Chapter 36: The Head of the Garcias

182 10 0
                                    

ANNOUNCEMENT: I have already planned the up coming chapters until the epilogue. It has been decided na hanggang Chapter 40 lang ang story ko + Epilogue. First Story ko kase 'to na tatapusin ko talaga. It's been approximately 10 months since sinimulan ko 'to. Di ko na feel pahabain pa. Hehe. Hindi naman kase talaga plinano ang story na 'to. I just updated random ideas na pumapasok sa isip ko. Kaya ayun, nabuo ang OPPOSITES ATTRACTS. Ang chaka pa ng title haha! Ilang ulit ko kaya 'to ginustong palitan ng title. Pero tinatamad lang talaga ko. Salamat sa lahat ng nagbasa. Ang haba ng masyado ng author's note. Basahin niyo na nga ang chapter 36. Haha! :D

Chapter 36: The Head of the Garcias.

Krystal's POV

Hay. Di pa rin ako maka get over sa nangyari kahapon. Kung pwede lang sana monthsary namin araw-araw. May daysary ba? Pwede icelebrate iyon? Haha.

Tingin ko ang lahat ng pagbabago sa buhay ko ngayon ay worth it. Kahit nag-iba man ako in some aspects, I know that it's for the better.

Kahit na nababaliw  ako minsan sa sobrang kilig. Kahit akala ko OA lang ang mga babaeng ganoon noon. Narealize ko na normal lang pala iyon pag nagmamahal ka.

Nasa hallway pala ako ng school ngayon. I'm walking alone dahil trip ko lang mag emote sa hallway. Kulang na lang kumanta ako para kumpleto na. Di joke lang. Nag half day kase ako.

Last subject na kase before lunch kaya walang masyadong tao sa hallway.

Bakit ako nag half day? Basta nagkaroon lang ng lakad kami kanina ng buong pamilya. When I say buong pamilya, I mean it. Umuwi si papa kaninang madaling araw. We were surprise. Ilang months na kaya namin hindi siya nakita.

Matagal-tagal na rin iyon. Tapos, gusto pa niyang makausap si E. Hehe. Umaandar na naman ang pagiging protective ni papa.

Kaibigan lang daw iyong pakilala ko tapos, pagbalik niya boyfriend ko na daw. Haha!

"K,"

Di ko namalayan nasa harap na pala ako ng classroom. Kaka dismissed lang din ng teacher.

"Yes, Zy?"

"Can I have a minute with you. Alam mo namang ikaw lang ang pinagsabihan ko tungkol doon, di ba?"

I just nodded bago pa kami makita ng ibang barkada.

Pumunta kami sa may playground ng elementary department. Wala kaseng masyadong tao doon. May mga bata naman pero busy naman sila sa kanilang ginagawa.

"I know na mahirap sa'yo ito. Di ko naman sinasadyang ipitin ka sa sitwasyon namin e. Wala lang kase akong ibang mapagsasabihan." she started. I just kept quiet, waiting for her to continue. "Nakikita ko e. Nakikita ko kung paano nagbago ang pakikitungo nila sa isa't-isa. Simula kahapon, alam kong may nag-iba na. Hindi man nila sabihin, alam kong nagkakabutihan na ang dalawa. Alam kong hindi mo iyon napansin. Yesterday was your day at ayoko namang sirain iyon sa pag e-emote ko. Pero K, ang sakit e." nagsimula na humagulgol si Zy.

Opposites Attract [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon