko.

"Wala pa tayong magawa para kay sis?" tanong ni Jane.

Nagsmirk bigla si Kuya Tristan.

"Kaya nga kami nandito. Hindi namin maintindihan kung bakit ayaw ni Lolo sayo. Baka over protective lang siya o may ibang dahilan. Pero isa lang naisip namin para matapos 'to. Ikaw!" sabay turo niya sakin. Tinuro ko na lang din ang sarili ko sabay sabing 'Ako?!' "Dapat mo patunayan kay Lolo na karapat-dapat ka kay bunso. Syempre, tutulungan ka namin."

"Kayo ba, tutulungan niyo din ba si Erwin?" tanong ni Kuya John sa barkada.

Agad naman silang umo-o.

Now I've decided, gagawin ko lahat para patunayan na karapat-dapat ako para kay K at para patunayan na totoo ang pagmamahalan namin.

Kaya pagkatapos namin pag-usapan iyon, nagplano na kami ng mga pwedeng gawin.

Pupuntahan na daw namin si K sa Tagaytay bukas ng umaga.

—-

"Nandito na tayo." sabi ni Kuya John.

Nasa harap na kami ng bahay este mansyon ng mga Garcia. Grabe talaga ang yaman nila.

Tss. Ano bang pinagsasabi ko, hindi 'to ang panahon para mamangha sa mansyon nila.

Pumasok na kami sa bahay. Nakita namin si Tita Kristine at Tito Dave sa may sala, nanonood ng movie.

"Nandito na pala kayo! Hali kayo, manood tayo ng movie. Kuha lang kayo ng pagkain dito ah." Pag-aya ni Tita sa barkada. Hindi naman ako sumama sa kanila, kakausapin ko pa ang Lolo ni K.

"Oy, ang daya niyo!" sabi ko sa kanila.

"Haha! Kaya mo na yan, son-in-law! Good luck!" (-____-) Hays. Si Tita talaga.

"HAHAHAHA TAMA! GOOD LUCK ERWIN!" sabay sabi ng barkada.

Mga walangya talaga. Pshh.

Pati sila Kuya John, tinawanan na lang din ako.

"Pfft. Tara na." Kuya Tristan. (-__-)

Naglakad na kami papunta taas. Hanggang sa makarating kami sa isang napaka-laking pinto.

"Ito na ang office ni Lolo. Kumatok ka lang. Good Luck!" sabi ni Kuya Tristan.

Tinap lang ni Kuya John ang balikat ko at umalis na agad sila.

Hay. Good Luck talaga sakin. The things I can do for you, K. I'm totally whipped. Hinding-hindi ko hahayaan na mawawasak lang ng ganito ang relasyon namin. It's time to fight for our love.

Nagawa mo na ang part mo, K. Ako naman ngayon...

—-

Been busy and stuff. Natapos ko na rin ang chapter na'to. Yey! 1 more chapter to go and epilogue na next.

Btw. Please try reading my new story. Love Me Not ♥ Chapter 2 Updated na rin.

Thanks for reading!

•yett21★ [Harriet *Haryet*]

Opposites Attract [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon