Chapter 7: Mr. and Ms. Clair University

540 15 0
                                    

Chapter 7: Mr. and Ms. Clair University

Krystal's POV

I am currently at the cafeteria kasama ang barkada while eating my precious chocolate cake. Break time namin ngayon and I took the chance to buy the famous chocolate cake at the cafeteria. Ang sarap kasi kaya madali lang maubos. I bought three slices para makasiguro na mabubusog ako. I know I'm a heavy eater pero I don't get fat naman.

Nag-e-englsih ako no?

Kasi naman bumalik na si papa and basta nandiyan siya we need to speak in english kaya sinanay ko na naman ang sarili ko mag-english. I know, I've been living in America for 2 years pero Pinoy na Pinoy kaya ako.

One week has passed na pala since nag start ang class.

Nagmo-moment ako ngayon habang kinakain ang paborito kong chocolate cake ng biglang may kumuha ng cake ko.

"Ano ba?"

"Pahingi." Sino pa ba ang kapwa adik ng chocolate cake, si Erwin.

"Ayoko. Bumili ka ng sayo." Sabay kuha ko ng cake ko.

"Ubos na eh."

"Bahala ka."

At yun wala naman talaga akong magagawa kung ibigay ang isang slice sa kanya. Hindi pala ibigay, isuko sa magnanakaw ng cake ko.

"Eto na naman ang mga bata. Nag-aaway na naman sa cake." Sabi ni Zy habang tumatango pa.

Tinawanan na lang kami ng barkada ganyan naman palagi eh. Nasanay na sila samin at isang tao jan wala ng pakialam dahil kinakain na niya ang cake ko.

If you ask, naging ganyan na kami since last week. Para kaming aso't pusa kung mag-away o kaya mga bata na nag-aagawan ng cake.

Hindi naman siya ganun sa simula, naging mabait naman siya sakin pero bigla na lang niya akong inaasar. Di ko alam bakit. May nagawa ba ako o naging hobby na lang niya ang pang-aasar sakin?

Erwin's POV

Anubayan! Di naman tumatalab sa kanya ang mga plano ko. Oo, naging mabait ako sa kanya pero parang wala lang sa kanya. Kaya inaasar ko na lang siya and unexpectedly, I enjoyed it. She's the type kasi ng babae na palaban, ayaw niya talagang magpatalo kaya eto ako ngayon walang nagawa.

Tinatanong niyo kung anong nangyari last week?

Dahil mabait naman talaga ako kay ikwekwento ko.

Opposites Attract [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon