Chapter 22: This is so messed up!

267 14 1
                                    

A/N: Exams are finally done and to celebrate here's an update! If you have time, please do try reading my other story, it's a kathniel fanfic. To those kathniel fans there, please do try. here's the link. http://www.wattpad.com/story/24466387-you-and-i-collide-kn

Chapter 22: This is so messed up!

Krystal’s POV

Parang may kakaiba sa barkada. I can’t point it out pero feeling ko talaga, may nag-iba. Everything seems normal but my instincts tell me something has changed. Parang may nangyari sa kanila nung wala ako kahapon. Di bale na nga! Pinag-iisip ko lang ang sarili ko.

“Lalim ng iniisip natin ah.”

“Je,”

“May problema ba? Pwede mo naman sabihin sakin. Parang kapatid na nga kita.”

“Wala naman akong problema KUYA. Tatlo nap pala ang kuya ko ngayon.”

“Sigurado ka ba, baby sis?”

“Haha, Oo nga!”

“Uy, tumatawa na siya.” Sabay pisil-pisil sa pisngi ko. Ang kulit talaga nitong si Jerome. Oops! Kuya Jerome na pala HAHAHAHA!

“Sabay na tayo sa meeting room.” Kuya Je.

“Sige ba.”

May meeting pala kaming mga committee sa foundation day. Kailangan na daw naming ifinilize ang lahat this week sa physical preparations. Babawi talaga ako dahil isang araw lang ako nakatulong tapos naaksidente pa ako at na admit pa sa ospital for almost 1 week.

“Good morning sis!” bati sakin ni Jane pagpasok ko sa meeting room. Hindi kase kami sabay ngayon dahil hinatid siya ng kuya niya. “G-good morning Jerome…” Bakit parang nag-iba ang aura ni best? Parang nalulungkot siya, nakikita ko yun pero agad niya naman tinago yun at pilit na ngumiti.

“Good morning din best!” hindi ko na lang inintindi yun. Kung hindi pa kayang sabihin ni best sakin ang problema niya, di ko muna siya kukulitin.

“Good morning Jane! Bakit ang hyper ng ‘good morning’ mo kay baby K, tapos sakin hindi?” nagpout pa ang loko.

“He-he-he… Sorry naman!” Alam kong pilit ang tawang pinapakita ni best, makausap nga siya mamaya.


 

 

Jane’s POV

Ang aga-aga ko namang nakarating sa school. Si kuya kasi eh, palaging nagmamadali kaya nauna na ako ngayon sa meeting, hindi ko naman masyado ka-close ang mga tao ditto. Uy, yun na pala si best.

Opposites Attract [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon